Chapter 5

984 30 3
                                    

F I V E












"Amira anak? Tapos ka na ba mag-ayos?" Katok ni Mommy sa pintuan ko, sakto lang din naman at tapos na ako mag ayos ng sarili ko. Tiningnan ko lang ulit ang sarili ko mula ulo hanggang paa kung okay na ba talaga ang ayos ko.

I just wear a simple but elegant bodycon dress with a printed bamboo pattern, featuring a beaded decor and an elastic halter neck, which enhances the waistline and highlights my figure. Nag dala na din ako ng crop-top na cardigan in case lamigin ako since sa garden gaganapin.

May family dinner kasi kami ngayon sa bahay nila Lola at Lolo kaya nag aayos ako, masyado kasi silang strikta at strikto sa lahat ng bagay. Kaya naman pag kasama namin sila ay para kaming ibang tao mag pipinsan para kaming anghel na napadpad lang sa mundo ng mga tao.

Binuksan ko na ang pintuan ng kwarto ko at bumungad si Mommy sa harap ko. Nginitian ko ito at humalik sa kanyang pisnge.

"Let's go? Nag aantay na sila Daddy mo sa baba" Aya sakin ni Mommy kaya naman tumango ako dito at pumulupot sa kanyang braso.

"Napa aga ata uwi nila Lola, anong meron? Akala ko dalawang buwan sila sa Spain." Tanong ko kay Mommy habang pababa na kami. Hindi naman sa ayaw ko na nandito sila Lola, hindi kasi ako makagalaw ng maayos kung nandito sila. Limitado lahat ng galaw ko kasi may mga mata siya sa paligid pag nandito siya sa Pilipinas.

"Hindi ko din alam nak, may importante din daw na sasabihin e." Kibit balikat na sagot ni Mommy sa akin.

Ano kayang importante ang sasabihin nila Lola at na pa uwi sila ng maaga dito sa Pilipinas. Kung ano man yun sana hindi ako ma-stress hehe. Iba pa naman takbo ng utak nun minsan hehe.


































"Wow! Mira! Babaeng babae ang pormahan natin ngayong gabi ah. Parang hindi nang harana sa propesora nung Friday!" Maingay na bungad ni Jade sa akin, andito kasi ako ngayon sa sala dahil sila Daddy nasa office nila Lola kasama sila kuya Aki may meeting ata sila.

"Ang ingay mo Jade" Masungit na suway ni Iris sa kanya. Itong isang pinsan ko na to parang laging may dalaw ang kiffy. Apaka sungit.

"Lah? Nag salita ang isa pang tirador ng teacher" Asik ni Jade sa kanya pero tinapunan lang siya ng masamang tinigin ni Iris.

Teacher? Who? How? Why? When? Charet.

"As if... I don't even like her." Mataray na sagot ni Iris sa pinsan namin.

Her? So babae? Hahaha. Bakla talaga.

"Her? So babae?" Panunukso kong tanong sa kanya. Agad naman siyang umiwas ng tingin sa amin at nag paypay ng sarili gamit ang kamay niya.

"My goodness ang init-init." Sabi niya habang pinapaypayan ang sarili at hindi pinansin ang tanong ko.

"Paanong mainit? Eh, naka maxi backless dress ka" Pang aasar ni Jade sa kanya. Minsan itong si Jade may pag ka-gago din pero tiklop naman kanila Lolo at Lola hahaha. Syempre kasama na ako dun sa mga tiklop na yun.

"Huy! Wonderpets! Tara na at sa garden na natin sila Daddy antayin" Tawag samin ni Ate Elle, ewan ko ba jan kay ate Elle at wonderpets tawag niya samin. Mag ka iba talaga sila ng ugali ng kapatid niya kung si Iris may cold aura ito naman si Ate Elle kabaliktaran minsan may sapak, minsan wala depende na lang pag nanjan si Juliana. Sinusungitan ako minsan.

Addicted Love (VALENTINE SERIES #1)Where stories live. Discover now