Chapter 40

53 2 0
                                    

Landon POV

"A-Aldrin?"

Ultimo'y para akong nakakita ng multo. Hindi ko napaghandaan ito. Matagal ko na siyang binura sa buhay ko. Ni hindi ko na nga ikinwento kay Terrence ang tungkol sa kanya. Hindi na siguro niya kailangang malamn pa ang aking nakaraan. Sapat na 'yung alam niyang si Renz at Jolrean ang kinahumalingan ko noon.

"Landon.", parang naiiyak si Aldrin nang makita ako o baka naman imahinasyon ko lang 'yun.

Akmang lalapit siya sa'kin pero pinigilan ko siya.

"'Wag na 'wag kang lalapit sa'kin!", pagbabanta ko sa kanya.

"Landon, alam mo bang na-miss kita? Isang taon kitang hinanap pero hindi kita mahagilap. Kahit social medias ay hindi kita mahagilap. Landon, please patawarin mo ako. Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa'yo no'ng iwan kita. Aaminin ko, nagalit at pinandirihan kita noon no'ng malaman kong mahal mo ako kaya ako umalis at iniwan kita pero sising-sisi ako sa ginawa ko, Landon. Lumpias ang mga panahon ay na-realize ko ang lahat. Na dapat hindi kita iniwan noon at noong panahong umiiyak ka ay dapat ako 'yung umaalo sa'yo. Landon, please...", pagsusumamo ni Aldrin.

Pinikit ko ang aking mga mata hindi dahil na-touch ako sa mga pinagsasabi niya pero dahil sa poot na nararamdaman ko sa kanya.

"Akala mo ba ganun lang kadali 'yun, Aldrin? Pwes nagkakamali ka! Huli na ang lahat para sa'tin, Aldrin! Dahil pinagsisisihan ko na minahal kita noon. Wala kang paninindigan alam mo ba 'yun? Hindi mo na maibabalik pa sa dati ang lahat! Wala na, Aldrin! Wala na! Dahil hindi na kita mahal! Maalala ko lang na minahal kita pitong taon na ang nakakalipas ay talagang nandidiri ako! Ang kapal naman ng mukha mo! Huli ka na, Aldrin Estonina! Dahil wala ka nang babalikan pa!", sumbat ko sa kanya at akmang tatalikuran ko na siya nang mahawakan niya ang braso ko.

"Bakit? May mahal ka na bang iba? Sabihin mo sa'kin, Landon! Meron na bang ibang nagmamay-ari ng puso mo?", may halong panghihinayang sa boses ni Aldrin.

Medyo pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid.

"B-Bitiwan mo ako!", sigaw ko at nagpumiglas hanggang sa bitawan ni Aldrin ang braso ko.

"Oo Aldrin! May mahal na akong iba! At para sabihin ko sa'yo, mahal na mahal din niya ako! Kaya heto ang tatandaan mo! 'Wag na 'wag mo nang akong guguluhin dahil matagal na kitang binura sa buhay ko!", sigaw ko.

Tumalikod na ako at akmang aalis nang muling magsalita si Aldrin.

"Gagawin ko ang lahat, Landon. Ako ang mahal mo noon at sisiguraduhin kong ako pa rin ang mamahalin mo sa huli."

Mukhang nagbabanta si Aldrin. Kinilabutan ako sa mga sinabi niya. Hindi na ako lumingon sa kanya at tuluy-tuloy na aking paglalakd. Kailangan kong makalayo sa kanya. Sobra akong kinilabutan. Diyos ko! Pwede bang magka-amnesia ako sandali at makalimutan kong nakita ko ulit sa araw na ito si Aldrin?

Bigla tuloy sumama ang pakiramdam ko.



Kinagabihan ay itinuloy ko ang njight out party namin sa mansyon together with the barkadas and pinsan. Hindi ko naman pwede iudlot ang naplanuhang night out ngayon nang dahil lang lang pesteng Aldrin na 'yun. I won't let him ruin my night.

"Food is ready!", sigaw ni Anthony.

Mukhang siya yata lahat ang nagluto ng pagkain. Chicken adobo lang yata ang naluto ko. In all fairness, magaling magluto si Anthony. Ang swerte ng mapapangasawa nito kung nagkataon.

"Nandiyan na ba lahat?", tanong ko.

"Yes. Nandiyan na lahat. Si Terrence na lang at tsaka si Rikki ang kulang. Si Clarence pa pala at tsaka si Richard. Nandiyan na ang silang lahat maliban sa apat na unggoy na 'yun.", sagot naman ni Anthony.

Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon