Chapter 44

70 3 0
                                    

Landon POV

I tried to opened my eyes pero biglang sumakit ang ulo ko. Para akong mahihilo. Parang mabibiyak ang ulo ko sa sakit. Mukhang nakatulog yata ako ng mahabang oras. Nang imulat ko ulit ay parang umiikot ang paligid ko.

Wait? Nasa'n ako? Hindi familiar sa'kin ang lugar kung nasaan ako. Ano 'to? Para siyang old warehouse na pinagsu-shooting-an namin dati no'ng nasa movie and television industry pa ako as a scriptwriter. Nasa'n ba talaga ako?

And wait? Bakit nakatali ako? Nasa isang upuan ako at nakatali ang mga kamay at paa ko. What the hell? Sinong gumawa sa'kin nito? At ano ang ginagawa ko dito sa isang lumang warehouse? OMG! Kinidnap ako?

I tried to remember everything. Nagda-drive lang ako on the way sa mall tapos may sumusunod sa'kin na isang van. Tapos ay hinarangan ako ng dalawa pang mga sasakyan. May dumapot sa'kin na mga lalake at pilit akong nagpupumiglas hanggang sa may pinaamoy sila sa'kin na naging dahilan upang mawalan ako ng malay.

OMG! Kinidnap ako! Waaaaah!!

Maya-maya lamang ay may nakita akong bulto ng isang tao. Oh! Maraming tao. Papalapit sila nang papalapit sa'kin. Nakasuot sila ng itim. Ito ba 'yung mga kidnappers ko?

"Sa wakas at gising na rin ang ating bihag.", sabi no'ng isa.

Bihag? Tama nga ako! I was kidnapped! Waaah!

"Sino kayo?", tanong ko sa kanila.

Tumawa lamang sila. Luh? Anong nakakatawa sa tanong ko?

"Tinatanong ko kayo kung sino kayo tapos tumawa kayo? Nasaan ang joke doon? Joke na ba ngayon ang magtanong ng who are you? Aba'y mga letse 'to ah!", bigla akong nainis sa kanila. Mga kidnappers ba talaga 'to o mga kulang sa aral na mga lalake? Psh!

"Ano pa ba ang dapat naming isagot sa'yo eh halata namang mga kidnappers kami 'di ba?", sagot nong isa na pabalang. Akala niya ikinagwapo niya ang pagsagot sa'kin ng ganun. Psh!

"Ay? Mga kidnappers pala kayo? Akala ko mga ex-convict!", pamimilosopo ko. Itim ba naman ang mga suot nila. Psh!

"Ang dami mong sinasabi!"

Inirapan ko nga sila. Hindi bagay sa kanila ang maging goons. Bagay sa kanila nasa Bilibid Prison at nagpapatayan. Tch!

"At bakit niyo ko kinidnap, aber?"

"Dahil gagawin ka naming pain!"

Aba! Aba!

"Hoy! Anong akala niyo sa'kin? Karneng nabubulok? Mga walang hiya 'to! Mas mukha pang mga bulok 'yang mga mukha niyo! Mukhang 'di kayo naalagaan ng tama ng mga nanay niyo no'ng mga sanggol pa kayo! Sus! Kung alam lang siguro ng mga tatay niyo na magiging ganito ang kahihinatnan ng mga buhay niyo ay pinahid na lang sana nila kayo sa kumot! Dagdag lang kayo sa pollution sa earth eh! Aish!", sermon ko sa kanila.

'Yung isa sa kanila ay biglang umiyak. Hala? Tinamaan yata sa sinabi ko.

"Miss ko na ang nanay ko huhuhu!"

"Ako rin. Miss ko na rin ang nanay ko."

"Nanay huhuhu!"

Hayun! Silang lahat nag-iiyakan. Napailing-iling na lang ako. Hala?

"Anong ginagawa niyo?", narinig namin ang isang dumadaginding na boses.

Kaagad namang kumilos ang mga pangit upang salubungin 'yung may-ari ng boses-kalabaw na 'yun.

"Boss!"

Ano raw? Boss?

Muli ay nakakita ako ng bulto ng isa na namang tao tapos lumapit ito sa gawi namin. Wait? Tao ba talaga ito?

Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon