Chapter 23

97 6 2
                                    

Landon POV

Hindi na muna ako pumasok sa work kasi feel ko lang ang hindi pumasok. Company naman namin 'yun eh so no worries. I just feel like home muna. Hindi naman sa walang gana pero feel ko lang na nasa mansyon muna ako. Namamahay yata ang kaluluwa ko hahahaha.

Nasa garden pala ako. I'm digging my cactus plant. Yeah, I'm serious. It's a cactus. Wala lang. Mahilig lang ako sa cactus. Ipanghahampas ko 'yan sa mga echoserang palaka 'pag nagkataon hahaha. May gardener naman kami pero when it comes to my cactus, ako talaga ang nagdidilig sa kanila. Alagang Landon Adriven Aguilar.

"Sir Landon, may bisita po kayo.", sabi no'ng isang katulong namin sa'kin.

"Sige, papasukin mo.", sabi ko.

Maya-maya lang ay narinig ko ang familiar na boses sa'kin.

"Landon!"

Paglingon ko, hayun, si Terrence. Patakbong papunta sa'kin. Hanggang sa niyakap niya ako ng wagas.

"Landon! Okay na kami ni Lyndon! Napatawad na niya kami.", tuwang-tuwang pahayag sa'kin ni Terrence habang nakayakap siya sa'kin.

Bigla akong napangiti. Like OMG! This is really, really, really is it! As in my kakambal and Terrence were nagkabati na. OMG! I'm so masaya for them.

"Then that was a good news, Terrence.", sabi ko nang kumala ako sa pagkakayakap niya.

"Maraming salamat, Landon. Maraming salamat. Dahil rin sa'yo kaya napatawad na niya kami.", sabi ulit niya tsaka niyakap ulit ako.

OMG! Bakit ang sarap sa feeling na niyayakap ako ni Terrence? Para bang I feel so safe when he hugs me so tight. Kulang na lang halikan ako ni Terrence. Ano kaya ang feeling? Masarap kayang humalik si Terrence? What do you think? Hahaha. Just kidding.

Kumalas na siya ng pagkakayakap sa'kin.

"Nasa school na yata si Kuya Lyndon, Terrence. Wrong timing ka hahaha.", sabi ko sa kanya.

"Okay lang. Pupuntahan ko rin naman siya mamaya. Pero dahil nandito naman lang ako, I will stay with you for awhile.", nakangiting sabi niya sa'kin.

Ah. How sweet of you Terrence. Napangiti naman ako.

Inanyayaan ko siyang umupo muna. May table and chair kasi sa garden kaya doon ko siya pinaupo. Nag-utos naman ako sa mga katulong na maghanda ng meryenda for us. Tumigil muna ako sa pagdidilig ng mga cactus ko.

"Mahilig ka pala sa cactus?", tanong niya sa'kin.

"Yeps. I love cactus. Galing pa ng Egypt ang mga cactus na 'yan. Dinala nila Mommy't Daddy when they came home last year dahil alam nila na mahilig ako diyan. Takang-taka nga si Mommy eh kung bakit nakahiligan ko ang cactus. Well, pretty different sa'ming dalawa ng kakambal ko dahil hindi mahilig sa cactus 'yung si Kuya Lyndon. In fact, mahilig sa Chrysanthemum ang walang'ya. See? May sapagka-weird talaga kaming magkakambal.", sabi ko naman sa kanya.

Napangiti siya. Ba't ba ang gwapu-gwapo mo, Terrence?

*beep*

May text message akong natanggap. Binasa ko muna.

From: Kuya Lyndon

Good morning twin brother. I'm sure nagdidilig ka na naman ng mga cactus mo. Psh! Anyways, darating diyan sa mansyon si Rikki Lance. I bet you already know him, right? Papasukin mo ha? Kundi pipingutin ko tenga mo. Haha. Joke only. Yeah, pupunta siya diyan sa mansyon. Please. I love you twin brother. :)

Ang sweet talaga ng kakambal ko. Hahaha. Yeah, I remember Rikki Lance. Bestfriend 'ata ni Terrence if I'm not mistaken.

Nag-tap ako ng reply.

Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon