Chapter 43

39 3 0
                                    

Terrence POV

Ilang araw na akong umiinon. Hindi ko pa rin matanggap na pinagtaksilan ako ni Landon. Akala ko ba mahal niya ako? Pero bakit niya ginawa 'yun? Sa harapan ko pa mismo siya makikipaglandian sa iba. Akala ko ba nagiging busy na siya dahil sa company nila? 'Yun pala ang pinagkakaabalahan niya, ang makipaghalikan sa iba. Hindi pa ba ako sapat para sa kanya? Minahal ko siya kahit iba ang kasarian niya. Minahal ko siya bilang isang tao at binigay ko ang buong puso ko para sa kanya. Nagpakatanga ako dahil sa kanya. Ginawa ko ang lahat para kay Landon pero 'yun lang nag igaganti niya sa'kin.

Nasa bahay lang ako umiinom dahil ayokong magpunta ng mga bar. Kahit nasasaktan ako ay hinding-hindi ko magagawang maglandi katulad ng ginawa ni Landon. Ewan ko ba pero kahit na ganun ang ginawa ni Landon sa'kin ay mahal ko pa rin siya at siya lang ang nagmamay-ari nitong puso ko. Ang laking tanga ko lang talaga. 'Di ba dapat pinaghihigantihan ko na siya? Dapat din akong maglandi dahil sa ginawa niya. Pero hindi ko ginawa. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa'kin. Galit ako kay Landon pero mahal ko pa rin siya.

Ganito ba talaga ang magmahal? Na kahit nasasaktan ka na ay patuloy ka pa rin na nagmamahal? Nasaktan ako noon no'ng malaman kong may iba nang mahal si Lyndon, at 'yun ay si Nico. Kung kailan na minahal ko na noon si Lyndon ay huli na pala ako dahil si Nico na ang itinitibok ng kanyang puso at hindi na ako. Ngunit pinaubaya ko na siya, kahit na masakit sa'kin. Hinanap ko ang pagmamahal at nahanap ko nga 'yun kay Landon. Akala ko siya na, ngunit nagkamali ako. Pinagtaksilan niya ako at hinding-hindi ko 'yun palalampasin.

"Kuya? Umiinom ka na naman?", bumungad sa harapan ko si Clarence.

Ilang araw na niya akong pinagsasabihan na tigilan ko na ang pag-iinom ngunit hindi ako nakikinig sa kanya. Ako ang nasaktan at hindi siya. Tch!

"Ano ba talaga ang problema mo, Kuya? Bigla ka na lang nagkakaganyan ah? Hindi ka naman ganito noong mga nakaraang araw.", si Clarence.

Bumuntong ako ng hininga. Talagang makulit 'tong kapatid ko na 'to eh.

"Hiwalay na kami ni Landon.", simpleng sagot ko.

Expected ko na ang magugulat siya pero nagkamali ako.

"Hiwalay? Sure ka? At ano naman ang dahilan?", may halong pagdududang tanong ni Clarence.

"Nakipaghalikan siya sa ibang lalake. Sa harapan ko pa mismo. Oh ano? Happy?"

Kinuha ni Clarence ang cellphone niya at may kinalikot doon. Nakita kong nagpi-facebook siya. Tch! Kinakausap niya ako tapos magpi-facebook lang pala siya. Tch!

"Heto ba 'yung sinasabi mong kahalika niya?", si Clarence na itinapat sa'kin ang cellphone niya.

Napakunot ako ng noo. Picture ni Landon at.....

"S-Siya nga. 'Yung lalakeng 'yan. Teka? A-Anong ibig sabihin nito?", tila naguguluhan ako.

"Hindi mo man lang ba binigyan ng pagkakataong magpaliwanag si Landon? O kahit na magtanong man lang sa kanya ng nakaraang pag-ibig niya o 'di naman kaya'y sa akin dahil matagal na kaming magkakilala ni Landon since High School. Senior siya no'n at Sophomore ako. 'Di ba nga bestfriend ko si Landon kahit dalawang taon ang agwat namin?", medyo sarcastic na wika ni Clarence.

Napatingin ako sa kapatid ko. Halos muntik ko nang makalimutan na mag-bestfriend nga pala sina Landon at Clarence.

"Kung inaakala mo na si Renz at si Jolrean ang previous lovelife ni Landon ay may nakakaligtaan ka pang isa, Kuya. Kilala ko si Landon. Hindi siya masyadong nasi-share ng kwento ng buhay niya not unless kung magtatanong ka. Ngayon ang tanong? Tinanong mo ba siya kung sino 'yung kahalikan niya? Sinadya ba talaga niyang makipaghalikan doon sa lalakeng 'yun o pwersahan lang o labag sa kalooban niya?", wika ni Clarence.

Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon