Landon POV
It's been days at naging busy na rin ako sa work. Ang dami kong natambak na trabaho kaya I need to double time. Ewan ko ba at maraming kinakasal ngayong taon na'to. Good thing at kami ang nire-rekomenda nga mga tao for the gowns and designing. Siyempre, expertise ko 'yan. Mabuti na nga lang at hindi ako nag-iisa eh kasi tinutulungan naman ako nina Iris at Tita Clarissa. Hindi ko na nga masyadong naiisip si Terrence.
Speaking of Terrence, I admit na-miss ko na siya. Ilang araw na rin ang lumipas simula no'ng magtapat siya na gusto niya raw ako. Like I kennat! Hindi pa rin sumi-sink in sa utak ko ang mga sinabi niya sa'kin no'ng gabing 'yun. I admit, kinikilig ako nang malaman ko 'yun. Terrence Mejares na 'yan nagtapat sa'yo na gusto ka niya tapos hindi ka kikiligin? Aba! Gwapong chinito 'yun at may ABS pa. Kalerke!
Isa pa, hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa niyang panghahalik sa'kin. Aish! Naaalala ko na naman. In all fairness, ang lambot-lambot ng labi ni Terrence at masarap siyang humalik, I admit that. Yes, crush ko si Terrence pero hindi ko naman aakalain na mas bongga pa pala siya para sa'kin. Pwede ko na bang sabihing ang swerte ko na? Haha. Isang gwapong chinito na may ABS may gusto sa nag-iisang Landong Adriven Aguilar. Sa pangalan, nag-iisa lang ako pero 'pag mukha na ang pag-uusapan ay hindi na ako nag-iisa, dahil ang mukhang taglay ko ay taglay rin ng isa kasi nga may kakambal ako 'di ba. Bongga!
Hindi pa talaga ako handang magmahal muli eh after six long years. Hindi rin kaya biro ang nangyari sa'kin no'ng nakaraang anim na taon. I'd been to rejections, pains, and all the heartaches magbuhat nang magmahal ako ng peste este isang lalakeng akala niya gwapo na siya sa pinaggagawa niya sa'kin. Talagang isinusumpa ko ang lalakeng 'yun mula hibla ng buhok niya hanggang sa dulo ng mga kuko niya. Ang sarap hampasin ng cactus ang pagmumukha ng lalakeng 'yun. Anyways, that was six years ago. I don't wanna see that man again.
Sa ngayon, parang ayoko munag kausapin si Terrence. Nakakapanibugho at nakakapagpabagabag ng damdamin eh. Binigla niya kasi ako sa mga hokage moves niya kaya hayun. Hindi rin naman nag-text ang walanghiya o di kayay'y tumawag man lang. Feeling ko tuloy pinagtitripan lang ako ni Terrence. Pero ayoko namang isipin 'yun. Malabo rin namang pagtripan niya ako dahil bukod sa lagot siya sa kakambal kong si Lyndon ay hindi rin ganun ang pagkakakilala ko sa kanya. May sincerity siya sa katawan eh.
Hahay Terrence. Wala na akong balita sa'yo. Ni facebook mo wala kang mga updates. Yes, ayoko muna siyang kausapin pero nami-miss ko na siya eh. Aish! Lalo na ngayon na sinabi niya sa'kin na may gusto siya sa'kin. Ang haba ng hair ko, bakla. Haha.
Habang kumakain ako ngayon ng Mac & Cheese ay nabigla ako sa kung sinumang unggoy na'to ang biglang pumulupot sa beywang ko.
"Hello loves."
Kilala ko ang boses na 'to eh.
"Jeremy Clark Tongco! 'Wag kang pumulupot sa beywang ko dahil nakakadiri!", sigaw ko.
Naramdaman ko namang kumalas siya at nakita ko si Jeremy na humagalpak ng tawa. Ihahagis ko na sana sa pagmumukha niya ang Mac & Cheese na kinakain ko kasabay ng mangkok kaso na-realize ko na nagugutom pala ako kaya 'wag na lang.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito, ha?!", tinarayan ko nga ang walanghiya. Lakas makapulupot sa beywang ko. May lahi yatang ahas si Jeremy eh.
"Wow naman, Landon. Ang gandang pambungad mo naman sa'kin. Grabe, nakaka-touch! Hindi ba pwedeng salubungin mo naman ako ng 'Hey Jeremy. What's up? Na-miss kita ah. It's been awhile', tapos o-offer-an mo ako ng kinakain mong Mac & Cheese.", nag-pout pa ang hinayupak.
I rolled my eyes.
"Tse! Asa ka pang gagawin ko 'yan sa'yo 'no! Lul! Do'n ka sa lelang mo!", tinarayan ko ulit siya.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)
RomanceLandon Adriven Aguilar and Terrence Mejares' LOVE STORY. NO COPYRIGHT INFRINGEMENT Copyright ©️ 2015