Chapter 13

18.3K 535 78
                                    

Pinky POV

DAHIL sa tawag ng pinsan kong si Jennifer ay agad kaming pumunta ni Cedric sa hospital. Sa emergency room ay naabutan namin si Tiyong Rusi at si Tiyang Les na parehas binibigyan ng paunang lunas. Parehas silang may mga paso sa katawan pero mas malala ang kay Tiyang Les na umabot pa sa second degree burn ang paso sa braso.

"Tiyong, tiyang, ano po ang nangyari? Bakit po biglang nasunog ang tindahan? May iba pa po bang nadamay bukod sa inyo?" Sunod sunod na tanong ko.

"Hindi nga namin maintindihan kung bakit biglang nagkasunog. Nag aayos ako ng mga bote ng soft drinks sa loob tapos ang tiyang mo at ang tindera namin ay pinapasok na ang mga paninda na nasa labas sa loob. Tapos di namin namalayan nagliliyab na pala ang likuran ng tindahan. Sobrang bilis ng pangyayari. Ang bilis kumalat ng apoy. Sinubukan naming isalba ang mga paninda. Pero biglang bumagsak yung haligi at tinamaan ang tiyang mo sa braso. Ako naman mga lapnos to galing sa mga plastik na nasunog. Ganun din yung tindera. Mabuti nga at mabilis na naagapan ang apoy at wala ng ibang nadamay na mga tindihan kung hindi magbabayad talaga kami." Nanlulumong kwento ni Tiyong Rusi.

Nakaramdam naman ako ng lungkot. Siguradong pinoproblema na nila ngayon ang tindahan.

"Ano ho bang sabi ng mga bumbero?" Tanong ni Cedric.

"Ang sabi ng mga bumberong nag imbestiga kanina kuya, baka daw po may nag hagis ng upos na sigarilyo sa likuran ng tindahan. Puro tambak po kasi ng sako at mga plastic ang likuran ng tindahan." Ani Jennifer na kadarating lang.

"Wala bang cctv sa likuran ng tindahan?"

"Wala Cedric. Hindi pa namin napapalagyan pero nagbabalak na kami. Hindi ko akalain na mangyayari ito."

"Sinabi ko naman kasi sayo Rusi na yung mga sako at plastic sa likuran ay idispatsa mo na. Hayan tuloy, nagsanhi pa ng sunog. Mabuti na lang at wala ng ibang nadamay." Ani Tiyang Les na nangingiwi pa sa kirot.

"Pasensya na Les. May kasalanan ako aaminin ko, hindi ako nakinig sayo."

"Wala na tayong magagawa nangyari na. Pero yung tindahan natin, siguradong malaki ang gagastusin natin pampaayos nun. Tapos yung mga paninda natin halos natupok lahat." Namomroblema ng sabi ni Tiyang Les.

"Huwag po kayong mag alala tiyang, tutulong po ako sa inyo ni tiyong." Sabi ko.

"Hindi na Pinky, may ipon naman kami ng tiyong mo." Tanggi ni Tiyang Les.

"Oo nga Pinky, huwag mo na kaming alalahanin. Kaya namin to." Segunda pa ni Tiyong Rusi.

"Alam ko naman po na kaya nyo pero gusto ko pa rin pong tumulong." Pag i-insist ko pa. Sila na lang ang pamilya ko kaya gusto ko silang tulungan.

"Kung kailangan nyo rin ho ng tulong ko sabihan nyo lang ho ako Tiyong Rusi, Tiyang Les." Alok din ni Cedric.

"Salamat Cedric. Kahit papaano gumagaan ang pakiramdam namin ng tiyang nyo dahil nandyan kayong dalawa na handang tumulong."

"Wala ho yun Tiyong Rusi. Isang pamilya na ho tayo dito."

Napangiti ako sa sinabi ni Cedric. Talagang tinuturing na nya kaming pamilya. Kunsabagay sobrang close na nga sya sa tiyuhin, tiyahin at mga pinsan ko.

"Sya nga naman po tiyong. Basta po tutulong ako sa inyo." Giit ko pa.

"O sya, ikaw ang bahala. Basta hindi kita inoobliga."

Maswerte pa rin talaga ako sa tiyuhin at tiyahin ko kahit ulila na ako. Mababait sila. Laging handang tumulong sa akin at hindi humihingi ng kapalit. Kahit minsan nagigipit sila never silang humingi ng tulong sa akin. Hindi nila ako inoobliga kaya kusa akong nagbibigay ng tulong.

My Possessive Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon