One year later....
Terrence POV
Maaga akong nagising sa tunog ng alarm sa cellphone ko. Napabalikwas ako ng bangon dahil alas syete na pala ng umaga at kailangan ko pang maghanda papuntang airport. Ngayong araw na'to ay uuwi na si Landon. After 1 year ay makakasama ko na ulit siya. Bigla akong napangiti. How I missed him so much. Sa skype at messenger ko lang siya nakakausap o minsan naman ay tumatawag siya overseas.
Tapos nakakagaan lang sa loob dahil binalita niya sa'kin na okay na si Lyndon. Fully recovered na siya at anytime ay pwede na siyang makauwi dito sa Pilipinas. Successful ang heart transplant surgery niya. Masaya lang ako dahil hindi na mahihirapan pa si Lyndon dahil magaling na siya. At mas lalo akong masaya dahil uuwi na rin si Landon saw akas.
Ready na akong umalis nang masalubong ko si Clarence sa baba. Sasama kasi siya sa'kin ngayon sa airport dahil syempre, bestfriend niya si Landon.
"Kuya, sandal na lang talaga at maglalagay lang akong perfume para naman mabango ako mamaya hahaha!", turan pa ni Clarence.
Napailing na lang ako. Ewan ko sa'yo Clarence.
Nauna na nga pala sina Kenji, Jolrean, Albert, at Earl sa airport. Syempre, magpapahuli pa ba ang mga 'yun?
Ngapala, si Landon lang ang mag-isang uuwi ngayon dahil may mga naiwan pa siyang mga mahahalagang bagay dito sa Pilipinas na kailangan niyang asikuhin. Syempre, isa na ako doon hehehe.
"Ang tagal mo naman, Clarence. Pupuntahan pa natin si Rikki dahil sasama din 'yun. Ang kupad mo talagang gumalaw, Clarence!", sigaw ko sa kapatid kong tukmol. Ang bagal-bagal talagang kumilos. Daig pa ang babae.
"Ayan na Kuya!"
Napailing na lang ako.
Nasa bahay na kami nina Rikki. Good thing ay nakabihis na lang siya at kami na lang ang hinihintay.
"Tagal mo naman, Terrence!", reklamo ni Rikki.
"Tanungin mo 'yang kapatid kong parang babae kung kumilos.", sabi ko sabay turo kay Clarence na ngayon ay busy sa kakalikot ng kanyang cellphone.
"Hay naku, Clarence. Kahit kailan talaga.", turan ni Rikki pero parang hindi siya naririnig ng kapatid ko kasi nga busy sa kakalikot ng kanyang cellphone.
"Excited na akong makita si Landon. Na-miss ko talaga siya lalong-lalo na si Lyndon. Sayang at hindi sila sabay na makakauwi pero sige lang. Baka kailangan pa rin talaga ni Lyndon ng kaunting pahinga bago siya makauwi ng Pilipinas.", wika ni Rikki.
Napangiti na lang ako. Hindi ko makakalimutan ang reaksyon ni Rikki nang malaman niyang successful ang operation ni Lyndon. Halos wala siyang tigil sa kakasambit ng 'thank you, Lord'. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatawa sa reaksyon niya.
Nasa airport na kami at nakita ko na doon sina Kenji, Jolrean, Earl at Albert na kanina pa nandito.
"Sa wakas at nandito na ang boyfriend ni Landon.", salubong sa'kin ni Earl.
Medyo nahiya pa ako. Pinsan kasi 'to ni Landon eh at alam ko kung gaano ka protective si Earl sa mga pinsan niya lalo na't nag-iisang anak lang siya. Tinuturing niya na mga kapatid ang mga pinsan niya.
"Kumusta, bro?", tanong ko kay Earl.
"Okay lang. Excited na rin dahil uuwi na si Landon. So, how's your relationship with my cousin?", si Earl.
"Sobrang ayos, bro. Kahit LDR ang labas naming ay hindi pa rin nawawala ang communication at syempre, ang feelings.", sabi k okay Earl.
Nag-thumbs up si Earl. Suportado niya ang relasyon namin ni Landon.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)
RomanceLandon Adriven Aguilar and Terrence Mejares' LOVE STORY. NO COPYRIGHT INFRINGEMENT Copyright ©️ 2015