Chapter 32

57 2 0
                                    

Landon POV

It's been two days since our birthday party at kahapon lang yata no'ng nilandi ako ni Terrence. Tama ba ang term ko? Naku! Baka magkaroon pa ako ng kasalanan kay Terrence.

Napapangiti na lang ako everytime naaalala ko si Terrence. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na may Terrence Mejares na nage-exist sa earth at minamahal ako. Grabe lang talaga. Lord, sana siya na talaga. Dahil kung hindi, hindi na talaga ako magmamahal pa ulit.

Kring.. kring...

Oh? May tumatawag sa phone ko. Sino naman kaya ito?

Teka? Unknown number? Sino naman kaya 'to? Sasagutin ko ba?

Sinagot ko na nga lang.

"Hello?"

[Landon?]

Kumunot ang noo ko. Hindi pamilyar ang boses sa'kin.

"Sino 'to?"

[Landon, I'm sorry. I'm so sorry.]

Mukhang naiiyak 'yung nasa kabilang linya. Lalake yata 'to. Kaloka! Sino kaya 'to? Weird ha. Tapos kilala pa niya ako. Who the hell is this caller?

"Excuse me? Who is this? Bakit ka nagso-sorry sa'kin? May I know who is this please?", nagsimula na akong kilabutan. Hindi naman kasi kataka-taka kung bakit kilala ako ng kung sinuman because I belong to a well-known family.

[It's been six years, Landon. Akala ko noon kapag umalis ako at iniwan kita ay parang wala lang. But as the years gone by, unti-unti kong nare-realized na may sinayang pala ako. At ikaw 'yun, Landon.]

Nanlaki ang mga mata ko at natutop ko ang bibig ko. Nakikilala ko na kung sino 'tong unknown caller.

Kaagad kong in-end ang call at ibinalik ang cellphone sa bulsa ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Saan kaya nakuha ng letseng 'yun ang number ko? Kilala ko na ang may-ari ng boses na 'yun. I'm so shocked! Nakalimutan ko na siya tapos after six years ay biglang ganito? Kinakabahan ako. Paano nakuha ni Aldrin ang cellphone number ko?

Napailing -iling na lamang ako. Shit! Bigla akong pinagpawisan. At tsaka parang sumisikip ang dibdib ko. Umupo muna ako sa isang wooden bench dito sa company at dinama ang naninikip kong dibdib. Hinahabol ko pa ang hininga ko.

"Sir Landon? Sir Landon, anong nangyayari sa inyo?", nilapitan ako ng isang empleyado at alam kong nag-aalala siya sa'kin.

"T-Tubig. K-Kailangan ko... ng tubig...", hirap akong huminga this time.

"Tulong! Tulungan niyo kami!", sigaw no'ng empleyado na kaagad namang nakaagaw ng atensyon ng ilan.

Unti-untring nagsilapitan ang mga tao upang tulungan ako. Inabutan naman ako ng isang bottled water ng guard. Kaagad kong ininom 'yun at pilit kong kinakalma ang sarili ko. Maya-maya lamang ay unti-unting lumalabo ang paningin ko at sa isang iglap, nawalan ako ng malay.

~~

Unti-unti kong minumulat ang aking mga mata. Medyo nanghihina pa ako. Sa pagmulat ko ay ang puting ceiling ang una kong nakita. Ibig sabihin ay nasa ospital ako. Saka ko lang namalayan na may nakakabit pala sa ilong ko na oxygen cannula at meron ding nakakabit sa'kin na cardiac monitor. Pagtingin ko sa kaliwang kamay ko ay may dextrose rin na nakakabit. Mukhang na-admit yata ako.

May narinig ako na nag-uusap pero hindi ko masyadong maaninag kasi medyo nanghihina pa ako.

"Hmmmm....", ungol ko.

Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon