Terrence POV
I'm on my way to Julinelle Benzo University. Ngayong araw na'to ang Nursing Day ng school kaya pupunta ako roon. Kahit sa ibang school ako grumadweyt ng Nursing ay okay lang din. Dito nagsimula ang nursing career ko. Doon ko rin nakilala si Lyndon dahil naging magkaklase kami. And speaking of him, I want to talk to him and I'm eager. Gusto ko na talaga siyang makausap ulit. Sobrang na-miss ko si Lyndon. Hindi ko pa rin makalimutan ang huli naming pagkikita. Sobrang galit siya sa'kin. Kinasusuklaman niya ako. Alam kong kasalanan ko ang lahat. Minahal niya ako pero naging gago ako. I want him back to me. Si Lyndon lang talaga ang taong nagmahal sa'kin ng ganun.
Kinakabahan ako na nae-excite. Alam kong nadoon din si Lyndon sa Nursing Day. Lord, please lang. Sana makausap ko siya ulit nang walang tensyon.
Nasa tapat na ako ng gate ng JBU nang biglang may tumawag sa'kin.
"Terrence."
Paglingon ko, si Rikki lang pala. Oo nga pala, inimbita din siya ng JBU-CON. Alam kong gusto rin niyang makausap si Lyndon. Kaming dalawa ay may malaking kasalanan sa kaibigan naming 'yun.
"Pupunta kaya si Lyndon?", tanong ni Rikki.
"Siguro. Pero may kutob akong darating siya. Sana makausap natin siya.", sabi ko. Nalulungkot na naman ako.
"Na-miss ko na si Lyndon.", si Rikki.
Maya-maya lamang ay nakarating na kami sa venue ng Programme. Naupo na rin ako. Sa harap ako umupo at si Rikki naman ay sa may likuran ko. Palingun-lingon naman ako dahil baka sakaling dumating na si Lyndon.
Magsisimula na ang Programme nang saktong makita ko si Lyndon. Hindi niya yata ako napansin kaya umupo siya sa may tabi ko. Napangiti tuloy ako. Pero kinakabahan rin at the same time. Magkamukha nga sila ni Landon, 'yung kakambal niya. Ngapala, reserve-seats 'tong inuupuan namin eh.
Lumingon naman siya sa gawi ko at nanlaki ang mga mata niya. Saktong nginitian ko siya.
"Hi Lyndon.", ngumiti ako sa kanya.
Pero inirapan lang niya ako. Ouch! Ang sakit no'n ah. Pero tiis-tiis lang Terrence. Kasalanan ko rin naman kung bakit ang trato niya sa'kin. Hindi na niya pala ako pinansin at itinuon na lamang ang pansin sa Programme. Pero tinititigan ko siya.
"May I call on our alumni. They are a product of Julinelle Benzo University College of Nursing. May we call on now....", nagsasalita na pala ang Dean. Hindi ko namalayan. Teka? Tama ba ang narinig ko? Product? Eh hindi nga ako grumadweytsa JBU. Sa ibang school ako grumadweyt. Tch.
"Mr. Lyndon Adrian Salao Aguilar, RN"
Napangiti ako nang tawagin ang pangalan ni Lyndon. Tumayo siya pero walang bakas ng ngiti sa mga labi niya.
"Mr. Terrence Villanueva Mejares, RN"
Oh ako na pala. So tumayo na rin ako. Kahit papa'no ay ngumingiti pa rin ako kahit ang totoo'y nasasaktan ako sa trato sa'kin ni Lyndon ngayon. Tumingin ako kay Lyndon kaso inirapan niya ulit ako. 'Yung totoo? Mahilig mag-roll-eyes si Lyndon 'no?
"Mr. Rikki Lance Medina Acenas, RN"
Oh si Rikki na pala. Hayun tumayo na rin siya. Mukha siyang si Oliver Posadas ngayon ah.
Marami pang tsetseburetse ang Programme kaya medyo nakaka-bored na. Gusto ko sanang hawakan o yakapin man lang si Lyndon kaso baka suntukin niya ako. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na yakapin niya ako katulad no'ng mga panahong niyayakap niya ako kapag nalulungkot ako o 'di kaya'y natatakot. I admit, masarap kayakap si Lyndon. Ganoon din kaya si Landon?
Halos isang oras din bago natapos ang Programme. Nang matapos ay pabiglang-biglang nawala si Lyndon. 'Yung totoo? Naging si The Flash na ba si Lyndon?
![](https://img.wattpad.com/cover/40502048-288-k921342.jpg)
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)
RomanceLandon Adriven Aguilar and Terrence Mejares' LOVE STORY. NO COPYRIGHT INFRINGEMENT Copyright ©️ 2015