Landon POV
I had a great time talking and bonding with Terrence and Rikki here. Naikwento na rin pala ni Rikki ang friendship status nila ng kakambal ko. How sad kasi sinisisi niya ang sarili niya kung bakit nawasak daw ang friendship nila. But I respond in a positive way. Alam kong isa rin siyang sincere na maibalik ang pagkakaibigan nila ng kakambal ko. Nasa cafeteria nga pala kami.
"Ang bait mo naman pala, Landon. Tama nga si Terrence. Ang bait mo.", puri sa'kin ni Terrence.
Napangiti ako. Mabait din naman pala 'tong si Oliver este si Rikki. Naman kasi eh, may hawig nga naman sila ni Oliver Posadas ng Chicser.
*beep*
May text akong natanggap.
"Wait guys ha. Babasahin ko lang.", paalam ko sa kanila.
I unlocked my phone and then read the message. Baka si Kuya Lyndon 'to or mga friends ko.
From: +639261122334
Hi Landon. See you soon. Missing you so much. I got your number from a friend. :)
O_o
Huh? Sino naman kaya 'to? May pa-missing you so much pang nalalaman ang baliw na'to. Na-curious ako bigla pero hindi ko na lang ni-reply-an. Baka manloloko lang 'to or what. Hindi na ako magtataka dahil marami naman talaga ang nakakakilala sa'kin---sa'min because of the status of our family.
"Landon, bakit?", naitanong naman ni Terrence.
"H-Huh? Wala 'to. Wrong sent ang nag-text sa'kin.", sabi ko naman.
Hindi ko na lang pinansin 'yung text.
~~
Nakauwi na ako sa mansion. Alas singko pa lang naman ng hapon pero wala pa ang kakambal ko. Baka nagdi-date sila ngayon ni Nico. Hay naku. Date pa more. Malapit na ang 23 at wala talagang forever. Dejoke! Ang bitter ko naman hahaha!
Anyways, pumasok muna ako sa kwarto ko at may kinuha lang naman sa ilalim ng kama ko. Well, isa lang naman 'yung lumang baul. Kukunin ko doon lahat ng mga gamit na pangkulam. May kukulamin lang ako. Dejoke! Excuse me, hindi ako mangkukulam. Hahaha!
Seriously, baul talaga ang kinuha ko. Hahanapin ko lang doon ang isang bagay na once na nagpasaya sa'kin 6 years ago. Uy grabe ha. Six years na ang nakalipas. Yeah, isa lang naman 'yung diary. Ang diary na naisulat ko noon dahil sa sobrang kabaliwan ko noon sa kanya.
Sa tingin niyo nagto-throwback ako? Well, you're wrong. May inipit akong kwentas doon. 'Wag nga kayo. MMK lang ang peg ganern? Ay 'wag na! Nakaka-mema lang. Psh!
So hayun nga, sa paghahalungkat ko ay nakita ko doon ang isang picture frame. Nang mahagilap ko ito ay picture pala naming dalawa. Bigla akong nakaramdam ng kirot dito sa puso ko nang maalala ko na naman ang nangyari six years ago. 'Yung feeling na ni-reject niya ako dahil hindi niya ako kayang mahalin dahil nga sa bakla ako. Hayst! Na-miss ko siya, oo. Pero anong magagawa ko? Hindi ko na siya nakita. Alam niyo kung bakit? Umalis siya nang dahil sa'kin. Binlock niya yata ako sa facebook or nag-deactivate siya. Hindi ko na alam. Heto ang hinding-hindi ko makakalimutang line niya six years ago sa'kin.
"Hindi kita kayang mahalin, Landon. Walang lalakeng magtatangkang mahalin ka dahil sa gender mo. Mabait ka namang tao eh kaso hindi ko kayang mahalin ka kagaya ng ipinapakita mo sa'kin. To tell you honestly, nandidiri ako sa'yo. 'Wag ka nang magpakita sa'kin, please. Aalis ako at hindi mo malalaman kung nasaan ako. Don't you ever try to find me, Landon. I want you to stay away from me from now on."
