Chapter 11

18.7K 559 41
                                    

Cedric POV

NAPANGITI ako habang pinagmamasdan ang magandang mukha ni Pinky. Nakapikit sya at malalim ang paghinga. Mahimbing ang kanyang tulog habang nakaunan sya sa braso ko. Walang nangyari sa aming dalawa. Halik lang at yakap ang pinagsaluhan naming dalawa. Sabik na sabik ako sa kanya pero ayoko naman syang biglain. Ayokong isipin nya na kaya gusto ko lang makipagbalikan sa kanya dahil lang dun.

Tinaas ko ang kamay at hinawi ang ilang hibla ng kanyang buhok na tumatabing sa kanyang mukha. Marahan ko ring hinaplos ang kanyang malambot na pisngi.

Dalawang taon din kaming nagkahiwalay at nawalan ng komunikasypn dahil nag iba sya ng number. Nag iba na rin sya ng facebook account. Pero ganunpaman ay hindi ako nawalan ng balita tungkol sa kanya. Pinapamasid ko sa kanya ang mga kasamahan kong pulis na suki sa coffee shop. Kaya kahit papaano updated ako sa mga nangyayari sa buhay nya habang nasa malayong lugar ako. Nakakarating sa akin na may ibang mga lalaking pumuporma sa kanya na ikinapupuyos ko sa inis. Kung hindi ko lang mahal ang trabaho ko sumugod na ako noon dito sa Manila para balian ng buto isa isa ang mga manliligaw nya. Hindi ako seloso at madamot na tao. Pero pagdating sa kanya madamot ako. Gusto ko akin lang sya.

Mahal na mahal ko si Pinky. Sya lang ang babaeng minahal ko ng matindi at kinabaliwan. Kaya nga di ko maintindihan kung bakit sya nakipag hiwalay sa akin. Hindi ako naniniwala na hindi na nya ako mahal. Alam kong mahal din nya ako. Nararamdaman ko yun sa mga halik nya kanina.

Bumuntong hininga ako at niyakap sya. Dinampi ko ang labi sa kanyang noo. Sobra ko syang namiss. Lagi syang laman ng isip ko habang nasa malayong lugar ako. Ngayong bumalik na ako sa Manila, di ako papayag na hindi kami magkakabalikan.

Bahagya syang gumalaw at sumiksik sa akin. "Hmm Cedric.." Ungol nya sa pangalan ko.

Napangisi naman ako. "I'm here babe.." Bulong ko at niyakap pa sya ng mahigpit.

.

.

Pinky POV

UMAWANG ang labi ko pagpasok ko ng kusina ng maabutan ko si Cedric na nagluluto. So hindi nga ako nananaginip kagabi na dito sa bahay ko natulog at magkatabi kami. Sa sobrang pagkalasing ko sa halikan namin inakala kong panaginip lang ang lahat kagabi.

Lumingon si Cedric at ngumiti ng makita ako. "Good morning babe." Lumapit sya sa akin sabay kintal ng halik sa labi ko. .

Nag init naman ang pisngi ko. "Akala ko umuwi ka na."

"Mamaya, pagkatapos nating mag almusal. Umupo ka na ipagtitimpla kita ng kape."

"Hindi na, ako na."

"No, ako na. Umupo ka na lang dyan."

Wala na akong nagawa kundi umupo na lang at panoorin sya sa ginagawa. Alerto ang kilos nya at kabisado nya ang kusina. Alam nya kung saan nakalagay ang kape at asukal. Wala naman kasi akong binagong ayos dito sa kusina. Kung ano ito 2 years ago ay ganun pa rin hanggang ngayon. Minsan lang ako magluto dahil kadalasan bumibili ako ng pagkain sa labas o kaya kanila Tiyong Rusi ako kumakain. Noong kami pa ni Cedric ay sya ang madalas magluto. Mas masarap syang magluto kesa sa akin. Kahit laking mayaman sya marunong sya ng gawaing bahay lalo ng pagluluto. Natutunan nya yun noong nagti-training pa lang sya sa pagpupulis.

"Here's your coffee." Nilapag ni Cedric sa harapan ko ang kape na umuusok pa. "Luto na ang kanin. Itong cornbeef na lang ang iluluto ko."

Tumango ako at dinampot ang mug at humigop ng kape.

Binalik na nya ang atensyon sa kawali at naggisa na ng bawang at sibuyas at nilagay na ang lamang corn beef ng lata. Hinalo halo nya yun at habang hinihintay maluto ay nagtimpla na rin sya ng sarili nyang kape. Isa pa sa nagustuhan ko sa kanya kahit laking mayaman sya ay di sya maarte. Kahit ano kinakain nya, hindi sya mapili.

My Possessive Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon