Chapter 37

532 16 1
                                    

T H I R T Y - S E V E N












Ilang araw ng sobrang higpit ng Unibersidad, kung dati ay sapat ng makita ang i.d lace mo na dito ka talaga nag aaral. Ngayon ay mismong i.d na ang chinicheck para masigurado na ikaw ang nasa picture na yun.

Mga nakaraang araw din ay may pinabago si Faye sa Unibersidad na kailangan mo pang i-tap ang i.d mo para ma-scan ang i.d mo at lalabas sa monitor ng guard kung anong course and year ka at kung registered student ka ba dito.

Para iwas na din daw ng paparazzi sa loob ng school, ilang araw ko na din na hindi kinikibo si Nicolas kahit na nag a-attempt ito na makipag-usap sa akin o sa iba kong pinsan.

Habang nag lalakad ako pa punta sa aming room ay nakita ko na agad si Juliana at si Iris sa labas at kausap sila Bianca at Jade.

"Ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila ng makalapit na ako sa pwesto nila.

"Finally! Nandito ka na." pag tataray ni Iris sa akin.

Langya! Ang aga-aga nag susungit na agad.

"Good morning, ah!" pag uyam na bati ko sa kanya.

"Ano ba kasi ang ginagawa niyo dito?" Pag uulit na tanong ko sa dalawa.

Nag kamot naman ng batok si Iris na mukhang stress na stress na sa ginagawa niya, this past few days kasi sobrang busy niya na dahil sa nalalapit na pride month ng Unibersidad.

At bilang USC President ay siya mismo minsan nag aasikaso lalo na kung palpak ang mga members niya.

"Wala kasing mahanap ang mga inutusan ko na mag perform sa nalalapit na Pride month event ng Uniberisdad." pag uumpisa niya na agad namang kinataas ng kilay ko.

"Ikaw na pili ko na mag pe-perfo--"

"Bat ako? Ayoko!" agad na pag protesta ko sa kanya. "Anjan si Jade." naka nguso kong saad sa kanya.

"Hindi na ako pwede te, mag uumpisa na yung training ko." agad na saad ni Jade sa akin. "At ikaw na lang satin nila Bianca ang wala pang sinasalihan no!" Agad naman ako na pa busangot.












"Class dismissed."

Pag kalabas na pagka-labas ni Miss Jimenez ay agad akong tumayo sa kina-uupuan ko para mag unat-unat. Dahil para atang nanigas ang aking buto sa pa long quiz ni Miss Jimenez sa amin.

Sino ba naman kasing nasa tamang pag-iisip na matutulog during classes ni Miss Jimenez, edi ayun imbis short quiz lang. Ayun! Na badtrip at nag pa long quiz ng wala sa oras.

"Bobo kasi ni Kale eh, na tutulog sa klase pa mismo ni Miss Jimenez." Asik ng kaklase namin sa kanya.

"Bianca wag mo na nga ito pansinin, pag nag papansin sayo tong si Kale." panunukso ng isa naming kaklase dito, may gusto kasi tong si Kale kay Bianca since 1st year college pa kami. Pero ang sisteret, hindi niya daw bet.

"Hindi talaga! Sumakit utak ko at gamit na gamit braincells ko sa pa long quiz ni Miss Jimenez." Pag sasakay ni Bianca sa pang-aasar kay Kale.

Umiling-iling na lang ako sa kaingayan ng mga kaklase ko at syempre nangunguna boses ni Bianca at Jade sa kaingayan.

Na isip ko pa lang na nandito si Juliana, jusko! Isa din yung naka lunok ng microphone ang bunganga.

Napa pa tawa na lang din tuloy ako, dahil na kakahawa yung tawa ni Jade na akala mo sealion dahil may kasama pang palakpak habang na tawa.

"Mira, can we talk?"

Ang kaninang maingay dahil sa tawanan ay ngayon na palitan ng tahimik at bulong-bulongan.

Addicted Love (VALENTINE SERIES #1)Where stories live. Discover now