Chapter 7

155 9 1
                                    

Terrence POV

Nandito ako ngayon sa bar. Gusto kong maglasing. Talagang galit na galit si Lyndon sa akin. Alam ko naman 'yun eh. Tatanggapin ko ang pagkamuhi niya sa akin dahil malaki ang kasalanan ko sa kanya. Gusto kong bumawi sa kanya at iparamdam na ngayon ay mahal ko na siya.

Tama kayo ng nabasa. Mahal ko na siya. Na-realize ko 'yun nang lumipat ako ng Cebu para mag-aral. Gustuhin ko mang makita si Lyndon ay hindi ko magawa dahil blocked na ako sa facebook account niya at wala akong mahagilap na impormasyon tungkol kay Lyndon. Nangulila ako sa kanya ng dalawang taon.

Pinagtatabuyan ko siya noon, inaamin ko. Dahil takot ako na malaman ng mga magulang at mga kaibigan ko na may relasyon ako sa isang bakla. Natakot ako sa mga sasabihin nila lalo na 'yung ama ko. Napaka-striktong tao ng ama ko na halos katakutan ko siya. Kaya nga hangga't maaari ay layuan ko si Lyndon noon. Pero si Lyndon ang kusa talagang lumalapit sa akin. Binibitawan ko siya ng mga masasakit na salita pero binabalewala niya dahil mahal niya ako.

Noon, aware na talaga ako na ayaw ng mga barkada ko kay Lyndon lalo na ang bestfriend kong si Rikki. Kaya hangga't sumasama si Lyndon sa amin ay nabibitawan namin siya ng masasakit at insultong mga salita pero hindi rin nagpapatalo si Lyndon. Natatamaan kami palagi sa mga salita niya. Kung tutuusin ay mas maanghang ang mag salita niya kontra sa amin. Inaamin kong matalino talaga si Lyndon at walang-wala kami sa kanya. Kaya nga ginagamit namin siya noon para pumasa kami. Alam kong mali pero kailangan eh. I failed once in my nursing career that's why I need Lyndon's help. Kahit hindi na kami magkaklase ay tinutulungan pa rin niya ako. Ang swerte ko nga raw eh sabi ng ilan.

Noong panahong 'yun ay halos kilala ako ng buong JBU dahil kay Lyndon. Maraming nagsasabi na mag-syota kami ni Lyndon which is noon ay iniiwasan kong issue. Si Rikki ay sinisiraan si Lyndon sa akin. Dahil gago ako ay naniniwala naman ako sa kanya. Halos araw-araw 'yun.

Pero maniwala kayo sa'kin, hinding-hindi ko magagawang saktan si Lyndon physically dahil alam ko kung gaano siya ka-vulnerable. Mas mabuti pang si Rikki ang sipa-sipain ko kesa si Lyndon. Hindi ako galit sa kanya dahil mahal niya ako. Kapag umiiyak si Lyndon ay nadudurog ang buong pagkatao ko dahil alam kong ako ang dahilan ng pag-iyak niya.

Hindi ko nga siya sinasaktan physically pero nasasaktan ko siya emotionally. Gusto lang naman ni Lyndon na mahalin rin siya ng taong mahal niya. Heto na nga ako oh, mahal ko na siya.

Malaki ang pasasalamat ko sa Diyos nang iligtas niya si Lyndon sa kamatayan. Nakalimutan kong may sakit siya sa puso kaya siguro hindi na niya kinaya ang ginagawa namin sa kanya. Muntik na akong napatay ni Nico noon. Alam ko kung gaano ka-close si Lyndon at Nico.

Isang bote pa lang ng vodka ang nainom ko at lasing na lasing na ako. Mapungay na akong nakatingin sa mga taong nasa paligid ko.

"Lyndon! Lyndon!", umiiyak na ako.

Tatayo na sana ako pero kasabay nun ay ang pagbagsak ko.


Landon POV

Kanina pa kami nag-iikot-ikot ni Kenji. Sakay ako ngayon ng kotse niya. Ano ba'ng trip ng hapon na'to.

"Kingina Kenji, ano ba 'tong trip mo? Kanina pa tayo ikot nang ikot ah. Ferris wheel lang?", pambabara ko sa kanya. Ano ba 'tong si Kenji, minsan parang baliw.

"Heto na talaga Landon, pupunta na tayo sa kung saan talaga dapat.", sabi niya.

"Eh saan nga?!"

"Sa heaven!", natatawang sagot niya.

Binato ko siya ng unan. Nakakainis ka talagang hapon ka!

"Aray naman Landon."

"Kahit kailan napaka-pervert mo. Ay hindi pala, manyakis ka. Oo tama, manyakis ka!", sigaw ko sa kanya.

Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon