Landon POV
Nakarating na kaagad kami sa Caturas Medical Center sakay ng ambulansya. Habang nasa loob ng ambulansya ay nire-revive ng medical team si Lyndon pero hindi talaga siya nagre-response. Iyak na ako ng iyak pero nandito lang si Terrence sa tabi ko. Kahit si Terrence ay umiiyak na rin. Pagdating namin sa Emergency Room ay kaagad nagpatawag ng code blue ang buong medical team.
Nakita kong mabilis na kumilos ang mga doctor at nurses. 'Yung isang nurse ay itinulak ang isang cart papunta sa bed ni Lyndon. Isa 'yung Emergency Cart. Alam ko 'yun dahil nurse ang kakambal kong si Lyndon at naituro niya sa'kin noon ang ilan sa mga medical terms. Kinuna na rin siya ng vital signs. Nilagyan na nila ng resuscitation bag o ambubag si Lyndon para sa kanyang paghinga.
"Vital signs not appreciated doc!, sigaw ng isang nurse.
"Give CPR now! Prepare the Emergency Cart! Prepare for intubation", sigaw nong isang dcotor.
Kaagad namang kumilos ang isang nurse.
"Please prepare Norepinephrine as side drip! Standby Dobutamine and Dopamine drip!"
"Code blue! Code blue! To Emergency Room! Code blue! Code blue! To Emergency Room"
Umaalingangaw sa buong hospital ang boses na 'yun. Humahagulhol na ako ng iyak habang yakap-yakap ako ni Terrence.
Kumilos 'yung isa pang nurse at kaagad niyang natusukan ng IV line si Lyndon at ikinabit doon ang dextrose.
"Prepare 1 ampule of Epinephrine! Prepare the defibrillator! Prepare the intubation set", sigaw nong doctor.
"Hook to cardiac monitor now!", sigaw nong isa pang doctor.
Nakita kong nilalagyan na nila ng tubo si Lyndon sa kanyang bibig at pagkatapos makabit ay nilagay nila ulit 'yung resuscitation bag sa mismong tubo upang tulungan si Lyndon sa paghinga nito.
"Give 1 ampule of Epinephrine now!"
Kumilos 'yung isang nurse at itinurok niya kay Lyndon 'yung gamot.
"1 ampule of Epinephrine given doc!", sigaw nong nurse.
"Continue CPR! Check rhythm after 3 minutes!"
"Terrence! Si Lyndon!", humahagulhol ako ng iyak.
"Ginagawa na ng mga doctor at nurses ang makakaya nila. Palaban si Lynon, alam natin 'yan. Matatag siya kaya hindi niya tayo iiwan.", assurance ni Terrence sa'kin na mugto na rin ang mga mata.
Dumating naman sina Kenji, Jolrean, Albert, si Rikki, at ang pinsan kong si Earl na gulat na gulat rin sa kanilang nakita. Inilayo kami ng isang nurse kay Lyndon habang nire-revive siya.
"Prepare the defibrillator in 200 joules! Everyone clear the area! Ready, CLEAR!"
Makailang ulit nilang nire-revive si Lyndon. Naka-limang turok na sila ng gamot na Epinephrine kay Lyndon. Habang nire-revive nila ang kakambal ko ay nilapitan ako ng isang doctor upang kausapin kami tungkol sa sitwasyon niya.
"Sir, we are doing everything to revive your brother. But just in case he didn't make it......
"No! Just do everything doc! Do everything you can! Gawin niyo ang lahat, mabuhay lang ang kapatid ko! Hindi namin siya bibitawan!", pagmamakaawa ko sa doctor.
Tumango ang doctor at binigyan ako ng assurance look.
Dumating naman sina Ate Leah, Kuya Aluino, at Kuya Lysander.
"Nasa'n si Lyndon!", sigaw ni Kuya Lysander.
Sinubukan niyang lumapit sa kinaroroonan ni Lyndon ngunit pinigilan namin siya.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)
RomantiekLandon Adriven Aguilar and Terrence Mejares' LOVE STORY. NO COPYRIGHT INFRINGEMENT Copyright ©️ 2015