Landon POV
Late na akong nagising kinaumagahan. Medyo inaantok pa ako pero kailangan ko nang gumising. Malapit na kasing mag-alas nueve ng umaga. Masaya 'yung birthday party namin ng kakambal ko kagabi pero parang may mali din. Hindi naging masaya si Lyndon dahil sa letseng Nico Arellano na 'yun. Talagang sinasagad ng lalakeng 'yun ang pasensya ko eh. Baka akala niya ikinagwapo niya ang pagiging O.A. niya? Hindi na ako makapagtimpi sa lalakeng 'yun at babayagan ko na talaga siya! Sa isip ko pa lang, gusto ko na siyang ihagis palabas ng planetang Earth.
Nag-aalala lang kasi ako para sa kakambal ko. May malala siyang sakit sa puso at ayokong mapahamak siya nang dahil lang sa Nico na 'yun. Kapag inaatake siya sa puso ay nararamdaman ko rin ang sakit at kirot na nararamdaman niya. Hindi rin ako makahinga kaya kapag nangyayari sa'kin 'yun, alam kong inaatake ng sakit niya si Lyndon.
Hindi ko alam pero ganyan ang attachment namin sa isa't-isa. Siguro 'yun ang tinatawag nilang invisible string na kumukonekta sa magkakambal. Kung ano ang nararamdaman ng isa ay nararamdaman din ng isa. Halos sobrang magkamukha kami ni Lyndon at kung hindi mo kami kilala, malilito ka talaga sa'min lalo na't medyo may similarity din kami ng kilos at galaw, lalo na sa pananamit. Halos same lang kami ng way ng pananamit ni Lyndon. Pareho rin kaming warfreak ngunit ang medyo magkaiba lang sa amin ay ang emosyon ng aming mukha. Si Lyndon kasi ay pabago-bago minsan ang emosyon samantalang ako ay consistent. Kapag masaya ako, masaya ako at kapag malungkot ako, malungkot ako. Si Lyndon kasi ay mahilig magtago ng nararamdaman lalo na kung pakiramdam niya ay wala ring patutunguhan at wala ring kasiguruhan.. Samantalang ako ay minsan may damdamin, minsan wala. 'Yung feeling na wala ka na lang pakialam kung masaya o malungkot ka dahil ang importante, buhay ka at malayang nananabunot ng mga maligno hahaha!
Kidding aside. Oo nga pala, kailangan ko nang bumangon. Maaga pa akong aalis.
Paglabas ko ng kwarto ko ay medyo nag-inat-inat muna ako. Napatingin naman ako sa kwarto ni Lyndon. Kumusta na kaya 'yung kakambal ko? Lasing na 'yun kagabi eh. Naloka ako sa katigasan ng ulo niya. Hindi nga siya pwedeng uminom pero hayun, uminom ang loko-loko. Kinakabahan nga ako sa kanya eh.
Napabuntong-hininga ako. Bababa na sana ako nang mapansin kong bumukas ang pintuan ng kwarto ni Lyndon at iniluwa doon si Terrence.
Seriously? Si Terrence? Anong ginagawa niya sa kwarto ni Lyndon? Doon siya natulog?
Kinukusot-kusot pa niya ang mga mata niya. Mukhang bagong gising pa lang siya.
"Oh Lyndon. Gising ka na pala. Kanina ka pa ba?", ani Terrence na medyo inaantok pa sa kanyang boses.
Nag-poker face ako. At talagang napagkamalan pa niya akong si Lyndon. Sipain ko kaya ang gwapong 'to nang makatulog ulit?
Bahagya yata siyang natauhan nang tignan niya ako ulit. Nanlaki pa ang kanyang mga mata. Siguro ay nakikilala na niya ako.
"L-Landon?"
"Ay hindi! Ako si Rikki! Psh!", pamimilosopo ko sa kanya.
Ngumiti siya sa'kin tapos lumapit at niyakap ako. Kinilig naman ako sa lalakeng 'to. Kahit bagong gising ay ang bango-bango pa rin ni Terrence. Amoy-baby hehehe.
"Sorry kung hindi agad kita nakilala. Tsaka pasensya ka na kung sa kwarto ako ni Lyndon nakatulog. Hinatid ko kasi siya kagabi dahil lasing na lasing na siya. Umiiyak pa nga 'yun eh kaya hinatid ko na lang sa kwarto niya at doon na rin ako nakatulog.", paliwanang niya sa'kin.
Napangiti naman ako at kumalas na ng pagkakayakap sa kanya.
"Ano ka ba? Ayos lang. Tsaka salamat dahil sinamahan mo ang kakambal ko. Babalian ko pa pala ng leeg 'yang si Nico. Humanda talaga sa'kin ang mestisong-hilaw na 'yun. Matitikman talaga niya ang hagupit ng isang Landon Adriven Aguilar dahil sinasaktan niya ang kakambal kong si Lyndon Adrian Aguilar. Hmmp!", wika ko tapos sumuntok pa sa palad ko. Bahagyang natawa naman si Terrence sa tinuran ko.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)
عاطفيةLandon Adriven Aguilar and Terrence Mejares' LOVE STORY. NO COPYRIGHT INFRINGEMENT Copyright ©️ 2015