Landon POV
Valentines day...
Nasa mansyon pa ako. Plano kong sumama kay Kuya Lyndon mamaya sa JBU dahil na rin sa kagustuhan ni Jolrean. Wala daw siyang ka-date. Psh! As if naman ide-date ko siya. Oo, crush ko siya pero ayokong makipag-date sa kanya hahaha.
Maaga pa naman so I get my iPad para mag-surf muna sa facebook. I need to check my account dahil baka may announcement galing sa event na magaganap few days from now. I'm so excited na kaya.
Oh hayan, nagloa-load na ang facebook.
Email: landonadrivenaguilar@yahoo.com
Password: [****************]
[LOG IN]
I clicked the Log In button.
Loading...
Loading...
Loading...
\
Hayan. Uma-appear na ang newsfeed ko.
Landon Adriven Aguilar
[15] Friend Request
[5] Messages
[99+] Notifications
-____-
Wagas ang notifications ko. Promise!
In-una ko muna ang messages baka sakaling may importante
Clarence Mejares
Landon. I love you. Hahaha. Teka? Pansin ko nag-uusap kayo ni kuya? Friends ba kayo?
O_o
Ano raw? Kuya niya? Eh sino ba ang kuya niya? 'Tong si Clarence, hindi na nga kami masyadong nagkikita, kung anu-ano pang sinasabi. Kung totoo mang nakita niya ako, sana naman lumapit siya. Eh na-miss ko rin ang tukmol na'to.
Ma-reply-an nga.
Landon Adriven Aguilar
Sino bang kuya mo? Hoy! Nakita mo naman pala ako. Bakit hindi ka na lang lumapit! Tukmol ka talaga! Psh! I miss you Clarence.
'Yun. Sinend ko na. At tsaka online rin pala ang kurimaw oh.
Clarence is typing.....
Clarence Mejares
Si Kuya Terrence. Magkaibigan pala kayo? Hindi na ako nakalapit kasi may ginagawa kaming shoot para sa project namin sa major. Tapos nakita ko lang kayo sa may cafeteria ng JBU. 'Yun lang. I miss you too Landon. Give my regards to Kuya Lyndon ha. :)
Si Terrence? Ibig sabihin, magkapatid sila? Ha?
Hindi na ako nag-reply pa. Tiningnan ko na lang ang ibang messages ko pero puro 'hi' and 'hello' lang sa mga hindi ko kailala. Psh!
Nagpunta ako sa friend request. Pag-open ko ay biglang nanlaki ang mga mata ko. As in.. As in..
Terrence Mejares
[Accept] [Not Now]
Isa siyang Mejares? So? Magkapatid nga sila ni Clarence? Kung hindi kapatid, baka mag-pinsan or what? Kasi medyo magkamukha sila eh. So meaning, magkapatid nga sila. Aish! Si Clarence, matagal ko na siyang kilala. Nakilala ko siya dahil kay Iris, 'yung kinakapatid ko sa binyag. Close kami, oo. Pero never akong nagpunta sa bahay nila gawa ng busy ako palagi. Kung nagbi-birthday naman si Clarence, doon naman kami sa bahay ni Vince, 'yung isang kaibigan namin na kaibigan din ni Kuya Lyndon. Ang alam ko lang na kapatid ni Clarence ay si Cheska. Tapos malalaman ko na kapatid pala nila si Terrence? OMG! Sorry. Hindi talaga ako tsismoso eh. Hindi naman kasi ako mahilig maki-usyoso sa buhay ng ibang tao.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)
RomanceLandon Adriven Aguilar and Terrence Mejares' LOVE STORY. NO COPYRIGHT INFRINGEMENT Copyright ©️ 2015