Hindi ko namamalayang tumutulo na pala ang luha ko. Loving him is the best accident happened to my life. Akala ko no'ng una, matatanggap niya ako at ang pagmamahal ko sa kanya pero nagkamali ako. Itinulak niya ako palayo at pinandirihan na para bang ako ay may isang sakit na nakakahawa at wala nang lunas. Nabalitaan ko na lang sa mga kaibigan niya na umalis na nga siya ng bansa. Hindi ko na lang din tinanong kung saang bansa siya mamamalagi. Pero 'yun ang pinakamasakit na araw na nangyari sa'king buhay, and that was six years ago.
But now, six years had passed by and I need to forget about him. Hindi ko na rin siguro siya makikita dahil siya na nga mismo ang lumayo sa'kin 'di ba? Hindi na siguro hahayaan ni Lord na magkita pa kami. I need to move on. Hay 'yan tuloy! Sabi ko hindi ako mag-aala-MMK, right? Aish!
Binalik ko sa baul ang picture frame dahil kumukota na ang alikabok sa ilong ko. Ano ba 'yan! May alikabok na ang laman ng baul ko. Pero hindi naman makapal ang alikabok. Slight lang.
Sa wakas at nahanap ko na rin ang diary ng baklang walang forever, hahaha. Ay char lang! Yeah, nahanap ko na siya and I'm so thankful dahil nandoon pa ang kwentas. It is a silver-coated necklace na nabili ko lang sa UniSilver. Uy 'wag ka! Php3,560.00 ang bili ko dito hahaha. In all fairness, mahal pa rin siya 'no.
Hindi ko na binasa pa ang laman ng diary ko. Ay 'wag na baka mag-MMK part two pa ako, 'langhiya!
So hayun, kinuha ko siya at isusuot ko itong muli. Six years kong hindi sinuot 'to dahil may sentimental value sa'kin 'to eh.
Hay ano ba 'yan! Mula sa simpleng pagkuha ng necklace ay napunta agad ang peg ko sa kadramahan. 'Langhiya naman talaga oh.
So hayun, binalik ko na ang diary ng baklang walang forever sa luma at maalikabok ko nang baul na pagmamay-ari pa yata ni Dagul no'ng unang panahon. Hahaha.
Sinuot kong muli ang necklace. Medyo amoy-alimuom siya punyemas! Amoy-matanda 'lang hiya! Huhugasan ko nga muna. Aish! Baka mangamoy-alimuom rin ako nito. 'nak ng sardinas na hilaw naman oh! Aish!
Binabad ko muna siya sa tubig na may sabon para naman bumango siya. Tsk!
Maya-maya lang ay nag-beep muli ang phone ko. I checked it out first.
From: Terrence
Let's have a date tonight, Landon. I want you to be my Valentines date tonight. Romance Paradise Restaurant at 7:30 pm. :) See you there, my love.
OMG? Like totoo ba talaga? Terrence wants me to be his Valentines date? For the first time in forever, may ka-date na ako sa Valentines Day, as in 'yung ako talaga ang dini-date sa Valentines. This would be my special day then. Nayaya na rin naman ako ni Jolrean ng date kaso nga lang hindi 'yun Valentines day. Oh my! Kailangan ko palang maghanda ng sarili ko for tonight. Yay! Nakaka-excite at nakakakilig naman. I am so excited. Si Terrence na 'yan oh, asking for a date with me. Ayieh! So nakakakilig talaga.
So may forever na ba ako? Hahaha. Date lang naman 'to eh. Not just a date, but a Valentines date. Hehe.
Well, I tapped a reply.
To: Terrence
Yes sure Terrence. I really wanted to. Thanks. Gonna fix myself first. See you later. :)
Then I send it. Hindi nawawala ang ngiti sa labi ko. Excited na me. Yey!
A/N: Yay! Congrats Landon! Hehehe. :)
Anyways, Congratulations Pia Alonzo Wurtzbach for being the Miss Universe 2015. After Gloria Diaz (Miss Universe 1969) and Margarita "Margie" Moran (Miss Universe 1973), 42 years of waiting, you take home the crown. Yey! Proud Filipino and Cagayanon here :)
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)
RomanceLandon Adriven Aguilar and Terrence Mejares' LOVE STORY. NO COPYRIGHT INFRINGEMENT Copyright ©️ 2015