Chapter 4

119 7 1
                                    

Landon POV

I'm still here at the resto. Oh yes, my paligid is nagkaroon ng mga puso when I saw him. I'm biglang napangiti. What is he doing here? Is he having a date too? Then to whom?

(_ _!)

Oh? What was that I am thinking? Psh!

Then maya-maya, may biglang kumalbit sa'kin. Bigla akong napalingon then I saw him smiling at me.

^_^

Oh that smile. Wushush! The smile of a Jolrean Estrelas.

I'm making pa-as if na hindi ko siya nakita kanina so I will act as ngayon ko lang siya nakita.

"Hey? Is that you Durian? Este Jolrean?"

I saw him poker-faced. Oops! Sorry Jolrean. Hehehehe.

"L-Landon right?", he asked. OMG! He still remember me. Kanina lang kami nagkakilala ah. Hehehe. Oh my kilig system.

"Yeah. I'm glad that you still remember me. Correct me but, you're Jolrean Estrelas right?", I said naman.

"Ah. Yeah. Ako nga.", he said while smiling. Oh that smile. He's very cute and handsome talaga. Bagay kami. Oh don't palag na. I will palapa na you talaga kay Teki-teki.

"Nice seeing you here. Kasama ko kapatid ko and Kuya Nico.", I said then. I will ask pa sana if ano ang ginagawa niya dito kaso 'wag na lang.

"Ganun?", he said.

"Yeah. Are you nag-iisa lang ba?", I asked him that way na lang.

"Ah. Y-Yes. Ako nga lang mag-isa.", he said.

^_^

Akala ko talaga may ka-date siya. 'Yun pala nag-iisa lang pala siya. Yey!

"Why don't you make salo to us. Come on Jolrean.", I invited him. Perfect! Since I don't have a date tonight, si Jolrean na lang ang ka-date ko. Yehey! Hindi na ako ma-a-out of place kina Kuya Lyndon and Kuya Nico.

"O-Okay lang ba?", tanong niya. Semms that he is shy.

"Oo naman 'no.", I said.

Then he's napangiti. WAAAH! Kilig system alert.

We make sabay na mag-order. After that, bumalik ako sa table namin with Jolrean.

"Oh Jolrean, nandito ka pala.", sabi ni Kuya Nico.

"Nakita ako ni Landon brad.", then they make shake hands.

"Lyndon. Hey.", then he make also shake hands to Kuya Lyndon.

Hinintay namin ang mga order namin. We make kwento pa while waiting sa orders namin. Ako naman ay daldal rin nang daldal. Then after that, biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina.

Si Terrence.

That guy. He has kamukha kasi eh. Hindi ko lang matandaan kung sino. I can't understand myself ha pero he really caught my attention. First time ko palang siyang nakita pero may kakaiba na akong nararamdaman sa lalakeng 'yun. Siguro dahil magkakilala sila ni Kuya Lyndon. Ano ba talaga ang nangyari? Ano ba talaga ang ginawa niya sa kakambal ko? Bakit ganun na lang siya ka-sincere?

One thing I caught the most of him is his sincerity. Feeling ko may nagawa siyang kasalanan sa kakambal ko. Hindi naman nakwento sa'kin ni Kuya Lyndon 'yang si Terrence eh. Kahit kailan ay never niyang naikwento sa'kin si Terrence simula nang bumalik ako from Canada. Ang tanging alam ko lang ay may napapalapit sa kanya na lalake noon. 'Yun lang at wala na akong alam. Hindi naman ako tsismoso 'no.

"Oh Landon, ba't biglang natahimik ka diyan?", si Kuya Lyndon.

Bumalik sa kasalukuyan ang pag-iisip ko.

"Ah, w-wala Kuya. Ang tagal ng order natin.", sabi ko na lang. Ayoko namang sabihin kay kuya na naisip ko bigla si Terrence. Baka magalit pa siya sa'kin.

After million years ay dumating rin ang order namin.


Terrence POV

Hindi ako makatulog nang maayos. Iniisip ko pa rin si Lyndon. Gusto ko ulit siyang makita at sabihin sa kanya ang totoo kong nararamdaman. Damn! I want him back to me. Siya lang ang taong nagmahal sa'kin ng ganun. Pagmamahal na umabot ng tatlong taon. Simula first year college ay minahal na ako ni Lyndon. Aware ako doon. Noong una, ikinahihiya ko siya kasi nga bakla siya. Pinandidirihan ko siya noon until unti-unti ko siyang natatanggap sa sarili ko. Until one day, na-realize ko sa sarili ko na may kakaiba na rin akong nararamdaman para sa kanya. Pero dahil sa takot ko noon na baka mapahiya ako sa mga kaibigan at mga magulang ko ay pilit kong umiwas sa kanya. Pinagsasalitaan ko siya ng mga masasakit na salita but damn! Kapag umiiyak na siya ay gusto ko siyang yakapin at higit pa sa sorry ang gusto kong ibigay sa kanya.

