Chapter 34

32 3 0
                                    

Landon POV

Kaagad kaming nagsilabas patungo sa garden ng Sakamoto Hotel kung saan nakarinig kami ng nagsisigawan. Lalo akong kinakabahan. Ano ba kasing meron?

Pagdating namin sa may garden ay kaagad akong nagulat. Nakita kong sinasabunutan niu Meghan, kapatid ni Nico, si Mariella, 'yung malanding higad na sunod nang sunod kay Nico.

"Maegs, tama na 'yan!", napatakbo si Kenji sa kanila.

Si Lyndon naman ay gulat na gulat sa nangyayari kaya tumakbo na rin ako papalapit sa kanya. Kailangan kong ilayo si Lyndon.

"Landon!", narinig kong tinawag ako ni Terrence pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo hanggang sa maabutan ko si Lyndon. Akmang ilalayo ko na sana siya nang maramdaman kong may humila sa buhok ko nang hindi ko napaghahandaan. Dahil do'n ay nabitawan ko si Lyndon.

"Awww! You!", sinasabunutan na pala ako ni Mariella. Akala siguro niya ako si Lyndon.

Hindi ko napaghandaan ang pag-atake sa akin ng isang higad. Pero nanlaban ako. I also grabbed her hair at buong lakas kong hinila 'yun. Narinig kong dumaing din si Mariella pero hindi pa rin niya binibitawan ang buhok ko.

Nagkakagulo na. Nararamdaman kong hinihila ako ni Lyndon palayo kay Mariella ngunit nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Pinagsusuntok at pinagtatadyakan niya si Mariella dahilan upang mabitawan niya ako. Ang sakit ng ulo ko ha, infairness! Ngayon, humanda ka sa'king babae ka!

"How dare you!" sigaw ko tsaka sinugod si Mariella at pinagsasabunot. Ang walang hiyang babaeng 'to! Napakalandi at napakakati! Nanggigil rin ako sa babaeng 'to eh! Isa pa to sa mga dahilan kung bakit nagiging malungkutin ang kakambal ko.

Hindi lang sabunot ang inabot sa'kin ni Mariella kundi pinagsusuntok at pinagtatadyak ko rin siya. Akala niya ha! Sinimulan niya ako sa pag-aakalang ako si Lyndon kaya tatapusin ko ang buhay ng malanding ito!

Habang sinasaktan ako ang higad ay kaagad namang nakapalapit si Meghan na kanina'y hawak-hawak ni Kenji at nakikisabunot na rin. Oh my! Kawawang Mariella! Bugbog-sarado siya ngayon sa'min.

"Walang hiya ka talaga!, sigaw ni Meghan na galit na galit.

"AAAAHH! AAAHHH!", impit na sigaw ni Mariella. Halos nagkapunit-punit na ang suot nitong cocktail dress. Well! Wala akong paki! She deserves this scene.

Natigil na lamang ang kaguluhan nang may pumaitlag na galit na galit na boses.

"ITIGIL N'YO 'YAN!"

Aba! Aba! And speaking of the devil! Pa-hero effect naman 'tong pesteng hilaw na 'to. No other than, Nico Arellano. Psh!

Biglang tumaas ang kilay ko nang makita ko ang mestisong-hilaw na 'to. Ready na sana akong sugurin siya kaso pinigilan ako ni Terrence. Lumapit naman si Nico sa gawi namin kung saan nakahandusay sa bermuda grass si Mariella na ngayo'y daig pa ang inaping bruha sa itsura niya ngayon.

"Marie. Hey! Are you okay?", tila parang nag-aalala si Nico sa mangkukulam na 'yan.

"N-Nico. Pinag---tulungan ni--la ako. Huhuhu!. Dinakma ako ni Lyndon. Nagpapahangin lang naman ako dito sa may garden tapos bigla niya akong sinabunutan. Huhuhu."

Lalong kumulo ang dugo ko sa narinig ko mula sa bruhang 'to. War freak ang kakambal ko pero hinding-hindi siya nangunguna sa gulo. Pakshit 'tong babaeng to ha! Napakasinungaling!

Ang sama-sama ng tingin ni Nico sa kakambal ko. Hinding-hindi ako makakapayag na saktan niya si Lyndon at maniwala sa kasinungalingan ni Mariella!

"Ano ba talaga ang problema mo!", sinigawan ni Nico si Lyndon.

Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon