Landon POV
I am preparing myself na. I'm going to have my dinner date with Jolrean. Yehey! A dinner date. Yeah. Niyaya niya kasi ako eh so 'wag nang patumpik-tumpik pa. Kakarakaraka. Hahaha. Parang Vice Ganda lang.
Wala pa si Kuya Lyndon. Kakausapin ko pa 'yun eh kaso baka ma-late na naman 'yun ng dating. Minsan kasi, late at night na siyang umuuwi.
*beep*
Uy may nag-text.
From: Jolrean Estrelas
7:30pm at Webb Restaurant. Susunduin kita diyan sa inyo. No worries, alam ko ang address niyo. See you around Landon. :)
^_^
Napangiti ako. Si Jolrean kasi eh. Ayt! Kinikilig na naman ako oh. And oh? Susunduin niya ako? Eeh! Kilig much again.
Dahil tapos na akong ayusin ang sarili ko ay hinintay ko na lang siya. Naka-blue polo lang ako na fitted sa katawan ko at blue men skinny jeans. Naka-dark green shoes naman ako. Nilagyan ko rin ng kaunting Gatsby Wax ang buhok ko para fix naman ang ayos ng hitsura ko. Medyo tumataba na nga ako eh pero kebs lang. At least nagkalaman.
It's almost 7:15 pm. Sakto namang may narinig akong busina ng sasakyan. Kaagad namang lumabas ang isa sa mga katulong upang buksan ang gate. Lumabas na rin ako then nakita ko ang isang red na sasakyan. Napangiti ako. I know si Jolrean na ito. Hindi na pumasok ang kotse sa loob instead, bumukas ang driver's window shield and there, I saw the handsome guy behind it. Nakangiti siya sa'kin. Shems!
"Landon. Halika na.", he said while nakangiti. Lumabas siya ng kotse niya tapos pinagbuksan ako ng pinto. And oh! So magkatabi pala kami ngayon. Hehehe.
So there, we're on our way to our... Date.
"So Landon, how was your day?", tanong ni Jolrean sa'kin while he's driving.
"Oh me? It's fine lang naman. How about you Ean?", minsan kasi, Ean na ang tawag sa kanya, short-cut ng name niyang 'Jolrean'. Masyado kasing unique ang pangalan niya eh.
"Okay lang din. Alam mo, na-miss kita.", nakangiting sabi niya sa'kin.
Ahhh! Ano ba Jolrean! Feeling ko namumula na ang mukha ko. Kese nemen eh.
"Don't make me bola nga! You are so mambobola talaga Ean.", I said. Oh ayan, I'm nagiging conyo na.
"Totoo Landon. Na-miss kaya kita. Eh si Lyndon lang ang madalas kong makita sa school eh kasi nga classmates kami 'di ba? Kapag nakikita ko si Lyndon, ikaw ang naalala ko kasi magkamukha kayo eh.", sabi niya. Pero maya-maya ay natawa siya.
=____=
"What's nakakatawa naman?", feel ko lang mag-conyo ngayon. Parang baliw 'tong si Jolrean. Pabigfla-bigla na lang tumatawa.
"Eh kasi Landon, nag-try akong maging sweet kay Lyndon, kaso eh inapakan niya ang paa ko at piningot ang tenga ko, the worst is kinurot pa niya ako sa tagiliran at binatukan. Napaka-war-freak talaga ng kakambal mo. Eh sa ikaw ang nakikita ko sa kanya eh."
-_______-
Baliw talaga si Jolrean. Pinagtrip-an ba naman ang kakambal ko.
"Baliw ka talaga. Ba't mo naman ginawa 'yun?", natatawang tanong ko.
"Eh kasi, simula nang magkakilala tayo, it seems like you know, something has changed.", makahulugang sabi ni Jolrean.
Hala? Ano kaya ang ibig sabihin niya?
~~
At Webb Restaurant.
Grabe anmg restaurant na'to ah. First time ko nga pala dito. I think bago ang restaurant na'to. Well ha, pangmayaman ang restaurant na'to. Promise. Ma-suggest nga kina Mom and Dad ang restaurant na'to kapag nakauwi na sila dito sa Pilipinas. I find the restaurant very romantic eh.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)
RomanceLandon Adriven Aguilar and Terrence Mejares' LOVE STORY. NO COPYRIGHT INFRINGEMENT Copyright ©️ 2015