Landon POV
One more day to go ay birthday na namin ni Lyndon. Meaning to say, tomorrow na ang big event. Pero hindi ako masyadong excited. Ewan ko ba kung bakit? Hindi naman talaga ako nae-excite tuwing malapit nang dumating ang birthday namin ni Lyndon.
"Landon!"
Napalingon ako sa kung sino 'tong unghang na tumatawag sa'kin. Nagulat na lamang ako nang bigla-bigla ba naman akong yakapin ng mokong na'to.
"Aray ko! Jolrean! Balak mo ba akong patayin?", reklamo ko kay Jolrean na ang higpit-higpit nang pagkakayakap sa'kin. Akala niya siguro unan ako. Letse!
"Patayin sa sarap-- AWWW! Joke lang, Landon!", hiyaw ni Jolrean dahil kinurot ko lang naman ang kanyang tagiliran. Kamanyakan lang ng lalakeng 'to.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Nandito kasi kami ngayon sa JBU Gymnasium dahil susunduin ko ang kakambal ko. Lilibangin ko muna 'yun dahil mukhang broken hearted yata 'yun. Nasa'n ba ang Nico Arellano na 'yun at nang mabigwasan ko sa leeg ang pesteng 'yun? Ano kaya ang drama ng mestisong hilaw na 'yun? Psh!
"Tapos na kasi ang klase ko and planning na pumunta sa canteen upang kumain pero nakita kita so hayun.", paliwanag ni Jolrean.
Tumango na lang ako bilang pagsasang-ayon. Sinabi ko na rin sa kanya na susunduin ko si Lyndon.
"Kumain na lang muna tayo habang hinihintay mo si Lyndon. Patapos na rin ang klase non kasi isa lang naman ang subject non kasi nga Sunday.", suhestiyon ni Jolrean.
Kaagad naman akong pumayag. At least may kasama na ako sa paghinintay.
~~
Nandito kami ngayon ni Jolrean sa canteen at kumakain. Busy rin kami sa kaka-discuss kung ano ang gagawin namin bukas during the party. Sa kaka-chika naming dalawa ay hindi namin namalayan na may dumating at papalapit sa amin.
"Mukhang ang saya-saya ninyong dalawa ah.", nagulat ako sa nagsalita.
"Anthony?", banggit ko sa pangalan niya.
"Hindi? Ako si Marlo Mortel.", at humahalakhak siya.
"OMG! Kailan ka pa dumating?"
"Kahapon lang."
Si Anthony kung tutuusin ay tito ko kahit dalawang taon lang ang agwat namin. Ang mommy niya na si Natasha Figueras ay kapatid ng Lola Margarita ko. Sila ni Daddy ay magpinsang buo at pamangkin naman niya kami. Si Lola Natasha or mas prefer naming tawagin Tita Nats ay kasing-edad lamang ni Daddy. Know the story? Nang maipanganak ni Lola Margarita ang Daddy Leo ko, 5 months later ay naipanganak naman ng great grandmother ko si Tita Nats. Nasa edad 49 na noon ang great lola ko nang maipanganak niya si Tita Nats. 20 years ang agwat ni Lola Margarita at Tita Nats.
Naupo naman si Anthony sa tabi ko. Grabe! Ang gwapo na ng lalakeng 'to. Kung hindi ko lang 'to relative ay malamang sa malamang ay magkaka-crush ako sa kanya. Pero hindi, wala sa lahi namin ang incest. Ewww!
"Kahapon pa ko bumalik. Nagpadala kasi si Lyndon ng invitation online one week ago kaya umuwi na rin ako. Sayang kung hindi ako makakapunta eh birthday 'yun ng dalawang pinsan slash pamangkin ko eh.", nakangiting sabi ni Anthony tsaka ginulo ang buhok.
"Ano ba! 'Wag mo nga akong ginagawang bata! 'Nyeta naman oh.", reklamo ko sa kanya. Bahagya naman siyang natawa. I-untog kita sa abs mo diyan, Anthony eh makkikita mo.
Ngapala, hindi pa magkakilala sina Anthony at Jolrean.
:Ah, Jolrean, si Anthony nga pala. Anthony Figueras, pinsan ko. Actually tito ko na 'yan eh kahit two years lang agwat namin.", pagpapakilala ko ni Anthony kay Jolrean.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)
RomantizmLandon Adriven Aguilar and Terrence Mejares' LOVE STORY. NO COPYRIGHT INFRINGEMENT Copyright ©️ 2015