Chapter 37

48 1 0
                                    

Third Person POV

Kaagad sumulong ang mga doctor at nurses sa kwarto ni Lyndon sa ICU dahil nag-aagaw-buhay ulit ito. Nagiging straight line ang cardiac monitor na ang ibig sabihin ay nawawala ang heart beat ni Lyndon.

"Prepare the Emergency Cart! Call for Code Blue! Give CPR now!", sigaw no'ng doctor.

Kaagad na sinunod ng nurse ang doctor.

"Prepare the defibrillator!"

Dinig na dinig sa buong kwarto ang tunog ng cardiac monitor.

"Suction machine! Prepare the suction machine!"

"Vital signs are not stable!"

Sa ikalawang pagkakataon ay muling susubukin ang buhay ni Lyndon. Lahat ng mga nadoon na pamilya at mga kaibigan niya ay pawang nag-iiyakan na lalong-lalo na si Landon. Dahil hindi na niya nakayanan pa ang sitwasyon ng kakambal ay kaagad na lumabas si Landon ng kwarto at nagtatatakbo habang humahagulhol ito sa pag-iyak. Hindi niya lubos na akalain na magiging ganun ka-grabe ang atake ng sakit ni Lyndon. Ayaw niyang isipin na sa isang iglap ay tulyan nang mawawala ang kakambal niya.

"Diyos ko po! Please maawa Kayo. 'Wag po si Lyndon. 'Wag po ang kakambal ko. Ako na lang po. Ako na lang!", sabi niya sa gumagaraltal at humahagulhol na boses.

Sa puntong 'yun ay dumating sina Tristan at Vanessa nang malaman nila ang nangyari kay Lyndon nang mabasa nila ang post ni Kenji sa facebook. Naabutan nila si Landon sa may hallway na nakasulampak sa sahig at nag-iiyak.

"Landon!", tawag ni Tristan sa kanya.

Kaagad niya itong nilapitan upang aluin ito.

"T-Tristan.... si Lyndon....", halos hindi makabuo ng salita si Landoin sa kakaiyak.

Napansin naman ni Tristan ang sobrang mugto ng mga mata nito.

"Anong nangyari kay Lyndon?", tanong ni Tristan na bakas sa mukha nito ang sobrang pag-aalala.

"A-Ayokong mawala ang kakambal ko, Tristan! Ayoko....", nanginginig na ang boses ni Landon.

"Tama na. 'Wag ka nang umiyak. Mas lalong makakasama sa'yo. Tahan na, okay? Baka ikaw naman itong atakehin ng sakit mo.", turan ni Tristan nang maalalang may sakit din sa puso si Landon nang minsang maikwento sa kanya noon ni Lyndon ang tungkol sa kanya.

Kinuha naman ni Vanessa sa kanyang dalang plastic bag ang isang bottle ng mineral water at iniabot ito kay Landon na kaagad din namang ininom ng huli.

Inalalayan naman ng dalawa na makatayo si Landon at pinaupo muna sa isang metallic bench at tinabihan nila ito. Kaagad namang isinandal ni Vanessa ang ulo ni Landon sa balikat nito habang si Tristan naman ay hinahagod ang likod nito.



Landon POV

Parang gusto ko nang tapusin ang buhay ko. Hindi ko alam ang gagawin. Talagang hindi ko kayang makita na ganun si Lyndon. Ang sakit. Sobrang sakit. Kapatid ko 'yun eh at hindi lang puso ko ang madudurog kundi pati buong pagkatao ko kapag tuluyang nawala sa amin si Lyndon.

Naabutan nga pala ako nina Tristan at Vanessa at nakasalampak sa sahig at umiiyak. Wala na akong pakialam kung pagtitinginan ako ng mga tao. Hindi naman nila ramdam ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Heto ako ngayon, nakasandal ang ulo ko sa balikat ni Vanessa habang si Tristan naman ay hinahagod ang likod ko. Mas close ang dalawang ito kay Lyndon pero naging kaibigan ko na rin sila. Noon, ayaw na ayaw ko kay Tristan dahil iniisip ko na isa siyang playboy at baka pagtripan lang niya si Lyndon but I was wrong. Nakita ko kung gaano siya kabuting tao nang hindi siya tumigil sa kakahanap ng paraan upang magkaayos sila ng pinsan niyang si Nico at sa pamilya nito. Hindi lang 'yun, nakita ko rin kung paano siya mag-alala sa kakambal ko with all the sincerity he has.

Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon