Chapter 30

45 2 0
                                    

Landon POV

Nagkakasayahan na ang lahat. May mga pa-games para sa mga bata and even adults. Nasa tabi ko ngayon si Lyndon at nakaupo kami sa harapan. Para kaming dalawang hari na magkamukha na nakaupo sa kanilang mga trono. Pareho kaming natatawa ni Lyndon dahil ang kukulit ng mga kaibigan namin. Tawang-tawa talaga kami nang makita namin si Kenji na halos hinahabol at dinudumog na ng mga bata dahil sa dala niyang mga chocolate bars.

Kinikilig naman ang mga kababaehan sa pagkanta ni Anthony sa harapan. 'Yung tipong halos mangisay na sila sa kilig. Napailing-iling naman ako. Samantalang ito namang si Jolrean ay halos hindi na maitsura ang mukha. Dinudumog na kasi siya ng mga girls at mga feeling girls. Napatingin siya sa gawi namin ni Lyndon at natawa kami sa kanya. Sorry Jolrean. Ang gwapo mo kasi kaya hayan. Hahahaha!

Halos kiligin naman ako nang makitang isinasayaw ni Richard, kapatid ni Rikki ang kinakapatid kong si Iris. Bestfriends sila pero I find them so bagay.

Napatinigin ulit ako kay Lyndon. Nawala na naman ang ngiti niya. Sa tuwing nakikita ko na nawawala ang kanyang ngiti ay naaalala ko na naman ang mababaw na dahilan ng hinayupak na Nico na 'yun. Like what the fudge? Makikita ng Nico na 'yun at talagang sisipain ko ang bayag niya kung meron pa siya non. Grrr! Kagigil!

Tiningnan ko naman si Terrence na ngayon ay nakatingin kay Lyndon. Napabuntong-hininga na lang ako. Kahit pa sabihin nating mahal ako ni Terrence ay hindi pa rin maiaalis sa kanya ang mag-alala sa kakambal ko. Mas malalim ang kanilang pinagsamahan kesa sa'kin kaya hindi ko 'yun maiaalis sa kanya.

Clarify ko lang. Hindi ako nakakaramdam ng pagseselos sa kakambal ko. Mahal na mahal ko si Lyndon kahit na anong mangyari. Never pa kami na nag-away na dalawa except na lang na minsan ay nagsasabunutan kami. Part ng lambingan namin 'yun as magkapatid at magkakambal. Isa pa, mas inaalala ko ang kanyang kalusugan dahil sa aming dalawa, siya ang may pinakamalalang sakit sa puso kay ingat na ingat kaming lahat sa kanya. At itong si Nico ay makakalbo ko na talaga. Ayokong nagiging malungkutin si Lyndon dahil nakakasama sa kanya 'yun. At kapag may nangyaring masama kay Lyndon, malilintikan sa akin ang Arellano na 'yun kasama 'yung bitch niyang girlfriend.

~~

Still the party is on-going. Kasama ko ngayon si Clarence at nasa labas kami ng mansyon, sa may garden.

"Mahal mo ba ang kuya ko, Landon?", tanong sa'kin ni Clarence.

Kaagad naman akong napalingon sa kanya. Anong sasabihin ko?

"Bakit mo naman naitanong?", sagot ko.

"Wala lang. Sagutin mo na lang kasi 'yung tanong ko.", sabi niya na medyo natatawa.

"Hindi pa naman ako sigurado eh. Pero alam mo 'yung feeling na kapag kasama ko siya ay masayang-masaya ako. 'Yung kakaibang nararamdaman mo sa tuwing nagkakalapit kayo. Saka 'yung feeling na kinikilig ka kapag tinititigan ka niya. Tapos ang lakas ng kabog ng dibdib mo sa tuwing hinahawakan ka niya. Mga ganun.", wika ko kay Clarence.

Ngumiti naman siya. 'Yung ngiting nang-eechos.

"Mahal mo nga ang kuya Terrence ko.", sabi niya.

Ganun ba 'yun? Sabagay minsan na rin akong nagmahal kaso sa maling tao nga lang. Naramdaman ko naman ang pamumula ng pisngi ko. Letche ka, Clarence! Sa lahat-lahat ng pwede mong i-topic ay 'yun pa. Kagatin ko'ng braso mo eh.

"Landon, matanong ko lang. Naaalala mo pa ba si Aldrin?"

Napantig ang tenga ko do'n ah. Kaagad akong napalingon kay Clarence. Papa'nong makakalimutan ko si Aldrin Estonina, ang lalakeng una kong minahal 6 years ago. Pero naka-move on na ako sa lalakeng 'yun. Wala na rin akong balita sa kanya at isa pa, hindi naman na kami friends sa facebook kasi binlock ako ng animal na 'yun. 'Kala mo kung sinong gwapo eh mukha naman siyang kuko.

Sana Ako Na Lang (Boys Love Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon