Chapter 12

17.3K 560 45
                                    

Pinky POV

NAPALUNOK ako habang kaharap ang ina ni Cedric. Kasama nya ang dalawa nyang bodyguard. Nakatayo sya sa gitna ng sala at ginagala ang mata sa paligid. Nakaguhit ang pagkadisgusto sa kanyang mukha. Abot abot naman ang kaba sa dibdib ko. After 2 years nagkita ulit kami at ganun pa rin ang mga tingin nya sa akin. Tinging nakakapangliit.

Humugot ako ng malalim na hininga. Kailangan kong tatagan ang sarili ko at hindi ako dapat magpadala sa takot.

"Kelan huling pumunta si Cedric dito sa bahay mo?" Tanong ni Ma'am Adela sa mataray na boses.

Tumikhim ako para alisin ang nakabara sa aking lalamunan. "K-Kagabi po ma'am.." Balak ko sanang magsinungaling pero sigurado namang lalo lang syang magagalit.

Ngumisi ang mama ni Cedric at tumalim ang tingin sa akin. "Talaga bang sinusubukan mo ako Priscilla?"

Lumunok ako. "M-Ma'am Adela.."

"Akala mo siguro hindi ko malalaman na nakikipagkita ka pa rin sa anak ko. Pwes nagkakamali ka. Simula ng bumalik si Cedric dito sa Manila ay may kutob akong magkikita kayo ulit kaya pinapamanmanan ko kayong dalawa."

Nakaramdam ako ng pangingilabot sa kaalamang minamanmanan nya kami ni Cedric. Kaya pala sumugod na sya dito sa bahay ko.

"Kung ganun po pala eh di alam nyo na si Cedric ang lumalapit sa akin at hindi ako ang lumalapit sa kanya." Lakas loob na sabi ko sa ginang.

Suminghap sya at nang uuyam na ngumisi. "Huh! At malakas na ang loob mong mangatwiran."

"Hindi po ako nangangatwiran ma'am. Sinasabi ko lang po ang totoo. Ang anak nyo naman po talaga ang lumalapit sa akin."

"Hindi sya lalapit sayo kung hindi ka nagpapakita ng motibo." Sinuyod nya ako ng mapanuring tingin mula ulo hanggang paa. "I know a woman like you. Oportunista."

Kinuyom ko ang kamao. Masakit ang salitang binibitawan ng ginang sa akin. Kahit hindi naman yun totoo ay nasasaktan pa rin ako. Siguro dahil sya ang ina ng lalaking pinakamamahal ko.

"One last chance Priscilla. Huwag mong sagarin ang pasensya ko. Stay away from my son. Hindi ikaw ang babaeng nararapat para sa kanya."

Humugot ako ng malalim na hininga at tinapangan ang mukha. "I'm sorry po ma'am, pero mahal ako ni Cedric. Nagmamahalan po kaming dalawa. Pinagbigyan ko na ang gusto nyo noon. Hiniwalayan ko sya pero bumabalik pa rin sya sa akin. Patunay lang na mahal ako ng anak nyo. Please ma'am, hayaan nyo na po kami ni Cedric." Pakiusap ko sa huli.

Pagak na tumawa ang ginang. "Mahal? No, hindi ka mahal ni Cedric. Nabubulagan lang sya sayo. Kapag nawala ka na sa landas nya mare-realize din nya na hindi ka nya mahal."

"Ma'am Adela, 2 years po kaming naghiwalay ni Cedric. Wala po kaming contact sa isa't isa. Pero nakita nyo naman bumabalik pa rin sya sa akin dahil mahal nya ako."

"You are delusional Priscilla. Binabalikan ka lang ng anak ko dahil hindi pa sya sawa sayo."

Tumiim bagang ako. Hindi ako naniniwala sa sinasabi ng ina ni Cedric. Hindi yun ang nararamdaman ko sa mga pinapakita sa akin ni Cedric. Purong pagmamahal ang nararamdaman ko. Alam kong sinasabi nya lang ito para saktan ako at layuan na si Cedric.

"Kahit ano pang sabihin nyo ma'am, hindi nyo kami mapipigilan ni Cedric. Pinagbigyan ko na kayo noon, puso ko naman ang susundin ko. Mahal na mahal ko po si Cedric. Hindi ko po sya lalayuan." Matapang at buo ang loob na hayag ko.

Tumiim bagang ang ginang at para ng nagaapoy ang kanyang matang matalim ang tingin sa akin. "Matapang ka na ngayon babae. Talagang gusto mo akong subukan. Pwes, pagsisisihan mo yang matapang mong desisyon."

My Possessive Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon