Chapter 6

117 7 1
                                    

Landon POV

May nakabangga lang naman ako again. Guess who again is my nakabangga? As in grrr talaga. Muntik nang mahulog ang mga grocery items ko.

He made lahad his kamay to me but then I was like....

"You again?!", napapasigaw ako ng wala sa oras.

"Lyndon?"

-___-

Sabi ko na nga ba at mapagkakamalan na naman akong si Kuya Lyndon ng lalakeng 'to.

I make tayo without his help.

"Excuse me lang ha! How many times do I have to tell you na hindi ako si Lyndon. Si Landon nga ako. Si Lyndon kakambal ko! Duh!", I make roll my eyes. If I know si Terrence Mejares siya. The guy na nakabangga ko kahapon and unfortunately, nakabangga ko na naman today. Grrrr! Bakit nandito siya!

"Lyndon. Hindi ko alam ang sasabihin ko but please let me explain.", paawa effect nitong si Terrence.

Duh! Ano naman ang i-explain niya eh hindi ko nga siya kilala. If I know malaki ang kasalanan niya kay Kuya Lyndon.

"Sabi ko naman 'di ba? I'm not my Kuya Lyndon because I am his twin brother and besides, I don't know you man. Why you're so makulit ba!", I'm so naiinis na with this lalake ha. He's so makulit ever! Ang super slow niya. Psh!

"Lyndon, 'wag mo namang gawin sa'kin 'to. Alam kong ikaw 'yan at nagpapanggap ka lang. Please, hayaan mo akong i-explain lahat-lahat., pagsusumamo nitong si Terrence.

-____-

Aba! Aba! Ako nagpapanggap? Kailan pa ba ako nagpanggap ha? This man! I'm gonna make tapon na him talaga sa Cagayan River! Psh! Ang slow niya talaga.

"Ewan ko sa'yo! I-explain mo sa pagong 'yang explanation mo!", sigaw ko sa kanya. He's so annoying. As in G.R.R.R.R.R.

"Landon. Tapos ka na bang...."

Si Kuya Lyndon 'yun na biglang napatigil sa pagsasalita when he saw this annoying man na kausap ko. When I make tingin to Terrence, he's even nagulat too. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa'ming dalawa ni Kuya Lyndon. Seems like nagulat siya dahil dalawang magkaparehong mukha ang nasisilayan niya. Dalawang gwapo kasi ang nakikita niya eh. Char lang.

Magkakilala nga sila. Seems like hindi nga talaga maganda ang naging past nila. Nakita ko na lang si Terrence na biglang lumapit sa kakambal ko at niyakap. Ano ba talagang nangyari sa kanilang dalawa? Sorry naman kasi eh wala ako noong mga panahong 'yun. I was having my own life kaya hehehe. Ang dami kong hindi alam ha.

Narinig ko na lang na sinusumbatan ni kuya si Terrence. Umiiyak na siya. Si Terrence naman ay ganun din. Aba! Pang FAMAS Award ang kanilang peg ha. Pwede na mga koya. Pwede na kayong sumabak bilang artista hahaha.

But seriously, nagsusumbatan nga sila. Si Terrence naman, trying his best to explain everything to kuya but parang ang hard talaga ng kakambal ko eh. Hanggang sa tumakbo palabas ng grocery store ng mall si kuya. Ay iniwan lang ako. Bastusan tayo kuya? Bastusan lang? May pa-run away effect ka pa. Anong drama 'yan ha? The Run Away Bride lang ang peg? Hay naku! Love story ng mga tukmol uy. Psh!

Okay, serious mode na. So hayun nga nagtatakbo palabas ng grocery ng mall ang kakambal ko at naiwan kaming dalawa ni Terrence. Tiningnan ko lang siya and nakita kong ang laki-laki ng mga luha na lumabas mula sa kanyang mga mata. Para akong naawa sa kanya. Sawing tears from his eyes causes me to conclude na sincere nga talaga siya. Tiningnan niya pa ako na para bang nagsasabing "pakisabi sa kakambal mo na mahal ko siya".

Pero dahil ayokong sakyan ang drama niya ay iniwan ko na rin siya. Kailangan kong sundan ang nagdadrama kong kakambal.

~~

Nang makauwi na kami ay kaagad kaming nakita ni Kuya Nico. Hayun, kinomfort na naman niya si Kuya Lyndon. I feel my twin brother and I also feel Terrence. Hindi naman sa ano pero pareho kasi silang nasasaktan sa sitwasyon na'to eh. Wala akong papanigan sa kanilang dalawa dahil bukod sa ayokong maging bias eh wala akong kinalaman sa nangyari sa kanila noon. Ayoko nang usisain pa kung ano ang nangyari noon.

Sinamahan ni Kuya Nico si Kuya Lyndon sa bahay. Doon na muna siya nag-stay. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang hitsura ni Terrence kanina. Hindi fake tears ang nakjikita ko kanina. Alam kong real tears 'yun. Nakaramdam talaga ako ng awa sa kanya eh. Kung naawa ako kay Kuya Lyndon, naaawa rin ako kay Terrence. Napabuntong-hininga na lang ako.

Few hours later ay dumating naman si Kenji. Ano naman kaya ang ginagawa ng hapon na'to dito? For sure mangungulit na naman ang tukmol na pervert na'to. Did I say pervert? Yes. Kenji is one of a kind of pervert. Ang gwapo sana ng hapon na'to kaso may sapagka-manyakis. 'Yung ilang girls na nilalandi niya kunwari, kinikilig pa. Bahagyang tanggalin ko kaya ang clitoris ng mga babaeng 'yun. At si Kenji naman, baka maputulan ko ng patola 'yan. 'Wag lang talaga siyang maglandi sa'kin dahil putol ang patola niya hahahaha.

"Anong nangyayari dito? Ba't umiiyak si Lyndon?", tanong ni Kenji.

"Ay baka nagso-shooting kami dito 'no? Ayon kasi sa script ay kailangang umiyak ng ganyan ni Kuya Lyndon tapos magmamaktol siya at maghi-hysterical tapos lalapit siya sa'yo at pagsampal-sampalin ka niya.", pambabara ko kay Kenji.

"Landon naman eh.", si Kenji na napakamot sa kanyang ulo. Oh! Don't tell me you have lots of kuto. It's so eww lang kaya.

Ako na ang nagkwento sa tukmol na hapon. Alangan namang si Kuya Nico eh wala nga siya kanina.

Maya-maya lamang ay may biglang pinakiusapan si Kenji kay kuya. Pagkatapos no'n ay bigla-biglang akong hinila ng walang'yang hapon na'to palabas ng mansyon.

 A/N: Chapter 7 will be posted today. :)

Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon