Chapter 16

138 6 1
                                    

Terrence and Landon's picture sa itaas :)

Landon POV

Hindi ko alam pero ako ang nasasaktan sa sitwasyon ni Terrence ngayon. Yes, he's trying so hard na mapatawad ni kuya. Hindi madali ang ginagawa niya dahil kung tutuusin, pakapalan na ng mukha ang ginagawa niya eh. He's making so much effort para mapatawad siya ng kakambal ko. Ang marinig ang bawat paghikbi niya habang yakap ko siya ngayon will cause me to feel the ache here inside my chest.

Kahit nakausap ko na si Kuya Lyndon ay hindi ko pa rin alam ang desisyon niya. Dapat magkapatawaran na sila dahil masama ang magtanim ng galit.

"Terrence. I'm sorry,", I said. Ako kasi ang nagi-guilty para sa kanya.

Kumalas siya ng pagkakayakap ko sa kanya. Hinawakan ko siya sa pisngi niya and wipe his tears from his eyes. Marunong rin palang umiyak ang mga tunay na lalake. Syempre nasasaktan din sila eh. Naapakan kasi ang ego nila kapag ipinapakita nila na umiiyak sila. Ma-pride din minsan ang mga lalake. Pero si Terrence, hindi. Kung ano ang nararamdaman niya ay inilalabas niya through his tears.

"Alam ko ang nararamdaman mo, Terrence. Masakit ang mahusgahan, oo. Dahil naranasan ko na rin ang ma-judge.", sabi ko. I don't know why but nadadala ako sa nararamdaman ko.

"Landon, bakit ganun? You're trying so hard para mapatawad ka niya pero 'yung iba, hinuhusgahan ka sa mga maling bagay na nagawa mo noon.", he said in a very sad tone.

"Terrence. Sa mundong ginagalawan natin, hindi mawawala ang mapanghusgang mga tao. Hinuhusgahan nila tayo sa mga mali natin dahil sa pamamagitan non, doon nila tayo naibabagsak. Isang pagkakamali mo lang ay husga na kaagad. Ganyan dito sa mundong 'to. Hindi talaga natin maiiwasan 'yan pero kung ipapakita mo sa kanila na handa kang magbago at you are sincere of what you are doing, then do it. Walang mawawala Terrence. There's always a chance for us."

Hinawakan ni Terrence ang pisngi ko.

"Landon, kay laking pasasalamat ko sa Diyos na ipinakilala ka Niya sa'kin. Sa mundong ito na puno ng mga mapanghusgang nilalang ay inilaan ka niya para sa'kin upang ako'y intindihin. Landon, salamat", tapos non ay niyakap niya ulit ako. Nararamdaman ko tuloy ang ABS niya. Ahehehe.

"Landon!", narinig ko ang boses ni Jolrean na tinawag ako.

Kumalas ako ng pagkakayakap kay Terrence at hinarap ang live durian. Pagharap ko sa kanya ay tinubuan siya ng mga tinik sa katawan hanggang naging isang durian na nga si Jolrean.

Dejoke lang. Seryoso 'yung mukha niya.

"Landon, anong ibig sabihin nito? Magkaibigan kayong dalawa? Landon, mag-iingat ka sa kanya. Baka hindi mo siya kilala.", seryoso ngunit may pag-aalala si Jolrean nang sabihin niya sa'kin 'yun.

"Jolrean please. Tama na. Hindi masamang tao si Terrence.", paliwanag ko.

"Seriously Landon? Hindi masamang tao 'yang si Terrence? Landon, siya 'yung taong nagbigay ng pasakit kay Lyndon noon dalawang taon na ang nakakalipas. Gago ang taong 'yun eh! Muntik nang mamatay si Lyndon nang dahil sa kanya! Lumayo ka sa kanya!".

"Kilala ko siya Jolrean at alam ko na rin ang mga nangyari sa kanila. Please Jolrean, bigyan niyo naman siya ng pagkakataon na maipakita ang sarili niya. Give him a chance. Ginagawa niya ang lahat upang mapatawad siya ng kuya ko. Kahit mapatawad lang siya ay okay na sa kanya kahit hindi na sila magiging katulad ng dati. Bigyan niyo siya ng pagkakataon. Maaaring malaki ang kasalanan niya, pero he deserves to be forgiven naman.", halos gusto ko nang maiyak. Oo, pinagtatanggol ko si Terrence.

"Landon, masyado ka na yatang binilog ng lalakeng 'yan. Wala ka kasi noong mga panahong 'yun kaya napapaikot ng lalakeng 'yan ang ulo mo. Hindi mo pa siya masyadong kilala!"

Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon