Pinky POV
"PRISCILLA! Priscilla!"
Naalimpungatan ako ng marinig ang boses ng aking tiyuhin. Inaantok at pupungas pungas na bumangon ako. Humikab ako at sinuklay ng daliri ang magulong buhok. Tumayo ako sa kama at tinungo ang bintana. Hinawi ko ang kurtina at binuksan ang bintana. Napapikit pa ako at napangiwi ng masilaw ako sa sinag ng araw ng pang umaga. Dinilat ko ang isang mata at tumingin sa ibaba. Naroon ang tiyuhin kong pinsan ni mama. May mga bitbit syang plastik, bilao at karton.
"Tiyong Rusi, dumating na pala kayo ni Tiyang Les."
"Oo, kagabi pang mga alas dose. Buksan mo na ang pinto at may mga dala ako."
"Opo, wait lang."
Umalis na ako sa bintana at dinampot ko ang bra at mabilis na sinuot. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hagdan.
Binuksan ko ang maliit na pinto ng gate at pinapasok na ang tiyuhin.
"Mukhang ang dami po nitong mga dala nyo ah." Sambit ko at kinuha ang dalawang bilao na hawak nya na may lamang iba't ibang kakanin.
"Eh padala sayo lahat yan ng Tiyang Helen mo. Miss na miss ka na raw nya eh kelan ka raw ba uuwi sa atin sa Quezon." Ani Tiyong Rusi habang papasok na kami sa loob ng bahay.
Si Tiyang Helen ay ang panganay na kapatid ni mama. Close ako sa kanya at para ko na rin syang pangalawang ina. Matandang dalaga ito at ang ikinabubuhay sa aming probinsya ay ang paggawa ng mga kakanin.
"Baka po sa susunod na summer ay umuwi ako sa atin." Sabi ko.
"Sabihin mo sa kanya kapag nagkatawagan kayo." Ani Tiyong Rusi at nilapag sa mesa ang mga plastic bag na dala at karton.
Nilapag ko rin sa mesa ang dalawang bilao na puro kakanin. Sobrang dami nito at hindi ko mauubos. Daldalhin ko na lang siguro ang isang bilao sa shop para sa mga empleyado ko at yung iba ay ipamimigay ko sa mga tenant ko.
Binuksan ni Tiyong Rusi ang mga plastic bag na mga daing ang laman, tuyo at meron ding longganisang Lucban at hardinera. Ang karton naman ay mga gulay at prutas ang laman.
Kumamot ako sa ulo. "Sobrang dami naman po pala ng padala ni Tiyang Helen."
"Eh alam mo naman ang Tiyang Helen mo mahal na mahal ka noon. Ayaw ka nung magutom." Natatawang sabi ni Tiyong Rusi.
Natawa na lang din ako. Mamaya ay tatawagan ko si Tiyang Helen para pasalamatan. Parang bigla ay gusto ko tuloy umuwi sa Quezon pero sa bakasyon ay uuwi talaga ako.
"O sya, uuwi na ako at wala pa akong masyadong tulog dahil ang iingay ng mga pinsan mo sa bahay. Sabi pala ng Tiyang Les mo, mamayang gabi sa bahay ka kumain dahil magluluto sya ng marami."
"Sige po tiyong."
"Mauna na ako."
"Ingat po."
Pag alis ni Tiyong Rusi ay inayos ko na ang mga dala nya. Nagtabi ako ng mga pagkain na kaya ko lang kainin at nilagay sa ref. Ang iba naman ay pinagparte parte ko sa mga pagbibigyan ko. Syempre binukuran ko rin si Ciella. Paborito nya ang longganisang Lucban.
Ng mapagparte ko na ang lahat ay ipinamahagi ko na ito sa mga tenant to. Meron akong limang tenant. Limang pinto ang apartment na up and down. Dalawa ang kwarto at isang banyo at tiles ang sahig. May sariling metro ng tubig at kuryente at may malawak na harapan na pwedeng pagparadahan ng kanilang motor. 10 thousand ang upa sa isang buwan at malapit ito sa lahat. Iniwan ito sa akin ng papa at mama ko bago sila pumanaw.
Si papa ang unang pumanaw dahil sa sakit nya sa puso. Sumunod naman si mama ng isang taon lang dahil sa sobrang kalungkutan. High school pa lang ako noon at yun ang pinakamalungkot na yugto ng buhay ko. Mabuti na lang at nandyan ang mga kamag anak ko na mababait naman at inaalalayan ako. Pumanaw man ang mga magulang ko ay hindi naman nila ako iniwan na walang wala. Bukod sa sariling bahay namin at apartment for rent ay may savings din silang iniwan para sa akin at yun ang ginamit ko para makapag tapos ng pag aaral. Ang natirang savings ay pinampuhunan ko sa sosyo naming negosyo ng best friend kong si Ciella na Haven La Fluer Cafe. Maganda ang takbo ng negosyo namin at nakabili na ako ng sarili kong kotse na hindi hulugan.
BINABASA MO ANG
My Possessive Ex-Boyfriend
General Fiction"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang ex boyfriend na isang magiting na pulis. Malungkot pero pinipilit nyang maging masaya. Ang nasa isip...
