Chapter 24

721 19 6
                                    

T W E N T Y - F O U R










"Dream on, Kid. Tsk."

Isang malamig at nag babantang tono ng boses ng pag kakasabi ni Faye kay Nicolas, nakita ko naman ang pagka-gulat ng mukha ni Kuya Jayden ng makita niya si Faye.

Ganon din ang iba. Pero kabaliktaran naman ang reaksyon si Juliana at ang iba pang nakaka-alam sa pag lalandi ko sa propesora ng Unibersidad.

"Ni-Ra LUBOG" Pang aasar ni Juliana kay Nicolas. Na ngayon ay nakatulala na ng makita si Faye.

Don't tell me, bet niya asawa ko? NO WAY! Agad kong hinila si Faye at medjo lumayo sa kanila para kausapin siya.

"Hindi mo man lang sinabi misis ko na pupunta ka na pala dito." Saad ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya, pero ganon pa rin ang ekspresyon ng mukha niya naka pokerface at salubong ang kilay.

"I texted you, but you didn't reply. Triz and Chia were coming here, so I went with them." Sagot niya sa akin na naka tingin pa rin sa gawi ni Nicolas, tumingin naman ako dun at nakita sila Miss Pascual na kausap sila Kuya Jayden at mukhang kilala nila ang isa't isa.

"Nag text ka ba? Hehe, sorry hindi ko na pansin nag-uusap kasi kami nila Kuya Jayden kanina." Kamot ulo kong saad sa kanya. "Tara? Balik na tayo dun, hindi pa din kami nakakapag dinner." Aya ko sa kanya at hinila na siya pabalik sa mga kasama namin.

Uupo sana si Nicolas sa tabi ko pero hindi ko alam kung sindya ba ni Faye at hinila niya ang upuan at siya ang umupo rito.

"Ginagawa mo jan, pre?" Tanong ni Jude sa kaibigan namin na naka upo na sa sahig.

Tumingin naman si Faye sa kanya at malamig niya itong tinitigan "Oh, sorry, were you supposed to be sitting here?" Tanong niya kay Nicolas na para bang ito na ang pinaka boring na ginawa niya sa buhay niya.

"Hun, sit down already. I'm famished." Tawag niya sa akin at tinap ang upuan na katabi niya. Tumayo naman si Nicolas at masama niyang tiningnan si Faye at tumabi kay Jude na katapat lang namin.

Nag umpisa na kaming kumain at grabe apaka sarap lahat ng niluto ni Ate Elle. Buti na lang at nandito ang tatlong propesora dahil apaka dami din talaga ng hinanda ni ate Elle ngayon.

"I didn't know you were back in the Philippines, Makenzie. When did you get back?" Tanong ni Kuya Jayden sa kanya.

"Last month." Tipid na sagot niya dito at tumango-tango lang naman si Kuya Jayden sa kanya at mukhang sanay na siya sa gantong ugali ni Faye.

"Mag kaka-kilala kayo?" Tanong ni Jade sa kuya niya kaya naman tumingin naman kami kay Kuya Jayden. Tumango tango naman ito sa amin habang inaasikaso ang mag-ina niya.

"Yes, during our college days, they were classmates with Aki, so I knew them." Sagot ni Kuya Jayden sa kanya.

Nanigas naman ako ng mapakinggan ang pangalan ng Kuya ko, hindi ko alam pero nandito yung kaba at lungkot. Naalala ko na naman kasi ang sinabi niya sa akin nung gabi na yun.

"Grabe na mga revelation today ah." Saad ni Jade at kumuha pa ng kanin at ulam.

"May ire-reveal din ako." Sabat ni Miss Pascual. "Jade and I are getting married." Naka ngiting dagdag ni Miss Pascual dito at hawak-hawak ang kamay ni Jade na agad din siyang binatukan.

"LAH?! PINAGSASABI MO JAN RAINE?! KUYA HINDI YUN TOTOO!" Nanlalaking mata ni Jade na tinatanggi at naka tingin sa kuya niya na ngayon ay seryoso ng nakatingin sa dalawa.

Addicted Love (VALENTINE SERIES #1)Where stories live. Discover now