Chapter 5

22.2K 657 73
                                    

Pinky POV

NAHIGIT ko ang hininga sa sinabi nya. Tila naman trumiple ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko inaasahan na yun ang sasabihin nya. Miss na miss na raw nya ako. Ako rin, miss na miss ko rin sya. Gusto ko rin yung sabihin sa kanya pero pinipigilan ko ang sarili ko. Kapag sinabi ko yun baka mag assume sya.

Pero teka nga. Miss nya ako pero may kasama syang babae kanina na nakahawak pa sa braso nya na matamis pa ang ngiti sa labi.

Tinaasan ko sya ng isang kilay at mataray syang tiningnan. "Miss mo ko? Talaga lang ha. Pagkatapos mong makipag date kanina sasabihin mo ngayong miss na miss mo ko. Anong tingin mo sa akin, uto uto?"

Kumunot ang noo nya. "Anong date?"

"Ikaw. Nakipag date ka kanina. Nakita kita sa mall may kasama kang magandang babae na nakahawak sa braso mo." Sabi ko sabay irap sa kanya.

Umawang ang labi nya. "Nakita mo ko kanina sa mall?"

Ngumisi ako. "Oo."

Bumuntong hininga sya at umismid. "Nakita mo pala ako di mo man lang ako nilapitan." Tila nagtatampong sabi nya.

Suminghap ako. "At bakit kita lalapitan? Ayokong makaistorbo sa date nyo no. Magmukha pa akong tanga." May pait sa tono ng boses ko.

"Anong date? Hindi ako nakikipag date kanina. Sinamahan ko lang si Bridget kanina na bumili ng regalo para sa pamangkin nyang nagbirthday." Paliwanag nya.

Tumaas ang isang kilay ko at nagdududa syang tiningnan. Mukha naman syang nagsasabi ng totoo. Kunsabagay never naman syang nagsinungaling sa akin. Pero malay ko ba. Baka nag iba na sya ngayon.

"Hmp.. maniwala ako." Sabi ko sabay irap.

Marahas syang bumuntong hininga at namaywang. "Kelan ba ako nagsinungaling sayo? At teka nga, nagseselos ka ba?"

Malakas akong napasinghap at namilog ang mata. "H-Hindi no! B-Bakit ako magseselos? Hiwalay na tayo."

Pumalatak sya na parang naiinis. "Pwede ba tigilan mo na yang kakasabi ng hiwalay na tayo, naiinis ako."

Muli akong suminghap. Nakaguhit na nga sa kanyang mukha ang inis.

"Bakit ka naiinis? Eh totoo naman ang sinasabi ko. Hiwalay na tayo. Di ba nga? Nakipag hiwalay ako sayo 2 years ago?" Pagdidiin ko.

Hindi sya umimik at matiim lang na nakatingin sa akin. Blangko ang kanyang mukha.

Nag iwas naman ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang mata nya. Tumalikod ako at binuksan ang maliit na pinto ng gate. Akmang papasok na ako ng hawakan nya ako sa braso. Humarap naman ako sa kanya.

"2 years ago ng makipaghiwalay ka sa akin.. parang huminto ang ikot ng mundo ko. You broke my heart Pinky. Labis akong nasaktan ng sabihin mong hindi mo na ako mahal. Ang dami kong tanong sa sarili ko. Saan ba ako nagkamali? Ano bang nagawa ko?"

Lumunok ako. Damang dama ko ang sakit sa tono ng kanyang boses. Parang hinihiwa ang puso ko. Kung nasasaktan sya, nasasaktan din ako.

"Wala kang nagawang mali Cedric. Naging mabuti ka sa akin. Perfect boyfriend ka nga eh.. kaya lang.. n-nawala na ang pagmamahal ko sayo." Nag iwas ako ng tingin.

Pagak syang tumawa. "I don't believe you. Hindi ako naniniwalang hindi mo na ako mahal. Dahil kung hindi mo na ako mahal, bakit hanggang ngayon single ka pa rin. Binabasted mo ang lahat ng nanliligaw sayo." Nakangising sabi nya na ikinasinghap ko.

"Paano mo nalaman?"

"Basta alam ko. Kaya hindi ako naniniwala na hindi mo na ako mahal."

Umismid ako at inikot ang mata. "Eh di huwag kang maniwala."

My Possessive Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon