Chapter 25

101 4 1
                                    

Landon POV

"J-Jeric? Jeric Lumantas?", nagulat ako dahil after 6 years ay muli ko siyang nakita. It's been a long time since last kami nagkita. Sa pagkakaalam ko ay doon siya nag-aral sa probinsya nila ng kolehiyo ayon na rin sa kagustuhan ng mga magulang niya.

"Landon. It's been a long time.", tapos namalayan ko na lang na niyakap na niya ako.

Napangiti naman ako sa loob-looban ko. Matagal ko na palang hindi nakakasama 'tong Lumantas na 'to.

"Ngapala? Anong ginagawa mo dito?", naitanong ko sa kanya. Nakakapagtataka lang kung bakit nandito siya.

"'Yung ate ko nandito. Isa siya sa mga model sa Fashion Event. I'm here to support her.", nakangiting sabi sa'kin ni Jeric.

Oh? So isa sa mga model ang ate niya.

"Talaga? Sa kay kanino siya na model?", tanong ko.

"Apat sila eh. Hindi ko na matandaan. Basta ang tawag sa kanila ay The Born Fashionist."

OMG! Model namin ang ate niya.

"Isa ako ro'n. Meaning to say, model namin ang ate mo.", sagot ko.

Biglang kuminang ang mga mata ni Jeric. Baka tingin niya sa'kin ay Yamashita's Treasure. Hahahaha, Dejoke lang.

"Really? Isa ka sa mga Fashion Designers dito? Luh? Ba't di ka halata? Naks naman Landon. Hindi pa rin nagbabago ang pananamit mo. Lalakeng-lalake pa rin. I'm so proud of you.", nakangiting puri sa'kin ni Jeric.

Si Jeric ay isa sa mga close kong barkada noong high school. Siya ang lagi kong sandalan sa oras na magulo ang isip ko noon. Si Jeric rin ang nandiyan para sa'kin noon sa tuwing iniiyakan ko ang lalakeng 'yun. Ang lalakeng naging laman ng puso ko noong high school pero iniwasan at iniwan niya ako dahil hindi niya matanggap na ang isang tulad ko ay may gusto sa kanya at minahal siya. Good thing 'andiyan lagi si Jeric para sa'kin. Sabi pa nga niya, he's not worth my tears.

Noong magka-college na kami ay umuwi siya sa probinsya nila dahil doon na raw siya mag-aaral ng kolehiyo. Nalungkot ako noon dahil umalis na rin siya pero good thing ay nagpaalam naman siya sa'kin ng maayos.

Now, here we are, after six long years ay nagkita ulit kami ng isa sa pinakamatalik kong kaibigan.

Oops, 'wag kayong dirty diyan. Oo, gwapo si Jeric. Super yummy charot haha. Yes, gwapo ang walang hiyang Jeric Lumantas na'to. He's like a geek god. Lalo nga siyang gumwapo ngayon eh punyeta! Nagkakasala ang mata ko sa kanya. Echos lang ahaha. I admit, naging crush ko siya dati pero hindi naman malalim. Mas minahal ko pa ang ungas na kutong-lupa na pinaglihi sa punyetang sama ng loob na anak ng impakta na may balat sa singit amputang lalakeng 'yun na hindi ko na alam kung buhay pa ba o namatay na ang kurukunghong 'yun! Siguro namatay na 'yun dahil kinain na ng sistema niya! Pucha siya! Dapat lang sa kanya ang maglaho sa mundong ito dahil sa pananakit na ginawa niya sa'kin noon punyeta!

Harujusko! Kung saan-saan na napupunta ang kwento ko punyeta!

"Hey Landon? Okay ka lang?"

"Huh? Ah? Yeah. Okay lang ako. Hehe. Sorry naging malalim ang iniisip ko. Oh by the way. Sumama ka na sa'kin. Kayo ng ate mo dahil may party mamaya sa bahay namin. Kakauwi lang kasi ng parents ko saka ng mga kapatid galing abroad so may welcome party mamaya. Tamang-tama at nagkita ulit tayo Jeric.", sabi ko sa kanya.

"Talaga? Good to know it. Matagal ko na ring hindi nakikita si Tito Leo at Tita Letty tsaka si Kuya Lysander at Ate Leah.", sabi niya.

Ngapala. Oo, kilala ni Jeric ang family ko. Six years ago ay pinakilala ko siya sa family ko. Birthday ni Ate Leah noon kaya naimbita ko siya. 'Yun 'yung mga panahong nagmo-move-on ako sa punyetang lalakeng 'yun na mukhang pinaglihi sa pakpak ng paniki. Pssh! 'Kala nga ng pamilya ko noon ay boyfriend ko siya kasi nga raw pinakilala ko siya. Aba? Di porke't pinakilala ko ay jowa ko na? Minsan kasi ang family ko ay green minded. Hahay.

Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon