Chapter 4

938 26 4
                                    

F O U R









"Mukhang maganda gising natin jan ah." Naka ngising asar sa akin ni Juliana. Nandito kasi kaming dalawa sa cafe ni ate Elle dahil nag aaya tong isa na kumain at nag c-crave daw siya sa vanilla cake na ino-offer dito sa Vee Cafe.

"I found my future wifey, Juliana." Naka ngiting saad ko sa kanya. "And I'm planning to make a move. Para naman may progress ang relasyon naming dalawa."

I will do anything to my power para maging akin ka Miss Sanchez.

"At sino naman yan?" Naka taas na kilay na tanong niya sa akin.

"Basta. Mamaya malalaman mo din." Sabi ko sa kanya at inumpisahan ng punasan ng tissue ang tinidor at binigay sa kanya bago niya gamitin.

"Thank you, Mira ko" Sabi niya sa akin at kinuha ang tinidor na binigay ko sa kanya at inumpisahan niya ng lantakan ang vanilla cake na kanina niya pa gusto kainin.

"kamusta na pala si Tita?" Tanong ko dito sa kanya. dinala daw kasi si Tita sa Hospital at na himatay nga daw dahil sa stress na nangyayari sa pamilya nila na dala ng Daddy niya.

"Okay? Na hindi okay? Hindi ko alam Mira. Parang nag bago si Mommy simula nung lumabas ang baho ng magaling kong ama." Malungkot na saad niya at kita din dito sa mata niya ang galit ng binanggit niya ang salitang ama. "Hindi ko na alam ang gagawin ko Mira sa totoo lang. Alam ko pinapakita lang ni Mommy na matatag siya at wala lang sa kanya yung mga nag silabasan na issue. pero ang totoo durog na durog na siya sa mga issue na to." Dagdag niya.

"Hey. Im always here okay? I always have your back." Pag aalo sa kanya at hinawakan ang kamay niya at pinisil ito para malaman niyang seryoso ako sa sinasabi ko.

"I know. malakas kaya ako sayo" Sabi niya at kumindat pa sa akin. Umiling-iling na lang ako sa kanya at kumuha ng tissue at pinunasan ang icing na nasa gilid ng kanyang labi.

"Para ka talagang bata kumain" Pa ngangaral ko sa kanya na dahilan para tumawa siya.

"Para namang hindi mo ako baby dati" Pang-aasar niya sa akin.

"Dati. Hmp. Dati." Sagot ko sa kanya na kinatawa niya.

"I didn't know na nandito kayo. Wala ba kayong klase?" Umangat ang tingin ko at nakita ko ang pinsan ko na parang wala sa mood ngayong umaga.

"Hi, couz! Good morning!" Bati ko sa kanya at hinalikan siya sa pisnge. Binigyan naman niya ako ng tango at pilit na ngiti at bumaling kay Juliana na ngayon ay nabilaukan sa kinakain niya.

Agad ko naman itong nilapitan pero na una na si ate Elle at binigyan siya ng tubig at hinimas ang kanyang likod.

"Tsk. Stupid." Sabi niya dito na kinapula ng mukha ni Juliana.

Something fishy

Tiningnan ko naman ang wristwatch ko at pakshet 8:25 am na pala.

"ate Elle, ikaw na bahala kay Juliana ah. Malalate na ako." Sabi ko dito at umalis na agad.

Pinaka ayoko pa naman ang malate sa klase, lalo na kung ang mapapangasawa ko ang unang subject teacher ko tuwing umaga. Baka ma-turn-off pa honey, my love so sweet ko sa akin.
























































Hingal na hingal akong tumigil sa tapat ng pintuan namin at tiningnan ang wristwatch ko at pucha late na ako. 8:45 am na. Inayos ko naman ang sarili ko para prisintable ako sa harap ng future wife ko.

Addicted Love (VALENTINE SERIES #1)Where stories live. Discover now