Pinky POV
"ATE, saan po ito ilalagay? Hindi na po kasya sa labas."
Nilingon ko si Mari na may hawak na bucket na may lamang bulaklak.
"Dito na yan Mari."
Inabot nya sa akin ang bucket. Kinuha ko naman yun at nilagay sa estante na nakadikit sa glass wall.
Habang hindi pa natatapos ang tindahan nila tiyong ay dito muna si Mari bilang assistant pansamantala. Masipag naman sya at mabilis kumilos. Nagtatanong kapag hindi alam ang gagawin.
Marami rami kaming customer ngayon sa parehong shop kaya medyo aligaga kami. Ayos nga ito para hindi ko naiisip si Cedric na ilang araw ko na namang hindi nakikita. Mga kasamahan lang nya ang madalas na bumabalik dito sa shop. Bukod kasi sa masarap ang kape namin ay nagpapacute pa sila sa mga crew namin. Hay, mga pulis talaga bolero ang karamihan. Pero si Cedric, hindi sya bolero. Hindi mabulaklak magsalita at walang pasakalye. Straight to the point sya lagi. Kagaya noong nagpunta sya sa bahay ko para sabihing manliligaw sya.
Hays! Ano ba to? Nagpapakabusy nga ako para hindi sya maisip pero heto naman at iniisip ko sya.
"Ma'am, cellphone nyo yata yung tumutunog." Untag sa akin ni Yena.
"Ha?"
Doon ko lang narinig na nag iingay ang cellphone kong nakapatong sa kabilang estante at nakacharge. Nilapitan ko yun at nakita ang nakarehistrong numero na hindi ko kilala. Pero sumipa ang kaba sa dibdib ko. Dinampot ko ang cellphone at tinanggal sa pagkaka-charge. Saglit kong tinitigan ang screen at lumunok. Sinwipe ko ang green button at tinapat sa tenga ang cellphone.
"Hello.."
"Hello Priscilla.."
Nahigit ko ang hininga ng marinig ang boses ni Ma'am Adela. Hindi nga ako nagkamali na sya ang tumatawag.
"Ma'am Adela, ano pong kailangan nyo?" Tanong ko sa pormal na boses at lumabas ng counter. Sinenyasan ko si Yena. Tumango naman sya.
Lumabas ako ng shop at tumungo sa maliit naming garahe.
"Nothing.. Gusto ko lang sabihin sayo na good job. Marunong ka naman palang sumunod gusto mo tinatakot ka pa.." Bahagya pa syang tumawa sa kabilang linya.
Pumikit ako ng mariin at tumiim bagang.
"Siguro naman po titigilan nyo na ako at ang mga taong nasa paligid ko."
"Hindi pa."
Marahas akong bumuga ng hininga. "Ma'am, ano pa bang gusto nyo? Ginawa ko na ang sinabi nyo di ba? Nilalayuan ko na ang anak nyo."
"Nilalayuan mo nga sya pero lapit naman sya ng lapit sayo dahil nandyan ka lang sa malapit. And I don't like it. Nagmumukhang tanga ang anak ko sayo."
"Wala na po tayong magagawa dun. Matigas ang ulo ng anak nyo."
"May magagawa ka pa Priscilla.."
Kumunot ang noo ko. "Ano po bang gusto nyong gawin ko pa?" May tono na ng inis ang boses ko.
"Magpakalayo ka. Umalis ka ng Manila.."
"Po? Bakit ako aalis?"
"Para tuluyan ka ng layuan ni Cedric. Pumunta ka kung saang malayo o kaya mangibang bansa ka mas better."
Pagak akong tumawa. "Hindi ko po gagawin yan Ma'am Adela. Parang sobra sobra na yata ang hinihiling nyo sa akin. Hindi ako lalayo. Nandito ang buhay ko sa Manila. Nandito sa Manila ang pamilya at negosyo ko."
"Priscilla.. I'm warning you. Huwag mo kong pikain." Banta nya.
Lumunok ako at kumagat labi. Pumikit ako at humugot ng malalim na hininga.
BINABASA MO ANG
My Possessive Ex-Boyfriend
Fiction générale"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang ex boyfriend na isang magiting na pulis. Malungkot pero pinipilit nyang maging masaya. Ang nasa isip...