Chapter 19

98 6 1
                                    

Landon POV

Natawa talaga ako sa trip ni Kuya Nico. Talagang wala siyang kahiya-hiya sa katawan. Imagine, hinablot niya si Kuya Lyndon just to get married at the Marriage Booth. Iba talaga ang trip niya. Napailing-iling na lang talaga ako.

Maya-maya pa ay bigla na naman akong inakbayan ng manyakis este si Kenji. Mataas yata ang libido ng lalakeng 'to. Psh! Malibog!

"Tayo rin Landon.", sabi ni Kenji.

O_o

Pinagsasabi ng lalakeng 'to?

"Pakasalan rin kita kagaya ng ginawa ni Nico kay Lyndon."

-_____-

"AWWW-ARAY!"

Inapakan ko nga ang paa niya. Ayoko sa'yo Kenji! Tch! Manyakis!

"Tigil-tigilan mo nga ako Kenji Alasagas! You're so G.R.R.R.R.R!", sinamaan ko siya ng tingin.

"Parang nagbibiro lang eh.", naka-pout pa ang lips niya habang hawak-hawak ang paang inapakan ko kanina.

"Tse!", inirapan ko nga.

Narinig ko namang nagsitawanan ang mga kulumugho sa may likuran ko. Psh!

Tapos maya-maya lang ay lumapit sa'kin ang kakambal ko. Kitang-kita ko kung paano namula ang mukha niya. Siguro kinikilig ang bruhong 'to. Psh! Kung sabagay, ang gwapo ba naman ni Kuya Nico. Like err! Makalaglag-panga ang kagwapuhan niya eh. He looks like Enrique Gil kasi eh. Like OMG! Hehehe.

"Guys, from now on, asawa ko na si Lyndon. Magiging Lyndon Adrian Aguilar- Arellano na siya.", nakangiting announcement ni Kuya Nico.

Ohw? Wow! Sige i-push pa 'yan. Hahaha.

"Nico, ano ba!", nahihiyang awat ni Kuya Lyndon kay Kuya Nico.

Naku! Naku! Pabebe masyado ang kakambal ko. Bahagyang kurutin ko 'to eh. Hahaha.

"WOOOH!! LIBRE NA 'YAN!", sigaw ng mga kulumugho. Psh! Ang iingay!

"Ingatan mo ang pinsan ko ha, Nico. Kung hindi lagot ka sa'kin.", sabi ni Earl.

"Oo nga, Nico. Ingatan mo 'yang si Lyndon. Pinaubaya ko na siya sa'yo.", sabi naman ni Albert.

Hala? Pinaubaya? As if naman crush ka ng kakambal ko. Assuming overload si Caturas. Psh!

"Si Landon naman ngayon ang pakakasalan ko.", narinig kong sabi ni Jolrean.

O__O

dug.dug.

Teka? Bakit nag-react ang puso ko? Grrr! Hindi! Nagbibiro lang ang live durian na 'yan.

'Tigil-tigilan mo nga ako, Jolrean. Like err! Mag-bestfriend nga kayo ni Kenji. Psh!", inirapan ko siya.

Lagi na lang ganyan 'yang si Jolrean. Hay naku! Pero in all fairness ha. Crush ko naman 'yang si Jolrean pero mababaw lang.

Maya-maya lang ay narinig kong nag-announce ang isang student doon. Physical Therapy yata ang kurso kasi nasa booth kasi ng mga PT ang student na 'yun.

"Are you ready for some intermission number?!", sigaw ng announcer.

Narinig kong humihiyaw ang mga students as a sign of agreeing. Mga kabataan talaga, mahilig sa mga intermission numbers.

"Alright! Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Our performer for today ay dating nag-aaral dito sa JBU but he transferred to another school I think because of some personal reasons. But still he is a Julinellians. And now, may I call on......"

Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon