Chapter 41

49 3 0
                                    

Landon POV

All are prepared na. Grabe! Buong araw naming pinaghandaan ang muling pagkikita nina Lyndon at Nico in a very special and romantic way. Buong linggo ko rin itong pinag-isipan and here it is now. Talagang gagawin ko ang lahat, mapasaya lang ang kakambal ko.

"Kenji? Hindi ka pa ba tapos diyan? Ang bagal mo talagang kumilos pero kapag sa chicks, mas mabilis pa sa bagyo!", sermon ko kay Kenji na hanggang ngayon ay hindi pa tapos sa paglalagay ng mga petals sa ground patungo sa labas ng gate.

"Landon naman eh. Heto na nga oh at binibilisan ko na. Eh pagkatapos nito ay magpa-practice pa kami no'ng tinuro mong sayaw. Landon, ang sagwa non. Pwede bang palitan na lang 'yung steps?", turan ni Kenji na ngayon ay nagrereklamo na.

Tumaas ang kanang kilay ko. Aba! Aba!

"Nagrereklamo ka, Kenji?", pagtataray ko. Nakapameywang pa ako. Aba! Aba! Ang kapal niya para magreklamo ha. Hindi nga nagreklamo ang boyfriend ko eh siya pa ba? Aba! Aba!

"Sabi ko nga hindi ako nagrereklamo. Malapit na akong matapos dito oh? Konting-konti na lang. Tapos na-realize ko na maganda pala ang kumembot sa pagsasayaw mamaya. Okay lang 'yun basta para kay Lyndon! Aja!", tapos nagbro-fist pa siya.

Inirapan ko nga siya.

"Tse!"

Tapos no'n ay iniwan ko na siya para asikasuhin ang iba pang mga kailangan para sa sorpresa mamaya. Busy na silang lahat. Nasa tapat lang kaya kami ng mansyon at sinigurado ko talaga na hindi mahahalata ni Lyndon ang ginagawa namin. Surprise nga 'di ba?

All are set na talaga. Napangiti naman ako dahil ang romantic ng pagkikitang muli nina Lyndon at Nico.

"Ready na ang lahat, Landon.", si Terrence na lumapit sa'kin.

Bakit ba ang gwapo ng boyfriend ko? Nakakatunaw talaga 'yung ngiti niya eh. Nakasuot siya ng kulay blue na T-shirt na pinasadya kong ipagawa. Kulay blue kasi ang favorite color ni Lyndon. Sa harapang bahagi ng T-Shirt ay may nakalagay na #LynCo na combination ng pangalang Lyndon at Nico. Sa likod ng T-shirt ay may nakalagay na word na FOREVER. Bale ganito kasi ang mangyayari: sasayaw silang anim mamaya, sina Earl, Kenji, Albert, Jolrean, Terrence at tsaka si Rikki ng ala-cheerdance squad. May dala-dala silang pompoms mamaya. Bale parang intro siya ng gagawin namin. Naka-set na 'yung formation nila mamaya. Sa T-shirt nila ay may iba't-ibang word tapos sa T-Shirt na Rikki, nakalagay doon sa likuran ang pangalang LYNDON?. Yes, may question mark talaga siya. Bale ganito ang formation nila mamaya.

Earl - WILL

Kenji - YOU

Albert - BE

Jolrean - MINE

Terrence - FOREVER

Rikki - LYNDON?

Ang galing ko 'di ba? Tapos hindi lang 'yan. May second group pa na sasayaw mamaya ng ala-cheerdance hahaha. Anmg grupo nina Kuya Lysander. Green naman ang kulay ng T-Shirt nila dahil kulay green ang favorite color ni Nico. The same na print rin pero magkaiba lang sa likod. Bale ganito ang formation ng second group.

Kuya Lysander - LET

Clarence - ME

Richard - BE

Orly - YOUR

Oliver – HERO

"Hero" ni Enrique Iglesias daw kasi ang theme song nina Lyndon at Nico. Sabi pa ni Nico, ito daw 'yung kinanta niya sa harapan ni Lyndon habang nag-aagaw-buhay ito. Kakantahin daw niya ito mamaya habang nililigawan si Lyndon. Nakakakilig talaga!

Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon