F O R T Y - T W O
Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng maaksidente si Juliana pero hanggang ngayon ay hindi pa rin malaman kung sino ba ang nasa likod ng pag ka-aksidente niya.
Tatlong araw na din na hindi pa rin siya na gigising simula ng operahan siya at sa loob ng tatlong araw na yun ay hindi din namin makausap ng maayos si Ate Elle.
Busy siya sa pag aasikaso at pakikipag tulungan sa pulis para hanapin kung sino ang nasa likod ng pagka-aksidente ni Juliana. Mukhang magaling at may kapit ang may gawa nun, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila o siya makita.
Nasa cafeteria ako ngayon at kasama ko sila Iris at tanging si Juliana lang ang wala dito lalo na at hindi na sobrang ingay sa pwesto namin.
"Nakaka-miss naman yung babae na yun, wala akong ka-sungitan dito." Naka ngusong saad ni Bianca sa tabi ko, habang kagat-kagat ang shanghai na inorder niya.
Kakatapos lang kasi ng klase namin kay Sir Bayota kaya naman todo kain na naman itong kasama ko, lalo pa at na gamit na naman daw ang utak niya sa subject ni Sir.
"Gusto mo after uwian, dumaan tayo kay Juliana. Bisitahin natin siya." Saad ko kay Bianca na agad naman niyang kinatango.
"Sasama din ako at na aalibadbaran ako sa ulan ngayon." Salubong na kilay na saad ni Jade at pa dabog na binaba ang cellphone niya sa lamesa.
Pag katapos ko kumain ay nag paalam na ako na mauuna na akong aalis, pupuntahan ko pa kasi si Faye sa opisina lalo na at ngayon ko na lang siya ulit mapupuntahan.
Naging busy na kasi ako, lalo na at nalalapit na din ang exam namin kaya puro din kami long quiz at recitation sa mga subject teacher namin.
Kumatok lang ako ng tatlong beses pero hindi si Faye ang na abutan ko sa loob ng opisina, kundi si Samantha na prenteng naka upo sa sofa.
Ngumiti naman ako sa kanya ng makita kong naka tingin siya sa akin, binigyan niya lang ako ng maliit na ngiti at bumalik na ulit sa pag kakabasa niya.
"Ate Kenzie just went somewhere, but she said she'll be back soon." Saad niya sa akin habang ang mata ay naka tingin pa rin sa librong hawak niya.
Tumango naman ako sa kanya at umupo sa tapat niya, tahimik lang akong nag ce-cellphone at minessage ko na din si Faye at sinabi na nasa opisina niya na ako.
"You're really beautiful, Ate Kenzie wasn't lying at all."
Agad namang namula ang dalawang pisnge ko sa sinabi niya at ngumiti na lang dito.
"Anyway, I haven't introduced myself yet. I'm Samantha, Ate Kenzie's cousin." Naka ngiti niyang pakilala at binaba ang librong hawak niya at nilahad ang kamay niya na agad ko ding tinanggap.
"Amir--" pa kilala ko sana kaso agad niya din pinutol, kaya na pa nguso na lang ako sa aking isipan. Manang-mana sa pinsan niya.
"I know you; you don't need to introduce yourself. You're Amira Elise Valentine, one of the heirs and a member of the well-known family clan. You're the one that Ate Kenzie has been whipped for five years." Na tatawa niyang saad sa akin.
Madami na kaming na pag usapan ni Samantha at tungkol yun lahat sa pinsan niyang si Faye, na gulat pa nga siya nung tinatawag ko ang pinsan niya sa second name neto.
"Geez, you're really exceptional when it comes to Ate Kenzie. Did you know she hates being called by her second name? It's even worse with her cars- she's so protective of them that she doesn't want anyone else to ride in them unless it's just her." Naka nguso niyang pag sa sabi sa akin.
YOU ARE READING
Addicted Love (VALENTINE SERIES #1)
RomanceAmira Elise Valentine is a 3rd-year college student known in the university for her beauty, talent, and bubbly personality. She is also one of the inheritors of the Valentine family, whom people look up to. However, everything will change when their...