Araw-araw ay lalo kong nararamdaman 'yun kaya minabuti kong layuan ko talaga siya pero siya talaga ang lumalapit sa'kin. Hindi ko naman siya matanggihan dahil maliban sa malaki ang utang na loob ko sa kanya ay gusto rin ng puso ko. Araw-araw ay napapatawa niya ako dahil malakas ang sense of humor ni Lyndon.

Nang maging kabarkada ko sina Cherry, Lovely, Melvin, Jerome, kasama na ang bestfriend kong si Rikki ay doon ako nakakita ng pagkakataon upang layuan na siya. Since ayaw nila kay Lyndon ay uma-akto rin akong ayaw ko na rin sa kanya-- na ang totoo ay hindi.

Sa pagkakataong 'yun, lagi kaming nag-a-outing. Puro kami picture nang picture dahilan upang makita ito ni Lyndon at magtampo sa'min. Aware siyang ayaw ng mga barkada ko sa kanya pero pilit niya itong pinakisamahan dahil sa'kin. Nagtiis siya dahil sa'kin. Ganyan niya ako kamahal.

Paulit-ulit ang mga 'yun. Minsan nga pinagtataguan ko na siya at kapag nakita niya ako, sandamakmak na mga masasakita na salita ang inaabot ko mula sa kanya until inamin ko na ayaw ng mga barkada ko sa kanya. Oo alam niya, pero dahil sa'kin ay nagtitiis siya. Hindi ko magawang saktan si Lyndon physically pero nagawa ko emotionally. Napaka-salbahe ko talaga. Lyndon has a vulnerable heart. Naging mabait at mabuti talaga siya sa amin kahit ganun na ang ginagawa namin sa kanya.

Nang makilala niya si Nico, akala ko magiging okay lang sa'kin, pero hindi pala. Sa'kin lang dapat ang atensyon ni Lyndon. Pero dahil gago ako, nagpapadala ako sa mga paninira ng bestfriend ko, si Rikki. Isa pa 'yung ayaw kay Lyndon. Hindi ko naman alam kung bakit pero sa tantya ko ay naiinggit siya dahil matalino at maabilidad si Lyndon. Hinahayaan ko na lang.

Until one day, nagkaroon ng tensyon sa bawat isa. Ang gagong si Rikki, pinangalandakan sa lahat na ayaw niya kay Lyndon. Pero dahil war freak si Lyndon ay nagawa niyang barahin ito. Ginamit niya ang katalinuhan niya dahilan upang matalo si Rikki sa debatehan. Doon lalong nagalit si Rikki pero hindi natatakot si Lyndon sa kanya. Para kay Lyndon, si Rikki ay isang malubhang sakit na kailangang puksain. Half of me ay proud kay Lyndon.

Hanggang dumating sa punto na hindi ko na talaga nakita si Lyndon noong sapilitang akong i-transfer ng mga magulang ko ng ibang school. Shit! Hindi ko kaya 'yun. Ayokong mahiwalay kay Lyndon. Pero nangyari na eh.

That was two years ago then. Ngayon nagbabalik ako para ibalik si Lyndon sa katauhan ko. Gusto kong itama ang lahat ng mga pagkakamali ko.

Pero ngayong nagkita na kami ay parang nag-iba ang identity niya. Bakit Landon daw ang pangalan niya at sabing kakambal daw niya si Lyndon? Wala naman yatang nabanggit si Lyndon na may kakambal siya. I can even recall the name that he gave to me.

Landon Adriven Aguilar.

Halos magkapareho lang sa pangalan ni Lyndon. Lyndon Adrian Aguilar ang pangalan niya eh. Posible kayang kakambal niya 'yun? Kasi kung ibabase ko sa kinikilos, magkaiba rin eh.

Gulung-gulo ang isip ko ngayon. Kailangan ko siyang makita bukas. May number ako ni Lyndon eh. Yes, I have. Pero hindi siya nagre-reply. Ito pa rin pala ang number na ginagamit niya since then. Memoryado ko talaga ang cellphone number niya.

Hindi ako makatulog sa kakaisip ko. Sana bukas makita ko pa ulit siya. Sana lang. Sana.

A/N: Sorry late update. I'm going to post  chapters today. Pambawi lang :)

Next chapter will be updated now. :)

Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon