Chapter 32

559 15 6
                                    

T H I R T Y - T W O












"Mira, let's go?" Naka dungaw na tanong ni Kuya sa akin sa pintuan ng kwarto ko.

Bago ako lumabas sa aking kwarto ay chineck ko muna ang suot ko, kung angkop ba ang porma ko sa birthday ng bata naming pinsan.

Nakasuot lang ako ng black long sleeve na YSL and tinupi ko ito ng tatlo at pinartneran ko din ng YSL high waist wide leg jeans light blue, and simpleng black YSL flat sandals lang tas nag suot na lang ako ng earings na inorder ko pa nung nag 7:7 sa shopee.

Syempre bago ko pa makalimutan, kinuha ko din ang ang regalo ko kay Bailey na Lego construction excavator. Plano ko nga sana is bigyan na lang siya ng gift certificate na nag lalaman ng One hundred thousand, Tas sila na lang bahala kung anong gusto niyang bilhin sa Lego store pero na unahan na ako ni Juliana.

Pag baba ko ay nakita ko si Kuya na nasa baba na at naka pamulsang kausap si Nicolas, bigla namang uminit ulo ko ng maalala ko ang mga sinabi niya kagabi.

Mira, Nicolas said that you should both go to Bailey's birthday party together." Saad ni kuya ng makita niya akong papalapit sa kanila.

"Nah." Maarte kong sagot sa kanya. "Sayo ako sa sabay Kuya." Dagdag ko pa at hindi pa rin pinapansin ang lalaking nasa harap namin.

"Okay, we'll go ahead, Nicolas." Paalam ni Kuya sa kanya, pa alis na kami ng hawakan ni Nicolas ang kamay ko na kinatigil namin ng kasama ko.

"Come with me. We still need to talk." Pag sasabi neto ay parang desperado na tao.

"No. At pwede ba bitawan mo ako na sasaktan mo na ako eh." Pag pupumiglas ko, dahil sa mahigpit itong naka hawak sa pulsuhan ko.

Nakita ko naman ang masamang tingin at naka kunot na nuo ni Kuya na naka tingin sa aming dalawa.

"Nicolas, let go of my sister's hand. You're hurting her, and I might forget you're still her friend if you don't stop and I end up hitting you." Malamig na saad ni Kuya dito at nag pipigil ng inis ng makita niyang namumula na ang aking pulsuhan.

"Sorry..." Mahinang paghihingi niya ng paumanhin kay Kuya. "I just really want to talk to Mira." Desperado niya pang dagdag.

"Well, if my sister doesn't want to talk to you, just respect that." Pabalang na sagot ni Kuya sa kanya. "Let's go, Mira, or we might be late for Bailey's birthday." Pag aaya sa akin ni Kuya at inalalayan ako makalabas sa aming pintuan.




Nasa sasakyan na kami ni Kuya at mukhang bagong bili na naman niya ito, mahilig kasi si Kuya sa mga sasakyan kaya nga nag pa gawa pa sila Daddy ng building na parkingan lang ng mga sasakyan ng pamilyang Valentine para dun ilalagay ang mga sasakyan na hindi nila na gagamit.

Anyway, on the way na kami sa mall kung saan gaganapin ang biglaang birthday party ng kapatid nila Iris na si Bailey, na isipan kasi nila Ate Elle na bigyan ito ng totoong birthday party ang kanilang bunsong kapatid. Na sa Jollibee ito gaganapin dahil ito naman daw talaga ang hiling ni Bailey sa kanila.

Sad nga lang at hindi pumayag ang Daddy nila at gustong isabay na lang ang birthday neto sa mismong anniversary ng kompanya, kaya no choice sila kung hindi mag celebrate sila ng birthday ng walang matatanda.

Nag hihirap na ba sila Tito? At wala na silang budget para sa birthday party ng nag iisa niyang anak na lalaki?

"What happened between you and Nicolas?"
Pag uumpisang tanong ni Kuya sa akin, bumugtong hinga naman ako at tumingin sa gawi niya.

"We fought. Last night, when we went to Angono." Pag uumpisa ko. "Tapos na galit siya kasi puro daw si future sister inlaw mo, ang lagi kong bukang bibig." Dugtong ko.

Addicted Love (VALENTINE SERIES #1)Where stories live. Discover now