Landon POV
Days had passed by again. Busy again sa work pero may nilalaan naman akong oras para sa sarili ko. I don't have to stress myself. Isa pa, sa company naman namin ako nagta-trabaho. Kumbaga ay boss ako pero hindi ako nagpapaka-boss. Fair treatment ako sa mga empleyado namin. Saka na lang ako magpapaka-boss kung kinakailangan.
Anyways, sa Monday na pala ang birthday namin ng kakambal ko and I'm so excited. 23 years old na rin kami ni Kuya Lyndon hahaha. We're matanda na. Tsaka marami akong invitation cards dito oh. Sa mga empleyado yata ito ng company namin and of course, naglaan na rin ako para sa mga friends ko. I'll distribute it later.
Tapos ngayon, napapansin ko ang kakambal ko na napakalungkot. Ano kayang nangyari sa kanya? Worried na ako ha. Hindi naman siya dating ganyan. Sa ngayon, hindi ko na muna siya inusisa dahil kasi baka kailangan niya ng oras para sa sarili niya.
"Landon."
Paglingon ko, bumungad sa aking harapan si Clarence.
"Oh, Clarence."
Bigla niya akong niyakap. Luh? Anong nangyari sa lalakeng 'to?
"Hoy. Napa'no ka?", tanong ko sa kanya.
"Wala. Na-miss lang kita. Masama bang ma-miss ko ang bestfriend kong cute?", sabi niya habang nakayakap pa rin sa'kin.
Luh?
Kumawala na siya.
"Clarence? May tanong ako sa'yo."
"Ano 'yun?
"Naka-drugs ka ba?", seryosong tanong ko.
"Pfffft!! Ahahahaha!"
Luh? Naka-drugs nga. Bigla-bigla ba namang tatawa ang kurukungho na'to.
"Landon. Ano ba namang klaseng tanong 'yan? Hindi ako nagda-drugs 'no.", si Clarence.
"Okay. Pero sa mga kinikilos mo ngayon eh para kang naka-drugs.". sabi ko.
"Halika na nga. Puro ka kalokohan. Samahan mo na lang kaya ako."
"At saan naman tayo pupunta?", tanong ko.
"Sa mall. May bibilhin ako tsaka kailangan ko ng alalay.", sabi ni Clarence.
Aba ang walang hiya! Gagawin pa akong Personal Assistant.
"Ano ka? Siniswerte? Gagawin mo pa akong assistant mo, ulol!"
"Sige na, Landon. Sige ka. Hindi na kayo magkakatuluyan ni Kuya Terrence niyan."
O___O
Ano bang pinagsasabi nitong si Clarence?
"Anong sinabi mo?", balik kong tanong sa kanya.
Bigla siyang ngumiti sa'kin. Bigla naman akong kinabahan.
"Alam ko na ang lahat. Lakas talaga ng karisma niyong dalawa ng kakambal mo."
O________O
Ibig sabihin.....
"Sinabi na ni Kuya Terrence sa'kin lahat, na mahal ka niya. Hindi na naging bago sa'kin kaya hindi na ako nagulat. Minsan na rin kasi niyang minahal si Lyndon, ang kakambal mo. Kaso no'ng mga panahong 'yun ay natatakot siya at nahihiya na malaman ng mga kaibigan niya lalo na sa pamilya namin na hindi babae ang nagugustuhan niya kundi isang binabae, pero pormal. Pero ang hindi niya alam, suportado namin siya kung sino man ang mamahalin niya. Kaya ang swerte ni Kuya Terrence sa'yo.", sabi ni Clarence habang nakangiti.
Shit! Hindi ako nakapag-shield. Sinabi na pala ni Terrence lahat kay Clarence. Langhiya. Nahiya tuloy ako. Eh hindi ko pa naman sinasabi sa kanya na mahal ko siya eh.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)
RomanceLandon Adriven Aguilar and Terrence Mejares' LOVE STORY. NO COPYRIGHT INFRINGEMENT Copyright ©️ 2015