T H I R T Y - T H R E E
"Jade parang tanga. Ang sakit na ng leeg ko dito." Inis na turan ko sa kanya, nandito na kasi kami sa private hotel resort na pag mamay-ari ng pamilya namin.
Dito kasi gaganapin ang company anniversary, kaya ito kami ng mga pinsan ko picture kung saan-saan, tapos na din kasi kami ayusan at simple lang naman yung na pili kong susuotin.
Long gown lang na satin black na ang pang laban ay ang aking hindi gaanong kalakihan at kaliitang hinaharap. Tapos tinali ko at pina-ikot ko lang ang buhok ko, simple pero elegante namang tingnan.
"Kumalma ka. Kailangan mong gandahan ang pag aura jan at diba i-sesend mo pa kay Miss Sanchez to."
Hindi naman ako makareklamo kasi ginusto ko din naman ito, paano ba naman simula pa kagabi ang pag uusap namin ni Faye.
Kung hindi ako nag kakamali ay mga 8 pm pa ng gabi ay maaga na ako nakatulog dahil sa pagod kakasali sa laro at kaka-assist sa mga cute na mga bata nung birthday ni Bailey kahapon.
"Ayan! Ganyan ka lang, maganda yung sinag ng araw jan." Pang-uuto ni Jade sa akin at dahil ako naman ay isang uto-uto ay hindi na ako gumalaw.
"Perfect!" Naka ngiti niyang saad at dali-daling pumunta sa gawi ko para ipakita ang kinuha niyang litrato sa akin.
Maganda nga ang kuha niya at ang sexy ko tingnan sa litrato na to.
"Send mo na kay Miss Sanchez, para mag laway siya dun sa France. Hahaha." Saad ni Jade sa akin na agad ko ding ginawa.
To: Misis ko
Just slipped into something a little black.
"Ano? Hindi niya pa din sineen?" Chismosang tanong ni Juliana sa akin.Ngumuso naman ako sa kanya at umiling.
"Hindi pa, baka busy lang siya." Sagot ko sa kanya at ngumiti ng bahagya.
"Baka nga... Tara kunan mo ako litrato." Saad niya sa akin at hinila ako para mag hanap ng maganda pwesto.
Naririnig pa namin boses ni Jade at Bianca na napaka ingay kumuha ng litrato sa isa't isa
Jusko naman.
"Let's get everyone together for a great family shot-make sure to show those bright smiles!" Saad ng photographer ng pamilya namin.
Bago kasi nag sisimula ang okasyon ay kukunan muna kami ng litrato. Dahil tuwing sa sapit ang anibersayo ay pinapalitan ang mga larawan na nilalagay sa mga building ng kompanya ng pamilya namin.
"Alright, now let's get the cousins together for a special shot!"
Utos na naman ng photographer sa amin, kaya naman nag-si alisan naman ang mga mag asawa at kami naman mag pipinsan ang na iwan.
YOU ARE READING
Addicted Love (VALENTINE SERIES #1)
RomanceAmira Elise Valentine is a 3rd-year college student known in the university for her beauty, talent, and bubbly personality. She is also one of the inheritors of the Valentine family, whom people look up to. However, everything will change when their...