"Kailangan mo ba talagang umalis anak?? hindi ba pwedeng dito ka na lang sa atin maghanap ng trabaho mo?" tanong sa akin ni nanay habang nag-iimpake ako ng mga gamit ko
"kailangan ko po itong gawin nay,,makikipagsapalaran po ako sa maynila para makaipon ako at matapos ko ang pag-aaral ko!" paliwanag ko
"may matutuluyan ka ba doon?"
"meron po nay,sa kaibigan ko na naggtatrabaho din doon" sagot koNagtungo ako ng maynila na walang kaalam alam kung anong bukas ang haharapin ko doon.. bahala na basta makahanap ako ng trabaho ko..
Isang taon na lang.. makakapagtapos na ako sa kursong bussiness management! laban lang self!May ini-offer ang kaibigan ko na trabaho sa pinagtatrabahoan niya din.. maganda daw doon.. sikat na coffee shop daw yun.. maraming mayayaman na nagpupunta at mga empleyado sa malalaking kompanya na nasa malapit lang din..
Sakto din sa inioofer ng kaibigan ko dahil mahilig din akong gumawa ng kape at magexperiment ng kung ano-anong flavor ng kape..
Sana nga lang at maging mabuti ang maynila sa akin...
Siya nga pala ako nga pala si Kiarra Gaile Castro ang inyong simpleng probinsyana ngunit maganda at matalino..
samahan niyo ako sa journey ko dito sa siyudad!
>>>>>>>>> 😊<<<<<<<<<
BINABASA MO ANG
Simpleng Probinsyana of mr. Billionaire
RomanceSIMPLENG PROBINSYANA OF MR. BILLIONAIRE PROLONGUE : "Kailangan mo ba talagang umalis anak?? hindi ba pwedeng dito ka na lang sa atin maghanap ng trabaho mo?" tanong sa akin ni nanay habang nag-iimpake ako ng mga gamit ko "kailangan ko po itong ga...