Chapter 45 (Finale)

93 3 0
                                    

Landon POV

Sunud-sunod na putok ng baril ang naririnig namin. Natataranta naman ang mga kidnappers pati na rin si Eusebio. Mukhang patay na yata 'yung isa nilang kasamahan dahil tinamaan ng bala. Sa pagkakataong ito ay nagkakagulo na. Biglang lumabas sa kanilang pinagtataguan ang ilang mga kalalakihan at nagsimulang labanan ang mga tauhan ni Eusebio. Suntukan dito, suntukan doon. Saka ko lang napansin na kilala ko pala ang mga lalakeng ito. Walang iba kundi sina Earl, Kenji, Jolrean, Orly, at ang lalakeng pinakamamahal ko, si Terrence.

Buong tapang nilang hinarap ang mga kidnappers. Nakita ko namang nakipagpalitan ng suntok si Earl kay Eusebio. With all his strength ay napatumba niya ito. Mabilis ang mga pangyayari at namalayan ko na lang na nakalagan na pala ako ni Terrence. Bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Kinalagan naman ni Orly si Oliver.

"Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa'yo, Landon. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa'yo.", buong pag-aalalang sabi sa'kin ni Terrence nang kumalas kami ng pagkakayakap sa isa't-isa.

"Akala ko hindi mo na ako ililigtas.", mangiyak-iyak na sagot ko.

"Pwede ba naman 'yun? At tsaka patawarin mo rin ako kung hindi kita binigyan ng pagkakataon upang magpaliwanag. Nagpadala ako sa galit ko at nasaktan pa tuloy kita. Nangako ako sa'yo noon na hinding-hindi kita sasaktan subalit nagawa ko pa rin. Patawarin mo ako, Landon. Mahal na mahal kita.", madamdaming wika ni Terrence.

Niyakap niya akong muli. Habang nakayakap ako sa kanya ay namalayan kong bumangon ang isa sa mga kidnappers at dinampot nito ang baril sa sahig. Kaagad akong kumalas sa pagkakayakap ko kay Terrence at ginawaran ko ng flying kick ang kidnapper. Hindi pa ako nakuntento at pinagsusuntok at pinagtatadyakan ko pa ang bwiset hanggang sa mawalan siya ng malay again.

Kaagad kong nilingon si Terrence na ngayon ay nakanganga.

"Ang galing mo, Landon!", hindi makapaniwalang puri sa'kin ni Terrence.

"Skilled kami sa Martial Arts ni Lyndon noong High School pa kami. Ngayon ko lang ulit ginamit.", paliwanag ko sa kanya.

Napangiti naman si Terrence dahil do'n sa nalaman niya.

Maya-maya lamang ay nakarinig ulit kami ng putok ng baril. Kaagad ko namang hinila si Terrence upang maiwasan ang mga bala na maaaring tumama sa'min. Nagkakapalitan na ng mga sunud-sunod na putok ng mga baril. Nag-aalala ako sa tatlo kong pinsan at sa mga kaibigan ko dahil baka mapahamak sila. Muntik na akong mapasigaw nang may tumambad na baril sa'king harapan. Kaagad ko 'yung kinuha at kinaskas.

"Landon! Delikado 'yang gagawin mo!", bakas sa mukha ni Terrence ang takot at pag-aalala.

"Basta kahit anong mangyari, tandaan mo na mahal na mahal kita, Terrence.", tapos no'n, I grabbed his head and kiss him on his lips.

Pagkatapos no'n ay nag-ipon ako ng lakas ng loob. Sukdulan na 'tong kasamaan ni Eusebio kailangan ko na siyang pigilan. Talagang hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. Pero hindi namin siya hahayaan na magtagumpay sa kanyang binabalak. Siguro mas maganda kung tapusin ko na ang buhay niya.

Kaagad akong tumayo upang sana'y iputok ang baril sa ulo ni Eusebio subalit naramdaman ko na lang na may biglang humila sa'kin at naramdaman ko ang braso niya sa may leeg ko. Peste! Ginawa pa akong bihag ng Eusebio na 'to. Bigla kong naalala ang mabaho niyang hininga. Eww! I kennat! Iisipin ko pa lang na maaamoy ko na naman 'yun ay parang gusto ko na lang mahimatay.

"Sige! Iputok niyo 'yang mga baril niyo at sisisguraduhin kong babaon ang bala ng baril ko sa utak ng kaibigan niyo!", sigaw ni Eusebio habang hostage niya ako.

Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon