T W E N T Y - F I V E
"So, kamusta naman kayong dalawa?" Paninimula ni Mommy ng topic at umupo na sa tapat namin. "Any progress sa love birds?" Panunukso niya pa sa aming dalawa.
"Mrs. Valentine, I am courting your daughter. I hope that's okay with you." Walang ka kaba-kaba na saad ni Faye kay Mommy. "If it's not okay with you, that's fine. I will still court her." Walang prenong dagdag niya pa.
Wala namang sinasabi si Mommy at naka tingin lang ito sa aming dalawa at parang nasa mukha namin ang sagot, na pa lunok naman ako ng pa ulit-ulit dahil nag bago ang ekspresyon ng mukha ni mommy ng tingnan niya kami.
"Finally! Bagay na bagay talaga kayo ng anak ko Miss Sanchez." Masayang saad ni Mommy at may pa palakpak pa niyang sabi sa amin at naka ngiti ito sa amin.
Na wala naman agad ang kaba na kanina ko lang naramdaman kaya pinag siklop ko agad ang kamay namin ni Faye na naka patong sa lamesa at inumpisahan ko ng kainin ang icecream na bigay ni Mommy.
"I'm rooting for both of you." Saad ni Mommy sa amin at tiningnan ang kamay namin mag kahawak sa taas ng lamesa. Tatanggalin ko sana, kaso hinigpitan ni Faye ang pag kakahawak sa kamay ko at patay malisya lang ito at pinag patuloy ang pag kain sa icecream.
"Ihh... Naniniwala na talaga ako na ang henerasyon ngayon ay ang magaganda ay para lang sa magaganda." Pa tango-tango si Mommy sa sarili niya na para bang sangayon siya sa sinasabi niya.
"I know Mommy, Look oh." Saad ko at pinag dikit ang mukha namin ni Faye sa isa't isa. "Maganda ako tas maganda din asawa ko." Pag mamayabang ko kay Mommy na kinapula naman agad ng mukha ni Faye dahil sa ginawa kong pag didikit sa mukha naming dalawa.
"Of course, you're my child. That's why you're beautiful." Taas babang kilay ni Mommy sa akin. "And I know Faye's mom is also beautiful." Naka ngiting dagdag pa ni Mommy, habang kay Faye pa rin ito naka tingin.
"Where is your mom, Miss Sanchez? I want to meet her, I feel like we would get along right away." Parang batang tanong ni Mommy dito sa kasama ko. Lahat naman ata ng mga taong nakaka salamuha ni Mommy ay nagiging kaibigan niya agad dahil marunong siya makisama kaya nakakasundo niya agad lahat.
Kahit nga mga paparazzi na na sunod dati sa amin dahil sa issue na ginawa ng tatay nila Ate Elle ay naging kaibigan niya. Paano ba naman chinika-chika niya, ang ending tuloy parang siya na ang paparazzi dahil siya ang madaming tanong dito sa kanila.
"My mom passed away when I was just one week old, back when I was a baby." Sagot ni Faye sa tanong ni Mommy, hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko ang lungkot ng boses niya habang sinasabi niya ito. Pinisil ko naman ng bahagya ang kanyang kamay na kina-tingin naman niya sa akin.
Binigyan niya lang ako ng maliit na ngiti to assure me na okay lang siya pero sa mata niya ay kitang kita ang lungkot neto.
"I'm sorry to hear that, Iha." Saad ni mommy kay Faye at nilagyan pa ito ng icecream sa kanyang lagayan. "If it's okay with you, what is your mom's name?" Curious na tanong ni mommy kay Faye.
"Melissa Sanchez." Agad na sagot ni Faye kay mommy na agad ding kinabago ng ekspresyon ng mukha ni mommy.
"Melissa... Issa.." Mahina na bulong ni mommy sa kanyang sarili pero tama lang iyon para marinig namin ito ni Faye.
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag iba ng aura ni Faye, naging seryoso ito at blangkong naka tingin kay mommy. Habang si Mommy ay hilot-hilot ang kanyang sentido at bakas sa mukha ang lungkot dito.
"How did you know my mom's nickname?" Seryosong tanong ni Faye sa Mommy ko.
Tumingin naman si Mommy saglit dito pero bakas pa rin sa kanyang mukha ang iniinda niyang sakit ng ulo.
YOU ARE READING
Addicted Love (VALENTINE SERIES #1)
RomansaAmira Elise Valentine is a 3rd-year college student known in the university for her beauty, talent, and bubbly personality. She is also one of the inheritors of the Valentine family, whom people look up to. However, everything will change when their...