Sana Ako Na Lang

720 15 0
                                    

Forever do really exist. And love is not all about the gender. It is the heart that beats for love, not the eyes.

Love can wait. Sacrifice everything for love.

'Yan ang mga katagang pinaniniwalaan ni Landon Adriven Aguilar, a formal gay na hindi mo aakalaing bakla dahil lalake kung tumindig. Isa siyang taong handang magpaubaya for the sake of other people. Kahit nasasaktan siya ay handa siyang mag-give way para sa kaligayahan ng iba.

Dahil sa prinsipyo niyang 'yun ay dalawang beses siyang nabigo sa love. For him, wala na talagang magmamahal sa kanya because of his gender.

In just one moment, dumating sa buhay niya si Terrence, ang lalakeng inakala niyang wala siyang magiging pakialam dahil sa koneksyon nito sa kakambal niya. Noong una ay napagkamalan siya nitong si Lyndon, ang kakambal niya.

Ang tanging kaalaman lang niya kay Terrence ay ito ang lalakeng minahal noon ng kakambal niya na sinaktan niya noon. Pero hindi niya magawang magalit sa lalake bukod sa wala siya noong mga panahong nasaktan ni Terrence ang kakambal niya ay sincere din naman ito sa mabalik ang pagkakaibigan nila ng kapatid niya.

Sa 'di nagtagal ay nahulog si Terrence sa kanya. Yes! Si Terrence mismo ang nahulog kay Landon. Noong una, baka nalilito lang si Terrence dahil una sa lahat, alam niyang si Lyndon ang mahal nito at magkamukha lang sila. Pero pinatunayan 'yun ni Terrence na mahal siya nito bilang SIYA, si Landon Adriven.

Mamahalin kaya niya si Terrence the way na minamahal siya nito? Kung mangyaring mahalin man niya ito? Willing pa ba niyang i-give up ito?



Sana Ako Na Lang

Original Story by: MikeSuazo

Copyright 2015

PLAGIARISM IS A SIN!


Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon