Chapter 42

39 1 0
                                    

Landon POV

Maaga kong tinapos ang ilan sa mga designs ko ngayong araw. May mga ilan na akong aktwal na natapos. Siguro nasa 25 designs na lahat ang natapos ko sa loob lamang ng isang buwan. Proud na proud pa nga si Tita Sandra sa'kin eh kaso mabilis akong kumilos at nagmana raw ako sa kanya. Like whuut? Oo na lang Tita Sandra. Psh!

Gusto kong magpahinga muna dahil pagod na pagod na ako. Tama na siguro 'yung 25 na gowns na natapos ko. Nabur-buryo na ang ulo ko. Stress na nga ako ay dumadagdag pa si Aldrin. Kailan kaya ako titigilan ng lalakeng 'yun? Kung kailan na ayaw ko na sa kanya eh saka pa siya nagparamdam. Para niya akong minumulto eh. Kung kailan na hindi ko na siya mahal ay saka pa siya magpapahiwatig ng kanyang nararamdaman. Stupid at its finest!

Maaga akong umuwi ng mansyon. Pagdating doon ay kaagad akong umakyat sa kwarto ko at walang pag-aatuniling sumalampak sa kama ko. I am so drained! Feeling ko ang haggard ko na.

Ipipikit ko na sana ang mga mata nang may kumatok sa pinto.

"Pasok lang.", sabi ko sa pagod na pagod na boses.

Bumukas naman ang pinto at iniluwa doon ang taong kawangis ko, si Lyndon.

"Pagod ka yata.", bungad niya saka naupo sa kama.

"Oo eh. Fashion Expo na next week kaya todo banat ako para matapos ko ang mga designs ko.", sagot ko.

Bumangon ako para maayos ang pag-uusap namin ni Lyndon.

"Tsaka alam mo Lyndon, bumalik na si Aldrin at ginagambala niya ako.", sabi ko kay Lyndon, dahilan upang marahas siyang napalingon.

"Si Aldrin? Aldrin Estonina ka'mo? 'Yung nang-iwan sa'yo 7 years ago?", turan naman ni Lyndon.

Kilala niya si Aldrin. Noong mga panahong broken-hearted ako sa kanya ay kay Lyndon ako laging nagsusumbong. Hindi kami pareho ng eskwelahan ni Lyndon noong High School at no'ng College naman, sa JBU na rin siya pumasok. Sa sobrang laki ng JBU ay halos hindi kami nakakapang-abot ni Lyndon. Sa mansyon na lang kami nagkikita no'n.

"Oo. Siya nga. Ang walang hiyang 'yun! Kung kailan na kinalimutan ko na siya ay saka pa siya magpapakita at sasabihing na-realize niya na mahal pala niya ako. Like what the hell! Hinding-hindi ko ipagpapalit si Terrence para sa kanya!", wika ko.

Napabuntong-hininga naman si Lyndon.

"Galit ka pa rin ba sa kanya?", tanong ni Lyndon.

"Hindi lang galit, Lyndon. Napopoot ako lalo sa kanya sa mga pinaggagawa niya ngayon! Imagine, gagawin daw niya ang lahat, bumalik lang ako sa kanya. No way! Manigas ang Aldrin Estonina na 'yan! Hinding-hindi ko siya hahayaang sirain ang kung ano mang meron sa amin ni Terrence ngayon. Si Terrence na ang mahal ko at hindi siya!", galit na turan ko.

Bigla-bigla ay napangiti si Lyndon. Luh? Anong meron sa sinabi ko?

"Alam mo, Landon. Naaalala ko si Terrence kay Aldrin.", sabi pa niya.

"Luh? Bakit mo naman ikokompara si Terrence kay Aldrin? Eh ang layo-layo kaya nilang dalawa. Eww!", reklamo ko.

"Hindi. Ang ibig kong sabihin ay ganun din ang ginawa ni Terrence nang muli kaming magkita noon pagkatapos ng dalawang taon na hinanakit ko sa kanya. Ang pinagkaiba nga lang nila ay ginawa ni Terrence ang lahat upang mapatawad ko siya at maibalik ang aming pagkakaibigan kahit na alam niyang hindi ko na siya mahal at pinaubaya na niya ako kay Nico samantalang si Aldrin ay medyo mapangahas ang kanyang estilo.", wika ni Lyndon.

Oo nga. Naalala ko. Noong unang beses kaming magkatagpo ni Terrence ay napagkamalan pa niya ako noon na si Lyndon. Ginawa niya ang lahat upang mapatawad siya ni Lyndon in which is nangyari naman talaga. Mabuting tao si Terrence kaya siguro na-in love ako sa kanya maliban sa gwapo siya at may abs.

Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon