Landon POV
Gabi na pero nandito pa rin kami sa ospital. Lagi akong sinasabihan ni Terrence na umuwi na at magpahinga pero ayoko kong umuwi. Ayokong iwan si Lyndon. Ayokong iwan ang kakambal ko. Baka sa pag-alis ko ay may masamang mangyari sa kanya. Hindi ko talaga kakayanin kapag nawala sa'min ang kakambal ko.
Minsan na kaming nawalan ng kapatid. Kahit hindi na namin siya nakita dahil sanggol pa lamang kami ay kinuha na siya ni Lord. We're supposed to be triplets pero namatay ang isa pang kakambal namin ni Lyndon dahil na rin sa komplikasyon nito sa puso. Ayokong mawalan pa ulit ng isa pang kakambal at talagang hindi ko kakayanin kapag nawala si Lyndon sa'min.
Habang nakasandal ang ulo ko sa balikat ni Terrence ay hindi namin inaasahan ang pagdating ni Nico. Hapong-hapo siya at kitang-kita sa mukha niya ang labis na pag-aalala. Alam na siguro niya ang nangyari kay Lyndon. Gusto kong magalit sa kanya pero parang nawala ang galit ko na 'yun dahil mas naiintindihan ko na siya kung bakit niya nagawa ang mga bagay na 'yun kay Lyndon. Nasaktan lamang siya kaya niya nagawa 'yun pero 'yun nga lang, humantong sa ganito ang mga ginawa niya.
"Anong ginagawa mo dito!", sigaw ni Ate Leah sa galit.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Ate Leah at Nico. Galit ang lahat kay Nico ngayon at ayokong makadagdag. At least man lang kahit na galit ang lahat sa kanya, nandito pa rin ako para makinig sa kanya.
"Ang kapal ng mukha mong pumunta rito matapos ng ginawa mo sa kapatid ko!", sigaw naman ni Kuya Lysander at mayamaya lamang ay sinugod niya si Nico at pinagsusuntok ito.
Kaagad naman akong napatayo at upang pigilan si kuya dahil biglang nagkagulo.
"Tama na! Tama na!", pag-aawat ko sa kanila.
Hindi lumalaban si Nico. Kaagad kong nahawakan si Kuya Lysander inawat siya. Hinawakan naman siya nina Oliver at Earl upang ilayo siya kay Nico.
"Umalis ka na dito! Hindi ka kailangan ng kapatid ko!", sigaw ni Kuya Lysander.
"Kuya, tama na! Tama na!:, sigaw ko at napahagulhol ulit ako ng iyak.
Naiintindihan ko ang galit ni Kuya Lysander kay Nico pero hindi rin naman tama na saktan niya ito.
"Hoy Nico! Umalis ka na dito! Dahil sa'yo kaya inatake sa puso si Lyndon! Hindi na niya kinaya ang mga ginagawa mo sa kanya kaya siya humantong sa ganito! Tapos ngayon ano, may mukha ka pang ihaharap sa kanya!", sigaw naman ni Terrence.
"Terrence, tama na!", awat ko kay Terrence pero hininaan ko ang boses ko dahil mukhang mapapaos na ako.
"Akala ko ba mahal mo si Lyndon ha, Nico! Ikaw pa 'tong may ganang magsabi sa'min noon na wala kaming kwentang tao pero ano ka ngayon! What you said to us before portrays yourself now!", sigaw naman ni Rikki. Nakita kong may mga luha sa mga mata niya.
Galit silang lahat kay Nico. Kahit naman ako pero kailangan kong magpakumbaba para kay Lyndon. Kailangan ko ring alamin ang side ni Nico kung bakit niya nagawa 'yun sa kapatid ko. Hindi naman siguro siya magkakaganyan kung walang sapat na dahilan 'di ba?
Mayamaya lamang ay nagsalita na si Oliver.
"Tama na po! Okay. 'Wag na po tayong magkagulo. Hindi magiging masaya si Lyndon kung ganito ang sitwasyon natin ngayon. Please. Tama na po.", pagsusumamo niitong si Oliver. May luha rin sa mga mata niya. Nasasaktan rin siya dahil pinsan din niya ang kakambal ko.
After a few moments ay lumabas na rin ang doctor mula sa kwarto ni Lyndon sa ICU. Kakaiba ang awra ng doctor at masama ang kutob ko sa itsura niyang 'yun. Mukhang may hindi magandang nagyayari. Kinakabahan tuloy ako. Napatayo kaming lahat at kaagad namang lumapit si Ate Leah sa doctor.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)
RomanceLandon Adriven Aguilar and Terrence Mejares' LOVE STORY. NO COPYRIGHT INFRINGEMENT Copyright ©️ 2015