Landon POV
Dito muna ako nanatili sa condo unit ko dahil feel ko lang. Mamamatay din naman ako sa kawalang-tao ng mansyon. Ang tanging tao lang naman doon ay ang mga katulong, at si Kuya Lyndon. At least naman lang ma-monitor ko ang condominuim unit ko.
Tapos na akong magluto nang biglang may narinig akong nag-buzz. Siguro si Terrence na 'yun dahil tumawag siya sa'kin. Pupuntahan raw niya ako dito. Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa'king harapan ang isang napakalungkot na Terrence. Sa puntong 'yun, bigla niya akong niyakap at narinig ko ang mga paghikbi niya.
"T-Terrence? Bakit?", gulat na tanong ko.
"Landon, ang sakit-sakit!", sabi niya habang nakayakap pa rin sa'kin.
Hinayaan ko na muna siya na nakayakap sa'kin. Parang nasasaktan rin ako sa kanya. Kuya Lyndon naman kasi eh. Ang O.A. na niya ha. Sasapakin ko na talaga 'yung kakambal ko na 'yun.
Siyempre joke lang 'yun. Kakausapin ko talaga 'yang si kuya. Sincere na nga 'yung tao na mabalik ang dating pagkakaibigan nila tapos umiiral ang pagiging over-acting niya. Sabagay, baka malaki ang impact kay Kuya Lyndon. Oo, wala akong karapatang mamagitan sa kanila pero at least man lang makausap ko ang kakambal ko regarding sa kanilang dalawa. Nakikinig naman sa'kin si Kuya Lyndon eh.
Hinagod ko ang likod ni Terrence. Napi-feel ko ang ABS niya sa may tiyan ko. Shems! Ang tigas! Yummy. Rawr!
So alangan namang mag-standing position kami hanggang bukas nito, siyempre kumalas na siya ng pagkakayakap sa'kin at pinatuloy ko muna sa loob. Ang cute ni Terrence kapag umiiyak. Lalo siyang gumagwapo sa paningin ko. Aish! Ano ba 'yan!
"Nagkita kami kanina Landon.", sabi ni Terrence na gumagaraltal ang boses.
"Kaya ba umiiyak ka dahil hanggang ngayon galit pa rin sa'yo ang kapatid ko?", tanong ko sa kanya.
Tumango lang siya. In all fairness ha, ang haba ng hair ng kakambal ko. Iniyakan na siya ng isang lalake samantalang ako eh wala talaga. Ang taray ni Lyndon Adrian Aguilar. Mapektusan ko nga mamaya ang kakambal ko. Dejoke lang.
Lumapit ako sa kanya at tinapik ang balikat niya.
"Michael este Terrence, 'wag ka nang umiyak. Hindi bagay sa isang lalake ang umiyak 'no. Nagmumukha ka lang bakla. Promise. At isa pa, 'wag mo ngang iniiyakan 'yang kakambal ko. Hindi pa naman patay 'yun. Excited ka naman masyado eh. Isa pa, wag mong ipakita sa kanya na iniiyakan mo siya.", sabi ko sa kanya na may halong nakakatawa.
Medyo ngumiti siya. Hayan, effective yata.
"Bakit mo naman nasabi na 'wag kong ipapakita sa kanya na iniiyakan ko siya?", tanong niya.
"Kasi baka humaba lalo ang hair ni Kuya Lyndon. Alam mo naman 'yun, kinikilig din ang bruhildong 'yun 'no. 'Yung kakambal kong 'yun, ang daming friendster na mga gwapo. Aba't magaling mamingwit ang koyang mo. Hmmp! Hindi man lang niya ako masyadong ipinakilala sa iba pa niyang mga fudo ever na mga friendship. Ang daya talaga niya. Hmmp!", sabi ko with kalokohan.
Nakita kong natatawa sa'kin si Terrence. Oh hayan. Effective. Magaling din pala ako sa patawa. Pwede na akong mag-audition bilang comedian. Hahaha.
"Patawa ka talaga Landon. Pareho talaga kayo ni Lyndon eh. Magaling din magpatawa 'yun.", natatawang sagot ni Terrence. Kung kanina umiiyak 'yan. Ngayon, tumatawa na. Ang galing ko talaga.
"We're not magkapareho kaya. Siguro sa face we're magkamukha because we are kakambal but I'm so magaling pa rin sa pagpapatawa 'no. Kuya Lyndon is sometimes corny like duh!", hayan, nagko-conyo na naman ako. Eh sa feel ko eh.
"Promise. Magkapreho lang. Kambal nga kayo. Teka nga pala. Bakit Michael ang tawag mo sa'kin kanina?", naitanong niya. Seriously? Natandaan niya? Hanep sa memory 'tong si Terrence.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)
RomanceLandon Adriven Aguilar and Terrence Mejares' LOVE STORY. NO COPYRIGHT INFRINGEMENT Copyright ©️ 2015