Chapter 34

19.1K 683 39
                                    

Warning 🔞


Pinky POV

KUMUNOT ang noo ni Cedric sa sinabi ko.

"Pumunta sa shop si Carlyn?"

Tumango ako at mabagal na ngumuya. "Sya yung magandang babae na maputing maputi na parang wala ng dugo. Mahaba ang kulay brown na buhok na kakulay ng contact lense nya, di ba?"

"Yeah, sya nga. Anong ginawa nya sa shop?"

Tumaas ang isang kilay ko. "Eh di kinompronta ako. Sya daw ang future wife mo dahil pinagkasundo kayong dalawa ng mama mo." Mapaklang sabi ko.

"Anak si Carlyn ng amiga ni mama at pinagkakasundo nila kami na ipakasal sa isa't isa. But of course hindi ako pumayag. I don't like Carlyn. She's not my type." Kaswal lang na sabi nya at sumubo ng pagkain.

Umingos ako. "Kung gusto mo sya, papakasalan mo sya?"

Tumingin sya sa akin. "Kung gusto ko sya. Pero hindi ko sya gusto at ikaw ang gusto ko kaya ikaw ang pakakasalan ko."

Kinagat ko ang labi at pinigilang mangiti sa kilig. Ako daw ang gusto nya at pakakasalan nya.

"Eh paano kung ipagpilitan pa rin ng mama mo na si Carlyn ang pakasalan mo?" Panunubok ko pa sa kanya. Dinampot ko ang baso at uminom ng tubig.

"Wala pa ring magagawa si mama. Kahit patanggalan pa nya ako ng mana at ipatanggal sa serbisyo, hindi pa rin ako susunod sa kanya. Kaya don't worry babe."

Napanguso ako. "Hindi naman ako nagwo-worry. Alam ko namang ako lang ang pakakasalan mo.."

Mahina syang tumawa. "I'm glad you know.."

Napangiti na ako at sa tuwa at kilig ko ay sinubuan ko sya ng pagkain gamit ang kutsara ko. Natatawa namang nginuya nya ang pagkaing sinubo ko.

Naglaho ang pag aalala ko kanina tungkol kay Carlyn. Sa mismong bibig na ni Cedric galing na hindi nya pakakasalan ang babaeng yun..

Mainit at mapusok ang halik na pinagsasaluhan namin ni Cedric sa loob ng kwarto ko. Isa isa rin nyang hinuhubad ang mga saplot ko sa katawan. Tinulungan ko rin syang hubarin ang kanyang t-shirt at kalasin ang kanyang sinturon. May pagmamadali sa aming kilos. Init na init at sabik na sabik kami sa isa't isa.

At ng mahubad na ang kanyang pantalon ay agad kong hinawakan ang kanyang pagkalalaki. Sabay pa kaming napasinghap. Sya ay sa gulat dahil ito ang unang beses na hinawakan ko ang pagkalalaki nya. Ako naman ay sa pagkamangha. First time kong hawakan ang pagkalalaki nya at kakaiba ang texture nito. Matigas na parang kahoy ang pagkalalaki nyang may katabaan. Pero malambot sa kamay ang balat. Pinisil ko ang pagkalalaki nya.

"Shit babe! Huwag mong pisilin.." Daing nya.

Agad ko namang binitiwan ang pagkalalaki nya. "Sorry!"

Mahinang tumawa si Cedric at hinawakan ang mukha ko sabay dampi ng maririing halik sa labi ko. "Gentle lang babe.. huwag mong masyadong panggigilan si junior."

Nag init ang mukha ko sa kanyang sinabi lalo pa ng ibalik nya ang aking kamay sa kanyang pagkalalaking tila lalo pang tumigas. Nararamdaman ko pa ngang pumipintig ito. Mukhang sabik na sabik na. Parang may sariling isip ang kamay ko na dahan dahan yung hinimas.

Mainit, mahaba at may katabaan ang pagkalalaki ni Cedric. May nakakapa pa akong ugat doon.

Pinaulanan ako ng halik ni Cedric sa buong mukha at leeg. Kagat kagat ko naman ang labi at bahagya ng bumibilis ang hagod ko sa kanyang pagkalalaki.

My Possessive Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon