Chapter 20

21.5K 650 77
                                    

Pinky POV

MATAMAN kong pinagmamasdan si Cedric na ini-interview ng mga media tungkol sa nangyaring katatapos lang na operasyon. Matagumpay ang operasyon nila. Napatay ang main suspect at nasagip ang bihag na pinsan ng kaibigan ni Lex. Yun nga lang ay hindi maganda ang lagay nito kaya agad na itong sinugod sa hospital.

Proud na proud ako kay Cedric habang confident syang sumasagot sa mga katanungan ng media. Kanina ay abot abot ang kaba ko ng magputukan na sa abadonadong building na pinagkukutaan ng mga kriminal. Kung tutuusin pwede ko na syang takasan at umuwi na ako. Pero di ko ginawa dahil sa pag aalala sa kanya. Panay ang dasal ko kanina para sa kaligtasan nya at ng mga kasamahan nya. Inabot nga ng ilang oras ang palitan ng putok dahil ayaw sumuko ng main suspect. Nakahinga ako ng maluwag ng lumabas sya na walang galos.

Matapos ang interview ni Cedric sa mga media ay kinusap naman nya ang mga kasamahan nyang pulis pati na sila Lex. Thirty minutes din akong naghintay sa loob ng sasakyan bago sya bumalik. Nakahinga naman ako ng maluwang.

Tumingin sya sa akin. "Inaantok ka na? Madaling araw na." Tanong nya habang kinakabit ang seatbelt.

Ngumuso ako. "Sino ang aantukin pagkatapos kong makapanood ng live na barilan."

Ngumisi sya pero agad na lumambot ang kanyang mukha. "I'm sorry.. hindi kita dapat dinala dito. Alam kong natakot ka."

Lumunok ako at nag iwas ng tingin. Gusto ko syang yakapin pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil baka tuluyan akong bumigay.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya. Binuhay na rin nya ang sasakyan.

Tinuon ko naman ang tingin sa labas. Nag aalisan na ang mga media, mga pulis at sila Lex. Pinausad na rin ni Cedric ang sasakyan.

Ilang minuto kaming walang kibuan habang nasa byahe. Pero lumingon ako sa kanya ng mapansin kong papalayo pa ang punta namin. Akala ko kanina ay magso-short cut lang sya pabalik sa kamaynilaan.

"Saan tayo pupunta? Hindi pa ba tayo uuwi?"

Lumingon sya sa akin. "May pupuntahan tayo."

Kumunot ang noo ko. "Saan naman tayo pupunta? Madaling araw na."

"Pupunta tayo sa lugar na matagal ko ng gustong ipakita sayo."

Natigilan ako sa sinabi nya. Hindi na ako umimik at hinayaan na lang sya. Ayoko na ring makipagpatalo sa kanya. Pagod sya at ako naman ay wala ng lakas makipagtalo. Hahayaan ko na lang sya sa gusto nya. Tutal naman lalayo na ako sa kanya. Nakapagdesisyon na akong lumayo para sa ikabubuti ng mga taong nasa paligid ko. Susulitin ko na lang ang bawat sandaling kasama ko sya bilang baon sa paglayo ko.

Lumipas ang mahigit isang oras ay nakarating kami ng Batangas. Pumasok kami sa isang private property na malapit sa beach. Mukha iyong private resort. Merong rest house sa tabi ng dagat na gawa sa kahoy pero moderno ang pagkakayari. Napawang na lang ang labi ko. Siguradong mas maganda yun pagputok ng liwanag.

Bumaba kami ni Cedric sa sasakyan. Sumalubong sa akin ang malamig na hanging dagat. Parang tila tinangay nun ang mabigat kong dalahin sa aking dibdib. Nilibot ko ang paningin sa paligid. Madilim pa at tanging bukas na ilaw lang sa poste at mga wall lamp sa resthouse ang nagbibigay liwanag.

Bumaling ako kay Cedric na nasa tabi ko. "Mukhang private property ito."

"Yes.. and this property is mine. You like it?"

Umawang ang labi ko. Pag aari pala nya ang private property na ito. Hindi na nakakapagtaka na kaya nyang bumili ng ganito. Bukod sa pulis sya at marami na syang ipon mayaman pa sya.

My Possessive Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon