Chapter 33

53 2 0
                                    

Landon POV

Patuloy pa rin ang birthday party ni Kenji sa Sakamoto Hotel. Nagkakasayahan pa rin at heto, nasa tabi ko pa rin si Terrence. May pa-games daw na magaganap mayamaya but since hindi ako fan ng mga pa-games ay si Terrence na lang ang sasali. At isa pa, may games kasi na involve ang balloon. Ayoko kaya sa balloon kasi pumuputok. Masakit 'yun kapag natamaan ka and I don't want to feel that pain coming from those balloons hahaha.

Well, kanina ko pa pinandidilatan ng mata ang kakambal kong si Lyndon kasi parang akmang bibigay na naman siya sa presensiya ni Nico. Like oops! This time, bawal ang marupok. Hindi ako makakapayag na basta na lang bibigay itong si Lyndon kay Nico. Talagang matitiris ko 'yang si Nico dahil sa sobrang pagiging O.A. niya. Talagang 'wag na 'wag niya akong susubukan at baka hindi ko siya matantiya.

Nagkasalubong kami ng tingin ni Nico pero tinaasan ko lamang siya ng kilay at inirapan. Ang sarap na niyang sugurin at ipahiya kaso pinipigilan lamang ako ni Terrence. Hindi ko na kasi kaya ang pagpapasakit na ginagawa niya sa kapatid ko. Parang kailan lang eh mahal na mahal niya si Lyndon tapos ngayon, nag-iinarte na siya. Gusto ko na talagang sipain ang pagmumukha ng mestisong hilaw na 'yan! Psh!

"Naku kung wala ka lang dito sa tabi ko Terrence eh baka magkagulo na. Hindi ko talaga palalampasin 'yang si Nico! Wala siyang karapatang saktan ng ganun ang kakambal ko! Tapos dala-dala pa niya dito mismo sa kaarawan ni Kenji ang babae niya? At talagang kulang pa ang kakapalan ng pagmumukha ng Nico Arellano na 'yan ah!", galit na turan ko.

Narinig kong napabuntong-hininga si Terrence.

"Dati ko ring sinaktan ang ginago si Lyndon pero hindi naman ganun ang ginawa ko. Ang kapal lang din naman ng mukha ni Nico na sabihing wala kaming karapatan na saktan si Lyndon pero tingnan mo siya. Kinain niya lamang 'yung mga sinabi niya no'ng una.", dagdag pa ni Terrence.

Napailing-iling na lamang ako. Nagkrus ulit ang tingin namin ni Nico at talagang nangigigil ako sa bwiset na lalakeng 'yun.

"May tamang lugar para gulpihin mo si Nico.", bulong sa'kin ni Terrence.

Napangiti na lamang ako.

Maya-maya lamang ay nakita kong dumating si Meghan, ang kapatid ni Nico. Binati niya si Kenji at sinalubong naman siya ng kakambal ko. Tapos parang may sinasabi si Meghan habang nakatitig sa pwesto ni Nico at nong babae niyang mukhang bruha ng sinaunang panahon.

"Yoow! Hinay-hinay tayo sa paggalaw! Baka mahawaan tayo ng kulam!", sigaw ni Kenji na ikinagulat ko.

"Oo nga. May nakapasok yatang mangkukulam dito!", sigaw naman ni Jolrean.

"Yeah right. Baka kulamin tayo. So better watch out guys.", sigaw naman ni Meghan.

Mukhang na-gets ko 'yung pinagsisigaw nila ah. Nice one, guys! Hahahaha!

"Narinig mo 'yun, Terrence?"

"Oo. 'Yung babae yata ni Nico ang pinariringgan nila."

Gusto ko pa sanang dumagdag sa pagpaparinig kaso 'wag na lang. Baka halikan ako ni Terrence nang wala sa oras. Eh 'di nakakahiya 'yun pag nagkataon. Mahilig pa naman manghalik 'tong lalakeng 'to nang walang permiso.

Mayamaya lamang ay nag-announce 'yung announcer na magwo-waltz dancing daw. Ang sweet ng announcer 'no? Waltz dancing? Uso pa ba 'yun?

Tiningnan ko si Terrence. Nakangiti siya sa'kin sabay lahad ng kamay niya.

"Shall we?"

Napangiti ako at tinanggap ang kamay niya. Bale hawak ng kaliwa kong kamay ang kanan niyang kamay tapos 'yung kanang kamay ko naman ay nakahawak sa kaliwang balikat niya. Tapos 'yung kaliwang kamay niya ay nakahapit sa beywang ko. He moved me closer to him. Dama ko ang mainit niyang hininga. 'Yung puso ko, umaalab na naman.

Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon