Chapter 8

134 8 2
                                    

 Terrence POV

Nagising ako na masakit ang ulo ko. Fuck! Ang sakit talaga ng ulo ko. Hindi ko na alam ang nangyari kagabi. Masyado akong nalasing kagabi dahil sa engkwentro namin ni Lyndon kahapon.

Shit! Oo nga. Galit na galit pa rin siya sa'kin hanggang ngayon. Masyado ko kasi siyang nasaktan these past two years. I know I'm such a stupid person because I did not value my friendship with Lyndon instead I let him down. Ngayon, ako naman ang kawawa. Fuck! Nasasaktan talaga ako.

Teka?

O_____O

Hindi ito ang bahay ko ah? Teka? Kaninong kwarto 'to? Panlalaki ang disenyo. Sandali? Ano ba'ng.....

*eeeeecccckkkk*

'Wag ka nga. Tunog 'yun ng pintong bumubukas. Paglingon ko....

O_______O

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko. Tama ba ang nakikita ko? Lasing pa ba ako? Pero parang hindi eh. Ang linaw-linaw ng paningin ko.

Si Lyndon ba talaga ang nakikita ko na nagdadala ng tray ng pagkain patungo sa akin?

"Oh? You're gising na pala. Breakfast mo.", sabi niya.

Mangislap-kislap ang mga mata ko ngayon. Ibig ba'ng sabihin nito...

"L-Lyndon?"

-_____- - mukha niya.

"Do you think kung ako si Lyndon, dadalhin kita dito galing sa isang bar na kung saan nakita kitang lasing na lasing tapos knock out to the max. Dahil kilala kita and I think walang taong tutulong sa'yo doon ay dinala ka naming dalawa ni Kenji dito sa condo unit ko!", mataray na sagot niya.

Ibig sabihin, ito 'yung kakambal ni Lyndon? Walang duda, magkamukha nga sila.

"Kung hindi ikaw si Lyndon..."

"Ako si Landon. Ang kakambal ng taong sinaktan mo raw noon. Psh!", mataray pa rin siyang sumagot.

Hindi ako makasagot. Lumapit siya at ipinatong ang tray ng pagkain sa isang side table.

"You make kain na Mr. Terrence. I know you're still hang-over. Pasalamat ka may nagmamalasakit pa sa'yo.", sabi niya tsaka akmang aalis na.

"Wait.", nasabi ko na lang.

Tumigil siya.

"P-Pwede mo ba akong samahan kumain dito L-Landon?", sabi ko. Nakakahiya naman.

Bumuntong-hininga siya. Malambot ang ekspresyon ng mukha niya. Mukhang mabait naman ang kakambal ni Lyndon.

"Okay."

Tinabihan niya ako. Nagsimula naman akong kumain.

Habang kumakain ay tinanong ko siya kung bakit niya talaga ako dinala rito.

"Pwede mo naman akong iwan na lang doon.", sabi ko.

"Hindi naman pwede 'yung pabayaan kita doon. Ako ang nakakita sa'yo doon na sobrang lasing. Walang ibang tutulong sa'yo do'n. Mabuti nga nakita ka naming dalawa ni Kenji dahil kung hindi, baka sa labas ka na ng bar natutulog ngayon.", sabi niya. Hindi siya nagtataray.

Ang bait naman ng kakambal ni Lyndon. Kasing-bait niya ang kakambal niya. Magkamukhang-magkamukha nga sila.

"Pero hindi maganda ang nakaraan namin ng kakambal mo. Galit na galit siya sa'kin dahil sa mga ginawa ko sa kanya noon. Hindi ba dapat pinabayaan mo na lang ako doon sa bar na lasing na lasing. Hindi ba dapat magalit ka rin sa'kin dahil sa ginawa ko kay Lyndon?", sabi ko.

Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon