Chapter 18

124 6 1
                                    

Landon POV

Nandito ako ngayon sa JBU for the Valentines Program. Nasa may canteen ako ngayon kasama sina Renz and Grace. Si Kuya Lyndon ay nandoon sa room yata nila kasama si Kuya Nico and the rest of their friends. Kumakain lang kami dito at pinag-uusapan ang palapit nang pagbabalik ni Claire mula Australia. Excited na akong makita ulit ang bruhang 'yun. Bubunutan ko 'yun ng buhok sa ilong pagkadating niya dito. Dejoke lang.

"Landon, sino bang ka-date mo ngayon?", tanong ni Renz sa'kin.

O_o

Ba't niya tinatanong? Bakit? Gusto niya ba akong maka-date? Dejoke lang.

"W-Wala yata.", tipid kong sagot.

"Eh bakit si Lyndon, meron?", tanong ni Renz ulit.

"Eh siya lang. Si Kuya Nico ang ka-date niya ngayon. Ako, wala.", sabi ko.

Eh sino naman ang idi-date ko or idi-date ako? Si Jolrean? Pwede rin pero hindi naman nagsasabi sa'kin 'yun. Si Terrence?

Bigla akong napabuntong-hininga. Kumusta na kaya siya? Nandito kaya siya ngayon sa Julinelle Benzo University? Baka nag-e-effort 'yun para kay Kuya Lyndon.

Alam niyo, minsan nakakainggit ang kakambal ko kasi every Valentines Day ay may mga nagbibigay sa kanya ng mga flowers. Ako? Si Renz lang ang nagbibigay sa'kin sa mga kaibigan ko. Then si Kuya Lysander, Kuya Aluino, Ate Leah, then sina Mom and Dad. Sila lang. Pero si Kuya Lyndon, marami. Si Kenji, si Earl, si Albert, and of course si Kuya Nico. I don't think so kung si Jolrean din. Ay oo nga pala, binibigyan din ako ng pinsan naming si Earl ng flowers.

Teka? Bakit ba ako nagda-drama eh every Valentines Day ay hindi naman ako nagpaparamdam sa kanila. Hahaha. Ang O.A ko ah hahaha. Ngayong taon lang ako nagparamdam sa kanila ng Valentines. Kasi usually, loner ako kapag Valentines. Sinasama ko lang si Clarence noon kapag Valentines so siya ang ka-date ko hahaha. Minsan naman si Renz. Hahaha.

And speaking of Clarence, na-miss ko na ang unggoy na 'yun. Nandito lang naman siya sa Cagayan de Oro pero hindi siya nagpapakita. Siguro busy 'yun. Nag-aaral pa kasi 'yun.

"Hey!"

"Ay butiki!", napasigaw na lang ako nang may biglang nanggulat sa'kin.

Paglingon ko...

O___O

Oh? Speaking of him...

"Clarence?"

"Ay hindi! Si Ranz Kyle ako! Hahahaha!", nakuha pang mamilosopo nitong tukmol na'to!

"ARAY!", hayun, piningot ko nga ang tenga.

"Ikaw na tukmol ka! Halika nga dito!", tapos niyakap ko siya ng mahigpit. Na-miss ko rin kasi ang bestfriend ko na'to.

"Na-miss kita Clarence", sabi ko habang yakap-yakap siya.

"Na-miss rin kita Landon. Sorry ha? Nagiging busy lang talaga ako. Alam mo na, nag-aaral akong mabuti para sa future namin ni Iris.", sabi niya saka kinindatan ako.

=_____=

"Asa ka pang magugustuhan ka ni Iris. Psh! 'Di ba may nagugustuhan 'yung iba?", realtalk ko sa kanya. Ayoko namang sinasaktan niya ang sarili niya dahil sa mahal niya si Iris. Kasi sa pagkakaalam ko, may nagugustuhang iba 'yang si Iris.

"Alam kong hindi niya ako gusto pero later Landon. Magugustuhan rin niya ako. Patutunayan ko sa kanya na ako ang worth it sa pagmamahal niya at hindi si Richard.", seryosong mungkahi ni Clarence.

Napailing-iling na lang ako. Ang hirap talaga ng sitwasyon ng love. Kaya nga ayokong pumasok sa mundo ng pag-ibig eh kasi feeling ko, parang nagpapakamatay ka. Sa ngayon, crush-crush mo na ako.

Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon